Chapter 11

10.3K 208 15
                                    

Alyah's PoV

"Stop acting like a child will you?" Inis kong sabi sa kaniya. Paano ba naman pati iyon pinansin niya.

"I don't care, minsan ng nabaliw yon dahil sayo." For the nth time inirapan ko nanaman siya. Ang lakas kasi ng tama aba kasal na nga ako sa kaniya tapos akala niya maaagaw pa rin ako ni Christian.

"Pwede ba don't talk to me hindi pa tayo okay." I heard him 'tsk' then pagkatapos noon ay hinila niya ako.

At dahil mas malakas siya, nagpatianod nalang ako kung saan kami mapupunta. Nakarating kami sa hallway nito at naupo sa mga benches. "Fine Aly, I'm sorry masyado lang akong na pressure when I saw those pictures." Nakayuko siya habang sinasabi iyon pero nakahawak pa rin siya sa kamay ko.

"Alam mo kasi Drake ang hirap sayo wala kang tiwala sa akin. Nauuna yang galit mo kaysa pakinggan yung mga paliwanag ko." Pagkatapos ko magsalita ay inangat niya ang ulo niya tsaka tumingin sa akin.

"I'm sorry for being stupid. Lalo na nung malaman kong kasama mo si Vincent that night." Nagsalubong nanaman ang noo niya ng banggitin niya ang pangalan ni Vincent.

Kaya naman hinawakan ko pa ang isa niyang kamay atsaka nagsalita. "Just listen Drake. Wala namang mawawala kung makikinig ka." I took a deep breath and we both sigh.

"I'm sorry Honey." Ngumiti ako sa kaniya dahil narinig ko na ulit yung pagtawag niya sa akin ng 'Honey' corny but I feel so important to him.

Sinimulan ko ng sabihin sa kaniya lahat ng mga nangyari that night. Simula ng masira ang sasakyan ko at hanggang sa makarating ako sa bahay. Tahimik lang siyang nakikinig, alam ko na naiintindihan niya ang lagay ko ngayon. "Shit I didn't know." Salita niya ng matapos akong ikwento lahat lahat.

"It's fine pero sino nga pala yung nagbigay sayo nung envelope na yon?" Na-curious ako kung sino iyon. Dahil kung sino man yon tyak na gusto niya sirain ang samahan naming mag-asawa.

"I don't know Hon, basta nakita ko nalang siya sa labas ng bahay." What an effort for that fucking human. Ang galing niya manira. "But don't worry, mas naniniwala ako sayo." Ngumiti siya sa akin and I smiled back. Ilang segundo rin na ganoon ang posisyon namin hanggang sa hapitin niya ako papalapit sa kaniya and then I felt his soft kisses.

Inilagay ko ang mga kamay ko sa batok niya para mas palalimin pa ang halik naming dalawa. Ghad I miss him so much. His touch, care, love, and his presence. This man make me crazy everytime we did this.

"OMG!" Bigla kaming napahiwalay ni Drake at napatingin sa babaeng nagsalita sa likuran ko.

"Cassandra?!" Shit my friend is here! Agad akong tumayo at niyakap siya. "Shit you're still alive." Biro ko rito at nagtawanan naman kami.

Namiss ko ang babaeng ito. Isang taon din kaming hindi nagkita nito dahil sa business nila but then. "Alyah you're still pretty pa rin." Mahinahon siya magsalita but I can see a happiness the way she speak.

"Yeah because we are sisters by heart. " nagyakapan kami ulit. Dahil sa saya ko nakalimutan ko ng kasama ko pala si Drake.

"Ay Sorry, by the way I'm with my husband." Of couse she knew Drake. Lumapit naman ako sa asawa ko. Ngumiti sa akin si Cassandra at siyempre kay Drake.

"Hi, long time no see." She's referring to Drake. Tumango lang naman ito na ikinakunot ng noo ko. Bakit parang ang cold naman yata nito? Ayy baka nainis lang dahil naistorbo yung halikan namin.

"Investors ka rin dito?" Siguro ay ipinakilala na ang ibang investors nung hinila ako ni Drake kaya naman hindi na ko na nalaman ang mga ibang involve pa rito sa company namin.

"Yes and I think busy ka kaya hindi moko nakita inside." Tinuro pa niya ang pinaggaganapan ng party.

"Yeah I guess, sorry for that. Si Honey kasi kinaladkad ako rito you know away mag-asawa." Paliwanag ko naman sa kaniya. In fairness marami na ding nagbago sa kaniya physically. Mas lalo siyang gumanda at pumuti. Isama na rin ang sexy niyang katawan dahil sa body fit niyang gown.

"Hindi mo ba na-invited si Karren?" Ayy oo nga pala!

"I invited her pero hindi ko pa siya nakikita. Baka nagka problema or something. Hindi ko rin kasi siya ma-contact." Napatingin naman ako kay Drake at nakita kong masama ang tingin niya kay Cassandra.

"Well I'll contact her nalang. And I need to go now Aly. Nice to see you again." Pagkatapos niyang magpaalam ay yumakap siya sa akin. Hanggang sa nakatingin nalang kaming pareho sa kaniya na papaalis na.

"Honey what's the problem? Kanina kapa tahimik simula ng dumating si Cassandra." Nakatingin lang siya sa akin ng seryoso na para bang may gusto siyang sabihin.

"None, nanibago lang siguro ako." Tumango nalang ako. Well just like him nanibago rin naman ako kay Cassandra pero she's my friend kaya hindi naman siguro ganon kailang like Drake. "Don't mind me." Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko atsaka pumasok na rin sa loob.

Gusto na daw ni Drake umuwi kaya naman nagpaalam na kami kila Mommy at Daddy at sa iba pang bisita. Nakakahiya man pero mas uunahin ko ang kalagayan ng asawa ko. Mukha kasing hindi siya okay.

Hanggang sa byahe tahimik lang kami. Kanina pako nagtataka kasi naman bigla bigla nalang tumahimik si Drake. Hindi ko alam kung anong problema dahil kapag tinatanong ko siya palaging wala. "C'mon don't think too much." Nasa kwarto na kami at nakatingin lang ako sa kaniya.

"Bakit? Hindi kita maintindihan." Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko bago siya magsalita.

"Kaya ko gustong umuwi ng maaga para ma-solo ka. Ilang araw din tayong hindi nakapag-usap. I just missed my wife." Nawala naman ang pag-iisip ko n kung anu-ano ng sabihin niya iyon. Kung sabagy nga may point rin naman siya.

"Sorry kung-" he kissed me.

"Don't say sorry lets just enjoy being with each other."

-Fieryalih.

Twitter:@msmonicamiranda

A/N: Follow niyo ako sa twitter mga minamahal. :) para makilala ko kayo at makapag kwentuhan tayo :) opsss don't forget to VOTE AND COMMENT. :)

My Ex Is My Husband (Book 2 Of My Ex Is My Fiance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon