"Myka! Myka! Over here!"

Pilit kong hinahanap ang boses na iyon. Kung kumakaway man siya, hindi ko pa rin iyon makikita dahil sa dami ng nagtataasan ang mga kamay sa cheer nila. Ugh.

"Myka! Tingin ka sa kaliwa mo!"

Sinundan ko naman siya. Pagtingin ko sa kaliwa, nakita ko agad siya. Kasama niya sina Tyson, Darryl at Axel. Napatingin na din si Ali sa amin kaya lumapit siya sa amin. Kumunot ang noo nila.

"A-ali?"

Ngumiti siya.

"It's nice to be back, huh?"

"Pero bakit-----"

"No time to explain. Let's go."

Hinatak niya sina Ruby at Tyson. Habang sina Darryl at Axel naman, nakatulala lang kay Ali. Napailing-iling ako at hinatak na rin yung dalawa.

"Where are we going?" tanong ni Darryl

"To save John's life,"

Nagtataka siyang tumingin sa'kin pero umirap lang ako. Sinundan lang namin sina Ali hanggang sa mapunta kami sa likod ng Gym malapit sa bench na kinauupuan ng team mates ni John.

"Can you please explain?" -Axel

Napayuko lang si Ruby sa kanya.

"Si John ang target," mahinahong sagot ni Ali

"What do you mean?"

"Lately, I've been receiving death threats. And kahapon, meron akong na-receive na text from an unknown number. May mamamatay daw sa game. Si John yun,"

"How can you be sure?"

This time, si Tyson naman ang nagtanong. Pero tumingin lang ng blangko si Ali sa kanya.

"Because I know that we are the target of....Elisha,"

Nagulat ako. Si Elisha ba ang nag-text?

"A-ali...t-totoo ba 'yan?"

Tumango siya.

"I heard her. May kausap siya sa phone niya kahapon. Ngayon na raw nila igagawa ang plano nila. Pero hindi ko alam kung sino pa yung isa na kausap niya."

Natahimik kaming lahat. Tumingin ako muli sa mga naglalaro. Fourth quarter na ng game at lamang kami ng twenty-one points. Isa si John at Royce sa mga naglalaro. Inilibot ko ang paningin at nagbabasakaling mahanap ko ang kung sino man ang kung sino man ang papatay sa kanya.

"Myka...."

Lumingon ako kay Ali. Lumapit siya sa akin.

"I know na nag-aalala ka sa kanya. I'm sorry.... nadamay ko kasi kayo sa gulo namin."

"Ha?"

"Ako ang pakay ni Elisha. I don't know if she's really crazy to do such things pero parang may kung anong ginawa ko sa kanya na hindi ko alam bukod kay Ale---"

"Aaaaahhhh!"

"Oh my god."

"Fafa John!"

School RumbleWhere stories live. Discover now