Mountain Dew 1.1

70 1 0
                                    

“Go! Boots konti nalang” Chinicheer nina Tulome at Pinocchio si Boots sa pag-akyat sa napakataas na falls.

“Thanks Fans!” sigaw naman ni Boots kina Tulome at Pinocchio.

Inabot din ng isang linggo si Boots sa pag-akyat sa napaka taas na falls. As in sobrang taas talaga nito.

Marami rin siyang nakasalamuhang iba’t ibang nilalang paakyat ng falls. Naroon sina Snow white with seven giants, Jack and the talking beans at marami pang iba. Maigi pang ikwento ko sa inyo kung anu ang nangyari sa isang linggong ‘yon.

Unang Araw-tirik ang araw

“Go! Boots konti nalang” syempre chinicheer siya ng mga kasama niya sa baba. Konti nalang daw pero sa totoo lang wala pa siya sa 1% ng taas ng falls.

Nag reply naman si Boots dahil ang alam niya ay madali lang ang pag-akyat sa falls “Thanks Fans!”.

Sa unang palapag palang ng falls ay nakita niya na si Snow white, kaya’t namahinga siya ng saglit.

“Miss ok lang ba you?” ani ni Boots sa maputing binibini

“Hu hu” humihikbi-hikbi pa ito sa pag-iyak.

Nilapitan naman ‘yon ni Boots upang Icomfort. Hinagod ni Boots ang likod ni Snow white kaya naman napagkamalan siyang manyak.

“AY! Manyak ka nanantsing kang matsing ka!” sigaw ni Boots.

Nag panic si Boots ay natanta dahil kasabay ng pagsigaw niya ay may narinig siyang mabibigat na yabag ng paa.

Tinignan niya kung sino ‘yong dumating na may mabibigat na yabag ng paa. “Waa!” nagulat si Boots sa laki ng kanyang nakita. Mga 6 footer na dwende.

Pito sila a may hawak na iba’t ibang sandata. Ang unang dwendeng higante ay nag ngangalang Juan, sinundan ni Thwo, Tree, Por, Payb, Siex, Seben.

Si Juan ay may hawak na Balisong

Si Thwo ay Martilyo ni Thor

Si Tree ay Suklay

Si Por ay Plastic Cover

Si Payb ay Poste ng meralco

Si Siex ay buhok ng kalbo

Si Seben ay Isang cornetto na tigbebente

Dahil sa mga dala ng pitong higanteng dwende ay natakot si Boots. Kayat pinilit niyang tumakbo kahit parang nakapako ang kanyang mga paa sa lumot.

“Tulong!” hindi na siya pwede pang magpalit anyo bilang Kapitan Tawas, isang beses lamang sa isang araw parang vitamins.

Tumayo ang puting babae at walang sinabi tumayo lang siya.

“Ayos may pulutan tayo” sabi ni Seben

“Ha ha ha tamang tama may alam akong luto” sabi ni Juan

“Ano ?” Tanong ni Payb

“Fuckbeth na Unggoy” sabi ni Juan

Nagtawanan ang pitong higante dahil ang corny ng joke. “HA HA HA” Tatlong ‘HA’ lang dapat dahil kapag sumobra sa itinakda ay isusumpa ka.

“Wag po” takot na takot na si Boots pumapatak na ang ihi sa kanyang *toot*. Pinilit niyang mag-isip ng dahilan upang makatakas.

“Sige susumbong ko kayo sa tatay niyo!” panakot ni Boots kahit ‘di niya naman talaga kilala ang tatay nila.

“HA?!” biglang namutla ang 6 na dwente pwera si Por.

“OK lang ampon lang naman ako” sabi ni Por sabay walk-out.

“Pa-panung nakilala mo tatay namin?”

Ang Huling PantasyaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora