Chapter 9: Rivalry

Start from the beginning
                                    

Mayamaya lang ay namataan kong mas lalong nagalit itong si Alexa. Her eyes... punong-puno ito ng galit na hindi ko naman alam kung saan nanggagaling. Unbelievable. This girl is really a pain in my ass. Palagi siyang nakikipagkompetensya sa akin. Lahat ng achievements ko noon hanggang ngayon, kailangan malamangan niya. And I don't mind at all. I don't give shits about it! Basta ako magtratrabaho lang ako sa lugar na ito. I don't like competitions. Ayaw kong magkaroon ng problema sa ibang Agent dito sa Tynera.

"Tell me! Bakit kayo magka-team ni Grayson! Bakit!" sigaw niya na siyang ikinangiwi ko. Napapikit pa ako dahil sa lakas at tinis ng boses niya. Shit! So, si Grayson lang pala ang problema ng babaeng ito? Iyong lalaking iyon ang puno't-dulo ng kabaliwan ng babaeng ito? Seryoso ba siya?

Napairap na lang akong muli. Right! I almost forgot about it! This girl is crazy over that jerk named Grayson Tyler. Noon pa man, noong nag-aaral pa kami ay bukang-bibig ng babaeng ito si Grayson. At ang lecheng lalaking iyon, laging nakadikit sa akin at nang-aasar pa. Hanggang maging Agent kami ay baliw pa rin itong Alexa na ito sa lalaking iyon! At ngayon nalaman niyang magka-team na kami, marahil ay na naramdaman na naman ng babaeng ito na natalo ko na naman siya. Oh my God! She's getting into my nerves now!

Napailing na lamang ako at umayos nang pagkakatayo. "And?" I mocked and smirked at her. Lalong nagalit si Alexa sa akin. Mayamaya lang ay naramdaman ko na ang attribute niya. She's a fire attributer, too. She's strong but I know that I'm way stronger than her. "Kung ako sa'yo, Alexa, ititigil ko na itong kabaliwan mo," mahinahong wika ko sa kanya. Wala ako sa mood makipagbangayan sa babaeng ito. At isa pa, I can't afford to have another pain in my body right now. Kaka-heal ko pa lang ng lahat ng sugat na natamo ko mula sa misyon ko sa Persidal Village. I need to rest and not to have a nonsense fight with this girl.

"Bakit ba kasi si Gray pa?" sigaw na tanong na naman nito sa akin. Iyong totoo? Ako na ang nahihiya sa pinaggagawa niya. I closed my eyes. This girl really testing my patience towards her. And I swear, I'm losing it!

Mapakla akong tumawa at matamang tiningnan ito. "Listen to me, Alexa. Alam kong may issue ka sa akin at wala akong pakialam sa kung ano man iyon. I'm here for the job. Nothing more, nothing less, so, grow up already, lady! Wala na tayo sa Tereshle Academy. No need to compete with me. Nasa isang organisasyon na tayo ngayon. We are Agents now and not a freaking student that are needed to excel on something. At isa pa, Agents here should consider their co-Agents a family and a friend. Not a rival!" wika ko na ikinatigil niya. Marahil ay 'di niya inaasahang lalaban ako ngayon. Noon, I'll let her do whatever she wants to do with me. I don't care anyway. Pero ngayon? Malas niya. Pagod pa ako galing sa huling misyong ginawa ko. Huwag niya akong sasabayan dahil manipis lang din ang pasensya ko!

I sighed and looked at her intently. "Kung ang problema mo sa akin ay iyong pag-team up namin ni Grayson, well, newsflash, Alexa, we're not a team anymore! Happy?" Nagkataas akong muli ng kilay sa kanya. "Now, leave me the fuck alone and don't bother showing your face in front of me!" mariing sambit ko sabay hakbang paalis sa kinatatayuan ko. Ngunit bago pa ako tuluyang makalayo sa kanya, tumigil muna ako sa paglalakad at nagsalitang muli. "And one more thing," ani ko at muling hinarap si Alexa. "Kahit kailan hindi mo ako malalampasan, Alexa. Not a chance. Dahil kahit pagbigyan kita ngayon, alam kong ako pa rin ang lamang na lamang sa ating dalawa. You can't do anything about that, not unless kung ako mismo ang magpapakababa para sa'yo. Pero kagaya nga ng sinabi ko, not a single chance, Alexa. Tandaan mo iyan."

I let out my frustration sa loob ng training room. Yes. May training room din kami dito sa Tynera, kagaya no'ng nasa Tereshle Academy. Mas malawak ito kumpara iyong nandoon sa academy. Mas malawak kaya naman ay magagawa mo talaga ang nais mo sa silid na ito.

Hingal na hingal ako noong matapos ko ang tatlong rounds ng ensayo. Inalis ko ang pawis sa noo at umayos nang pagkakatayo. Damn! I feel exhausted!

"Huwag mong abusuhin ang katawan mo, Anastasia." Natigilan ako nong marinig ko ang boses ni Grayson sa loob ng training room. Kumunot ang noo ko no'ng makita itong prenteng nakaupo sa isa sa silya 'di kalayuan sa puwesto ko.

Inirapan ko na lang ito at inihakbang ang mga paa. Agad naman akong natigilan sa pagkilos at napakapit sa dingding ng training room ng makaramdam ako ng pagkahilo. "Damn it," mabilis mura ko. Great! Talagang ngayon pa ako nakaramdaman nang pagkahilo!

Mayamaya lang ay naramdaman ko ang paglapit ni Grayson sa akin. And I mentally cursed again when his hand touches my waist and help me to stand properly. He's now supporting my body!

"Instead na magpahinga ay nandito ka. Really, Anastasia?" wika niya at nagsimula na kaming maglakad patungo sa silyang kinauupuan niya kanina. Napairap na lamang ako at hinayaan na lamang ito sa ginagawa. "I've heard what happened earlier. You said we're not a team now." Napalabi na lang ako sa sinabi niya. Truth is, nasabi ko lang naman iyon dahil nairita na talaga ako kay Alexa kanina. Hindi ko naman gustong ma-disband agad ang team namin. Well, as if naman ginusto kong maging ka-partner ito sa misyon. Siya lang pala iyong nagpumilit na makasama ako sa misyong kinuha ko.

"But I don't care." Bigla akong napatingin sa kanya. Patuloy pa rin kami sa paglalakad. Kunot-noo ko siyang tingnan. Say what? He doesn't care. Really? "Ako ang bumuo ng team natin, Ana. At ako lang ang may karapatang bumuwag nito, not you. And I must say this, our team will stay. Kahit anong mangyari, team pa rin tayong dalawa."

Nakangiting wika ni Grayson habang deretso ang tingin pa rin sa dinadaanan namin.

Hah. I have a bad feeling about this. Kung ipagpipilitan nito ang team na sinasabi niya, mukhang mas mapapadalas ang pagkikita naming dalawa ni Alexa.

Rivalry, huh? I'm so done with her!

Burst Into Flames [ Published Under Pop Fiction #CLOAK ]Where stories live. Discover now