Chapter 2: Team

Mulai dari awal
                                    

"Because I wanted to leave you. So please, stop this already, Grayson Tyler. Bumalik ka na sa Tynera. Leave me alone," sambit ko sabay talikod sa kanya.

"I won't leave. We're a team now, remember? And a good teammate doesn't leave their comrade alone," anito na lalong ikinainis ko.

"Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na hindi tayo magka-team? Kinakalawang na ba yang utak mo, hah, Grayson? Ba't ba hindi mo maintindihan na ayaw kitang ka-team sa misyong ito?" Naiinis na talaga ako! Ito na nga ba ang sinasabi ko. Wala kaming matatapos na trabaho kapag magkasama kaming dalawa!

"You really talked a lot, Anastasia. You never changed a bit. Come on. Maghanap na tayo ng masasakyan para makarating na agad tayo sa Persidal Village."

Napapikit na lamang ako dahil sa inis sa lalaking ito. This guy is unbelievable! Hindi niya talaga ako titigilan. Napabuntonghininga ulit ako at noong tuluyang makalapit itong si Grayson sa akin, natigilan ako. Mabilis na hinawakan nito ang palapulsuhan ko at hinila na ako patungo sa mga karwaheng nakahilira 'di kalayuan sa kinatatayuan naming dalawa.

"Persidal Village? Nako, sobrang liblib ang lugar na iyon. Ilan lang ang bumabiyahe paroon. Idagdag mo pa ang bali-balitang may kung anong kababalaghang nangyayari sa nayon na iyon. Pasensiya na pero hindi ako maaring maghatid sa inyo. May pamilya ako at mahirap nang mapahamak dahil sa pagbiyahe ko papunta roon."

Kunot-noo kong tiningnan ang may-ari ng karwahe. He's afraid of something that is unknown. Seriously? Ano bang nangyayari sa Persidal Village ngayon? Napasimanot na lang ako at naglakad patungo sa susunod na karwahe. Kinausap ko ang may-ari nito at kagaya ng naunang nakausap ko, ganoon din ang naging sagot at sinabi nito sa akin.

Ilang kutsero pa ng mga karwahe ang nakausap ni Grayson ngunit ganoon pa rin ang sinasabi nila sa amin. Yes, siya lang ang kumakausap sa kanila. Tahimik lang akong nakasunod sa kanya dahil sa kainisan sa mga nangyayari. Bakit ayaw nilang bumiyahe patungo sa Persidal Village? Paano namin matutulungan ang nayon na iyon kung ni isa sa kanila ay walang nais tumulong sa aming makarating sa lugar na iyon? Napairap na lamang ako sa kawalan at pinagmasdan na lang ang reaksiyon ng mga nakakausap ni Grayson.

"Pasensya na ho talaga," ani ng isang kakakausap lang ni Grayson. Halos limang kutsero na ang nakausap namin ngunit ni isa sa kanila ay ayaw talagang pumayag na ihatid kami sa Persidal Village. Grayson already offered them enough money but still, they refused to service us. Damn it!

Now, what? Paano kami makakarating sa nayon na iyon?

"What's wrong with this people? Bakit ayaw nila tayong pagbigyan? Ihahatid lang naman nila tayo, ah! They won't even enter the main entrance of that village!" inis na sambit ko at napahugot na lamang ng isang malalim na hininga.

Malas yata ako ngayon. Kainis!

And speaking of malas! I glared at Grayson. Ang lalaking ito ang malas sa buhay ko!

"Oh! Relax, Anastasia. Kung makatingin ka para mo akong pinapatay, ah." He said then raised his both hands.

"Well, tustado ka na sa isipan ko, Tyler!" singhal ko sa kanta at inis na ipinadyak ang isang paa. Damn it! Today is not my lucky day! Wala ng ibang paraan kung paano makakapunta sa Persidal VIllage. Hindi ko naman puwedeng lakarin iyon! Malayo pa ito mula rito sa boundary ng Audros at Lynus! If I only have the power to fly or the ability to teleport, gagawin ko agad iyon!

I badly want to do this mission!

May kung anong mayroon sa nayon na iyon ang gusto kong makita! At para magawa ko iyon, kailangan ko munang makarating doon! Damn it!

"Mga agents ba kayo ng Tynera?" Agad na nakuha ang atensyon ko nang nagsalita. Isa ito sa mga kutsero kanina ngunit hindi pa ito nakakausap ni Grayson. Mabilis akong lumapit sa kanya, nagbabaka-sakaling pumayag itong ihatid kami sa nayong kinatatakutan ng lahat! Ramdam ko naman ang sumunod ni Grayson sa akin ngunit hindi ko na ito binigyan pansin pa. This is it! Baka pumayag na ang isang ito na ihatid ako sa Persidal Village!

"Yes. I'm an agent," sagot ko sa lalaki at umayos nang pagkakatayo. "Bumabiyahe ba kayo roon? Kahit hindi ka na umabot sa mismong village. Puwede ko naman iyon lakarin kung sakaling natatakot ka rin kagaya ng mga kasamahan mo."

Tiningnan akong maagi ng kutsero. Tahimik lang itong nakatingin sa akin at noong maramdaman ko ang presensiya ni Grayson sa tabi ko, napahawak ako nang mahigpit sa bag ko. Mayamaya pa ay tumango ang kutsero sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa naging tugon nito at wala sa sariling napabaling kay Grayson.

"So, ihahatid mo kami?" maingat na tanong ni Grayson sa kanya na siyang ikinatigil ko.

Wait... No way. Ako lang dapat ang ihantid nito patungo sa Persidal Village!

"Tara," wika ng kutsero ng karwahe na siyang ikinatigil ko. "Ihahatid ko kayong dalawa sa Persidal Village." Wala sa sarili akong napangiti sa sinabi nito. Bigla akong natuwa sa narinig at hindi na binigyan pansin pa si Grayson sa likuran ko. Agad akong sumakay sa karwahe nito at noong sumakay na rin si Grayson, biglang bumalik sa akin ang katotohanang kasama ko nga pala ang lalaking ito sa misyon ko!

"Talagang gustong-gusto mo ang misyon na ito, ah," rinig kong sambit ni Gray sa tabi ko. Tiningnan ko lang siya at pinagtaasan ng isang kilay ito. Mayamaya lang ay nginitian ko ito at muling inirapan. Kita kong natigilan siya dahil sa ngiti ko kaya naman ngumuso na lang ako. Right. We hate each other pala. Ba't ko ba kasi nginitian ang isang ito?

Mayamaya pa'y naramdaman ko ang kamay niyang ipinatong sa ulo ko. Napapitlag ako sa ginawa niya kaya naman ay masama ko itong binalingan. Agad kong inalis ang kamay niya noong akmang guguluhin na nito ang buhok ko. "Tigilan mo ako, Grayson," sambit ko sabay irap muli rito.

"Sana'y matulungan niyo ang mga Tereshlian sa nayon na iyon." Mabilis akong natigilan at napatingin sa unahan ng karwahe noong magsalita ang lalaki roon. Seryoso ito ngayon habang hawak-hawak ang tali na konektado sa dalawang kabayo.

"Do you have any idea kung ano pong mayroon sa nayon na iyon?" I heard Grayson asked him. Tiningnan kong mabuti ang kutsero at hinintay ang magiging sagot nito sa tanong ng kasama ko. Seconds passed; the man didn't utter a single word. I saw him sighed, and when he finally answered Grayson's question, I froze.

"Taga-roon ako. Isa ako sa mamamayan ng nayon na iyon," aniya na siyang ikinatigil kong muli. Napatingin ako kay Grayson at noong mamataan ko ang seryosong tingin nito sa lalaki, napabaling muli ako rito at pinakinggan ang mga sasabihin nito. "Bago pa mang kumalat ang bali-balitang sakit sa nayon namin ay umalis na ako roon para magtrabaho rito bilang kutsero. Mag-iisang taon na rin ang lumipas simula noong magkaroon ng kakaibang kababalaghan sa nayon namin. At simula noon ay 'di na ako nakauwi pa," pagkukuwento nito at muling napabuntonghininga.

Napatango na lang ako at hindi na nagkomento pa.

This is really something big. This mission... I felt something strange with this. Hindi lang ito isang sakit na maaring maresolba agad ng isang agent. This is more than that and we need to resolve this as soon as possible!

"Sana talaga matulungan niyo ang mga naninirahan sa nayon namin," muling wika ng kutsero na siyang ikinatigil kong muli. Mariin kong ikinuyom ang mga kamay at walang ingay na tumango sa kanya.

"Don't worry, Sir. We'll do our best to help them," sambit ni Grayson na siyang ikinatigil kong muli. Namataan kong tumingin ito sa puwesto ko kaya naman lumingon na rin ako sa kanya. "After all, we are the best team from Tynera, Sir. The best agents of Tereshle. Makakaasa ka po sa amin."

Napaawang ang labi ko sa mga narinig mula kay Grayson Tyler. Oh crap! I almost forgot about that! We're now a team, for Pete's sake! Pero teka nga! Pumayag na ba ako sa set-up na ito? Pumayag na ba akong makatrabaho ang isang ito?

Grayson Tyler!

You're really impossible! Ipagpipilitan mo talaga ang gusto mo kahit na ayaw ng mga taong nasa paligid mo!

Napailing na lamang ako habang nakatingin sa kanya. Bahala ka na nga!

Sa ngayon, kailangan ko munang ituon ang buong atensiyon ko sa misyong ito. Tsaka ko na bibigyan nang pansin itong pinaggagagawa ni Grayson sa akin! I sighed and let my mind rest for a minute.

Persidal Village, ano kayang misteryong mayroon ka?

Burst Into Flames [ Published Under Pop Fiction #CLOAK ]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang