25th Punch

1.1K 34 6
                                    

A/N: Did you missed Ali's POV? Finally, it's here! Enjoy reading!

-----~*~-----

Alisha.

Nakalabas na rin sa wakas si John sa ospital. Malapit na mag-December. Lumalamig na kasi ang simoy ng hangin. Simula nang dumating si Alexis mula States, umalis na rin si Jas ng bahay ng walang paalam.

"Baby Ali! Patulong sa Physics!"

Napairap ako sa boses ni Alexis. Tinawag pa akong 'baby Ali' para lubayan siya ng mga babae. Hindi ko pa nga napapaliwanag kina Myka at Ruby eh. Punong-puno na naman ang Freedom Board bukas.

"Baby Ali!"

"Eto na!"

Padabog pa akong naglakad papunta sa kwarto niya at pumasok. Nakita ko na naglalaro lang siya ng cellphone niya at nakasalampak lang ang mga libro niya sa sahig. Dahil sa inis, binato ko siya ng unan.

"Isusumbong kita kay mommy!"

"Tsk. Baby ka pa nga."

Ibabato ko pa sana siya ng nakuha kong kotseng laruan sa mesa nang itinaas niya ang kamay niya.

"HOY! Ang mahal-mahal niyan! Subukan mong ibato 'yan!"

"As you wish...."

Kinuha ko ang kotseng laruan at ibinato papunta sa kanya. Tsk. Nasalo pa. Uh-oh.

"Alisha Faye Tuazon! Malilintikan ka talaga sa'kin!"

Tumayo siya bigla sa kama niya at sinugod ako.

"ACK! M-masakit! ACK!"

Sinasakal niya ako kaya sinipa ko siya at napabitaw naman siya. Hinawakan ko pa ang leeg ko dahil sa sakit.

"Grabe ka!"

Tumalon ako papunta sa kanya at dinaganan siya. Ha! Magdusa ka!

"Aw! Ali naman eh!"

Para siyang bata na nagmamakaawa. Mas bata pa pala siya eh! Nagulat ako nang bigla na lamang ako nalaglag mula sa kama.

"Awtsu....."

"Ha! Buti nga sa'yo!"

Humalakhak pa ang mokong at nagpatuloy sa nilalaro niya. Binatuhan ko siya ng mga unan pero hindi pa rin natitinag. Tumayo na ako.

"Bahala ka dyan! Hindi na kita tutulungan sa Physics!"

Isinara ko pa ang pinto niya at pumasok naman sa kwarto ko.

"Baby Ali!!!"

"Blah! Blah! Wala akong naririnig!"

Nagring bigla ang cellphone ko kaya agad ko itong binuksan.

Poging Darryl calling.....

Putsapa naman o!

"Hello? Hello? Walang signal eh. What? Hindi kita marinig. Tsssssssss."

Isinara ko na ang phone ko at ibinato sa kama. Mukha lang akong baliw nung ginawa ko yun. Ang lapit-lapit lang ng bahay namin. Bakit kailangan pa niyang tumawag?

*Ding-dong*

"Baby Ali! Sino 'yan?!"

Pasimple kong tinignan mula sa bintana ang gate. Nakatayo si Darryl doon at mukhang nag-aalangan pa na pindutin uli ang doorbell.

"Ako na nga ang titingin!"

Nagtantrums agad ako nang marinig ko ang pagbaba sa hagdan ni Alexis.

School RumbleWhere stories live. Discover now