Farmville at ang mga hubad

164 1 0
                                    

Tanaw na tanaw na nila Tulome ang nagnining-ning na kulay pink na kastilo ni Farm-farm sa lunsod ng Farmville.

“Tara unahan tayo Tulome. Ang mahuli di naligo!” sabay takbo ni Boots na parang batang excited na exited papuntang toy kingdom.

“Yoko di naman talaga tayo naligo. Simula palang sa first chapter wala tayong time maglinis ng katawan.” Sagot ni Tulome at parang nalulungkot ito.

“Sus OA mo naman. Sige bahala ka makatapak ka sana ng Tae!”

Habang naglalakad sila  patungong kastilo ay nadaanan nila ang isang eskwelahan kung saan binalikan nila ang kanilang ala-ala nung mag-aaral palang sila.

“Hay, ang sad naman. Namiss ko tuloy maging elementary ulit. Di ba classmate tayo nun?” tanong ni Boots

“Oo nga dun tayo unang nagkita. Mukha ka ngang unggoy dati… pati ngayon walang pinagbago. Nagpakulay ka lang ng blue para k-pop.” Sabi ni Tulome

“Ha ha oo astig nga eh. Next time pink naman papakulay ko.”

“Naalala mo ba nung umiyak ka nung kinder? Dahil pinaamoy ka ng utot ng bully sa atin na kinulong niya sa palad niya?”

“Oo grabe nakakasulasok kaya ako naiyak. Di ba yun ung unang pagkakataong pinagtangol mo ako kahit uhugin ka pa noon?” Sagot ni Boot

“Dun ko unang nalaman na magiging bida pala ako sa ‘Huling Pantasya’ at gagawing katatawanan ang sarili ko. Pero masaya naman dahil naging super hero ako.” May ngiti na sa mga labi ni Tulome.

“At eto pa. Nalala mo nung na Guidance ka dahil napagbintangang itinaas ang palda ni Maria Asawa. Ha ha ha ako kaya yun. Di ko pa alam ginagawa ko e. Nakita ko lang sa tatay ko na ginawa niya kay inday kaya ginaya ko.”

Binatukan ni Tulome si Boot ng malutong. Mas malutong pa sa crispy pata. “Baliw ka kaw pala yun. Ako tuloy nagpulot ng mga dahon sa punong lagas.”

“Eto pa naalala mo nung nagsupitan tayo ng papel?” tanong ni Tulome

“Anung sumpitan?” pinipilit isipin ni Boots

“Yung ngunguya ka ng papel tapos may straw ka. Tapos dun mo susumpit sa straw.” Paliwanag ni Tulome

“Ahh, Oo, naalala ko na. Natamaan ko pa nga si Juanita ang babaeng may banana sa loob ng tenga.” Halos mag pigil ng tawa ang dalawa.

“Ako naman si Ma’am Gracia. Kung tawagin natin e ang babaeng may talong. Ako kaya nakatama sa mata nun. Nahospital panga e sa sobrang lakas.” Nagtatawanan na ang dalawa.

“Meron pa kilala mo si Gardocia?” tanong ni Boots

“Oo ang lalaking may papaya. HA ha ha.” Talsik laway na tawa.

“Tama, ako kaya nakasumpit ng ilong nun. Diretso nga daw sa lalamunan pagkapasok sa ilong e.”

“Ang dami pa nating kalokohan nun e. Eto naalala mo nung hinubuan natin si Romeo ang escort ng Crush ko?” Tulome

“Oo naman epic kaya yun. Hindi man lang nagbribrief.”

“Badtrip ako dun. Isang araw nga e ang sweet nila ni Rohilda nilagyan ko nga nang tatlong buko ang bag.”

Nagtigil ang usapan ng dalawa nung may mga gwardiyang nakahubad ang humila sa kanila.

“Syeth! saan nyo kami dadalhil?” tanong ni Boots

“Kay Reyna Farm-farm. Mahigpit po kasing ibinagbabawal dito ang mga tagalabas lalo na’t kulay blue na unggoy.”

“Aba wag niyo naman insultuhin ang kaibigan ko nakikiuso lang naman yan. K-POP men!” pinagtanggol ni Tulome.

Ang Huling PantasyaWhere stories live. Discover now