Nilagyan ko ng kalamansi, patis, toyo, asin tsaka baggong tsaka pala food color na orange yung inumin na orange juice ni Lollipop Girl. Bahala na ako sa magiging reaksyon at gagawin ni JC mamaya sakin. Basta makaganti lang ako, ngingiti ngiti akong lalabas na sana ng kusina ng kalabitin ako ni Aling Cynthia, at may inabot na sili sakin. Talaga itong si Aling Cynthia. Hahahaha.

Maingat kong inilagay yung juice ni Lollipop Girl sa lamesa sa labas. Aba! Grabe naman to kung pumulupot sa asawa ko! Di bale na nga! Makakaganti naman ako sayo eh! :P

Maarteng kinuha ni Lollipop Girl yung juice at pasimpleng ininom at laking gulat ko ng ibuga niya kay JC yung juice! Jusko po! Ano itong nagawa ko?Nagpanic naman ako kaya kumuha agad ako ng tissue at pinunasan yung mukha ni JC. Yung babae naman sorry ng sorry kay JC tapos nagpacute at yumuko. Galit na galit si JC.

“ Get out of my house, you bitch! Aaaargh!” sigaw niya kay Lollipop girl sabay baling sakin. I swallowed hard. Nako! Baka malaman niya yung pinaggagagawa ko sa juice ni Lollipop Girl kaya pasimpleng binangga ko yung juice para matapon at SUCCESS!

“ JC, okay ka lang?” tanong ko sa kanya pero nagulat na lang ako ng maapakan ko yung bubog mula sa baso na tinabig ko kanina. Nagulat naman ako nung makita kong maraming dugo yung lumalabas mula sa paa ko.

“ Tanga tanga kasi. Kaya mo na yan, lagyan mo ng betadine.” Sabi niya lang at umalis na sa garden. Yun na yun? Ay nako! Ang hirap talaga umibig! Umupo ako sa upuan sa may garden. Pinagiisipan ko kung naging masama ba akong bata kila mama at papa at bakit naman naging ganito yung love life ko. Wala na bang talab iyong alindog ko!? Shet! Alindog talaga!? Binale wala ko muna yung sugat ko, sanay na eh. Nasa ganoon akong kalagayan nung mag-ring yung phone ko. Si Hiro!

Well, si Hiro? Base sa pangalan niya, hero talaga siya ng buhay ko. Tigapagligtas ko kay JC. He’s JC’s younger brother, kung si JC ko ay 25 na at ako ay 23 pa lang, si Hiro ay 24 years old na. He’s a drag racer. Wala namang pakialaman si JC sa kanya, ewan ko kung bakit.

“ Hello!” bati ko sa masayang tono. Kung ganito ba naman ang ugali ng asawa ko eh di masaya ako!

His WifeWhere stories live. Discover now