Chapter 22

9.7K 219 43
                                    

Cassandra's PoV

Isang linggo na rin ang nakalipas ng madatnan kami ni Alyah sa bahay nila. Well na-surprised din ako at the same time. So now I don't need to explain and talk to Alyah because she knew it already. Alyah never failed me, she has a sense para hindi magtaka although medyo nagtagal.

One week passed and I can't contact Drake. Hindi ko siya maabutan sa office niya at kahit na anong tawag ko hindi siya sumasagot. What am I going to do kaya? Hm?

Sa kakaisip ko at napagdesisyunan ko na pumunta nalang sa bahay nila. Its been a week and the last news I heard is umalis si Alyah sa bahay nila. Pumasok ako kaagad at nagtungo sa loob. Nasa sofa palang ay kitang kita ko na si Drake na nakalupasay. "OMG! Drake!" Lumapit ako sa kaniya at inalalayan siyang makaupo.

He's drunk! At alam kong Alyah is the reason kung bakit siya nagpakalasing ng ganito. "D-Don't t-touch me." Hindi ko siya pinansin bagkus ay inayos siya ng upo sa sofa.

Agad akong pumunta sa kusina at nagluto ng lugaw. Mabuti na ito para naman maibsan ang kalasingan niya. Pagkatapos kong iluto ay bumalik ako sa tabi niya. Katulad ng kanina, halatang lasing na lasing pa rin siya. Tinapik ko ang balikat niya para pakainin siya and salamat dahil medyo dumilat siya. "Eat this." Utos ko but he didn't obey me.

Tumingin lang siya sa akin at laking gulat ko ng bigla siyang napaiyak at yumuko. Shit! Drake is crying in front of me! Parang tinusok ang puso ko dahil sa nakikita ko. "I'm a stupid husband to hurt her, not enough for her love." Pinunasan niya ang luha niya at humarap sa akin. "You, how did you do that?" Hindi ko siya maintindihan kaya tumahimik nalang ako. "Hurting her. You know what I mean." For the nth time, hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya.

He's right. Alyah is such a good woman that every mans dream and I can't be like her. I'm just a selfish woman that gave all my love to the man that never love me. He can't pay back all my sacrifice and love.

Tumayo si Drake sa harapan ko at iniwan akong mag-isa sa living room. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makarating siya sa kwarto niya at malakas na sinara ang pintuan ng kwarto niya. Huminga ako ng malalim at iniligpit ang lahat ng kalat dito.

Ilang minuto rin bago ko maayos ang lahat at nagdesisyon nalang ako na bumalik sa hotel. I don't want to stress myself dahil baka ma-apektuhan pa ang baby ko. Pagkadating ko sa hotel ay nakita ko si Christian sa loob. "What are you doing here?" Nakatalikod siya sa akin but I know na siya yon. Humarap siya and yes I'm right. "Paano ka nakapasok dito?" Ngumiti siya sa akin at lumapit.

"I have connections." Umupo siya at nag cross arm pa.

"So why are you here." Mataray kong tanong sa kaniya. Well I don't have time para makipag laro sa kung ano mang gusto niya.

"You're pregnant right?" Hindi ako kumibo. Nakatingin lang ako sa kaniya at hinahantay ang sasabihin pa niya. "At hindi si Drake ang ama niyan." Biglang uminit ang ulo ko sa sinabi niya. Fuck this man!

"How dare you!" Sigaw ko rito pero hindi manlang siya natinag.

"How dare you too." Mahinahon pero may diin sa bawat salita niya. Tumayo siya at lumapit sa akin. "Walang sikreto ang hindi nabubunyag Cassandra so kung ako sa iyo I'll tell the truth, baka sakaling mapatawad kapa nila." And with that I slapped him so hard.

"You don't have rights! Si Drake ang ama ng dinadala ko!" Tumawa lang siya na parang baliw at umiling iling.

"Ok fine maybe I don't have rights but," napalunok ako sa pambibitin niya dahil ilang segundo rin siyang huminto. "If Drake is not the father be ready." His words make me frozed. Fuck!

Umalis siya sa harapan ko at dali-daling lumabas ng pinto. Bakit ba wala manlang magandang mangyari ngayon sa akin?!

-

Nagising ako ng hindi maganda ang timpla ng katawan ko. Shit ngayon nga pala ang check up ko sa doctor ko. Gumayak ako at kumain pagkatapos ay kinuha ang susi ng sasakyan ko pero paglabas ko isang tao ang hindi ko inaasahan na makikita ko sa labas. "Drake" Iyon lang ang nasabi ko.

Naka polo shirt lang siya and black pants but he's still handsome in that way. "Its you check up today." Hindi ko alam pero medyo natuwa ako sa sinabi niya.

He still remember noong sinend ko sa kaniya ang date ng mga check ups ko. "Yeah" Iyon lang ang tanging nasabi ko.

"I'll come with you." Pagkatapos ay tumalikod na siya sa akin at naglakad papalayo. Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang sumunod nalang.

Sasakyan niya ang ginamit namin kaya I don't need to drive. Isang oras din ang byahe namin at sa isang oras na iyon ay wala manlang imikan or kahit na anong kibuan. Nang makarating kami ay pangalawa ako sa listahan so naghintay pa kami ng halos 30 mins.

Nang tawagin ang pangalan ko ay pumasok na ako sa loob, akala ko ay hindi na sasama si Drake pero sumama siya sa akin.

May ilang test ang ginawa hanggang sa matapos. "Your baby is healthy all you need to do is to eat a lot of fruits and vegetables. Reresetahan nalang kita ng vitamins ng baby mo and sa iyo to make your baby more healthy." Tumango naman ako sa lahat ng sinabi ni Dra. I'm happy that my baby is healthy.

Pagkatapos namin ay nagpaalam muna ako kay Drake na mag c-cr. Balak pa nga niya akong samahan pero hindi ko na siya pinayagan. Ang sabi ko nalang ay susunod nalang ako sa sasakyan.

Habang papunta akong CR ay may biglang humatak sa braso ko kaya nagulat ako. "Ano ba Jasmin?!"

"I saw you with Drake." I just smiled at her.

"Yeah sinamahan niya ako dahil check up ng baby namin." Simpleng sagot ko sa kaniya.

"Hanggang kailan mo ba itatanim dyan sa isip mo na hindi anak ni Drake yan? Don't fool me Cassandra. Sinabi mo na sa akin lahat right?" Shit! I forgot.

-Fieryalih

A/N: What can you say about this chapter? And sino sa tingin niyo ang ama ng dinadala ni Cassandra? Comment below! The next updated will be later siguro mga gabi siya! Lovelotss VOTE AND COMMENT!

My Ex Is My Husband (Book 2 Of My Ex Is My Fiance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon