Chapter 3

14K 310 6
                                    

Alyah's PoV

"Hello? Honey?" But nobody answer. What happened ? Yumuko ako at hinilot ang sintido ko.

"Headache?" Salita ng nasa harapan ko, umiling lang ako at ngumiti sa kaniya pagkatapos ay inabot ang telepono sa kaniya. Hiniram ko lang kasi 'yon dahil lowbat nako.

"Why did you bring these foods? Nakakahiya." But he just laugh and walk forward.

"Just what I've said, baka gutom ka so you need to eat." I just smiled at him and he smiled back.

"Thank you." Iyon lang ang nasabi ko at kumain na. Nagpaalam na din si Vincent dahil may mga aasikasuhin din daw siya. Ako naman ay dali daling nagsinop para makauwi na.

Nang makarating ako sa bahay ay hindi ko naabutan si Drake sa sala so akala ko ay nasa kusina pero mga pagkain lang ang nadatnan ko doon. Napakagat labi ako ng maisip na he made these effort for me. Isininop ko iyon at nagpunta sa kwarto namin then I saw him lying on the bed and sleeping peacefully.

"I'm sorry Drake." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. I kissed him at tumabi sa kaniya. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang mukha niya.

--

Masaya akong iminulat ang mata ko dahil day off ko today kaya naman umikot ako patalikod pero nadismaya ako ng wala na akong makita na katabi ko. Tumingin naman ako sa relo ko at 9:00am na pala. "Masyado yata akong puyat."

Nang makaisip ako ng idea at naligo ako at nagbihis. I cook for him, medyo pamilyar ang eksenang ito dahil years from now ay ipinagluto ko siya then pumunta ako sa company and I saw him also Jasmin. But then iba na I'm his wife for pete's sake.

I cooked chicken curry, at ng matapos na ay nagpunta ako sa company ng Delos Reyes. Pagpasok ko pa lamang ay sobra na ang lapad ng ngiti ng mga empleyado dito and greeted me good afternoon so I greeted them back. I'm not suplada like other so mas better naman if maging mabait and humble. Nadaanan ko din ang secretary niya na halatang busy pero nakuha pa din akong batiin.

"Good Afternoon mam." She greeted. I smiled at her.

"Where's Drake?" Tumingin naman siya sa mga schedule ni Drake at muling humarap sa akin.

"Mam mayroon po siyang meeting right now but patapos na rin po." I nodded and enter my husband's room. Bumungad sa akin ang napakalaking litrato niya na naka suit then sa left side naman ay ang wedding picture namin. I smiled ng mabalikan ko ang ala ala kung kailan kami ikinasal. Lalo na ang vow namin.

"Alyah, masayang masaya ako lalo na ngayon na nasa harap tayo ng pari at ng panginoon. I want to spend my time with you untill I die. I just want to have a perfect family, well 12 babies are enough for me." Agad ko naman narinig ang mga tawanan at hagikgikan ng mga taong nasa simbahan. Grabe naman to! 12?! Gusto ata akong maging losyang nito ! Tinitigan ko lang siya ng masama at siya ? Ayon tawa ng tawa.

"This is unusual." Napatingin ako sa gilid and I saw him. Niluwagan niya ang tie niya at lumapit sa akin. "May oras kanaba para sa akin?" Nagulat ako ng iyon ang tanong niya sa akin kaya napakunot ang noo ko.

"A-ano bang klaseng tanong yan Drake?" Lumakad siya at umupo sa swivel chair and cross his arms.

"Alyah hindi mo ba nakikita na wala manlang tayong oras para sa isa't-isa? We are both busy managing the company so paano tayo paano naman tayo?" Napapikit ako dahil sa sinabi niya. He is right, we are both busy.

"Drake alam mong ginagawa natin to para sa magiging anak--" Pinalo niya ang lamesa niya na ikinagulat ko.

"Iyon nga eh, trabaho tayo ng trabaho pero ano? Para sa magiging anak natin? Eh baka nga pati yon hindi na natin mabigyan ng atensyon eh. Oras nga lang nating dalawa wala na." Huminga ako ng malalim at lumapit sa kaniya.

"That's why I'm here." Kumbinsi ko sa kaniya pero umiling uling lang siya.

"You're just here dahil day off mo lang. How about the other day? Day off mo din ba ?" Umiling ako dahil alam ko sa sarili ko na hindi. Malungkot ako na makita ang asawa ko na hindi ko manlang nabibigyan ng madaming atensyon at oras.

"I'm sorry Drake." Iyon lang ang nasabi ko for the nth time. Tumayo siya at hinarap ako then he kissed me passionately. We both need air dahil sa halikan namin.

"No, I think we need a vacation." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Seriously? Vacation? Para bang na excite ako dahil sa sinabi niya.

"Really?" Tumango tango siya ng nakangiti kaya naman lumapad din ako ng ngiti sa kaniya. Omg! Can't wait!!!!

Inilabas ko naman ang pagkain na dala ko para makapag lunch na kami pareho. "Did you like it?" Matapos niyang isubo ang laman ng kutsara.

"You? Of course." Pilyong salita niya kaya inirapan ko siya. Tss ang halimaw na to walang pinagbabago.

"Nga pala kailan tayo magba-bakasyon?" Huminto naman siya na para bang nagiisip.

"After Carlo's wedding." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Si Carlo ikakasal na? Pero kanino? Naisip ko tuloy bigla si Karren.

"Kanino? At saka bakit ang bilis naman ata?" Oo chismosa ako pero ok lang mas chismoso naman ang asawa ko .

"Kay Karren, nabuntis niya and he want to marry her." Napangiti ako ng malamang kay Karren siya ikakasal. Oh my! Sinasabi ko na nga bang sila rin ang magkakatuluyan. Pero sabi ni Drake na dahil nabuntis si Karren kaya papakasalan?

"Honey baka naman napipilitan lang si Carlo dahil sa nabuntis niya si Karren?" Baka kapag nangyari yon eh masaktan lang si Karren parang yung sa mga nababasa ko na story nung college ako. Siguro pwedeng pamagatan ang story na "Just Because the Baby." Hayy kung anu ano nanaman iniisip ko.

"Don't worry Karren will be alright. Papanagutan siya ni Carlo dahil alam kong mahal niya ang kaibigan mo ." Sana nga, sana lang.

"Wow magiging tita na pala ako no?" Hindi ko alam pero iyon ang nasabi ko na ikinangisi niya.

"Oo at ikaw na ang susunod na mabubuntis, just wait." And he smirked kaya naman binatukan ko siya. Tss mas malala pala ang pinagiiisip nito.

-Fieryalih

A/N: Keep voting guys. I need 50 views para i publish ko ang next chapter. Thank you love lotsss :))

My Ex Is My Husband (Book 2 Of My Ex Is My Fiance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon