Chapter 1: Agents

Start from the beginning
                                    

"The Lost Princess?" basa ko sa isang misyon na naroon sa bulletin board. Napairap ako at napahugot na lamang ng isang malalim na hininga. Lost Princess? That's boring. Walang masiyadong ganap ang misyong ito kung hindi ang hanapin ang isang runaway heir ng isang mayamang pamilya. "What else?" bulong ko pa sa sarili. Inisa-isa kong basahing mabuti ang mga misyong naroon hanggang sa may nakita akong misyon na nakakuha ng interes ko. "Persidal Village."

Really? May misyon pala sa lugar na ito? Napangiti ako at agad na kinuha ang papel na naglalaman ng misyong nagustuhan ko. Tahimik kong binasa ito at mayamaya lang ay napaarko ang isang kilay ko.

"People of Persidal Village are now suffering because of an unknown illness. They assumed that someone is in their island and caused them to suffer. The villagers are suffering and some of them are dying. Agents of Tynera, please help them and investigate this!"

Napakunot ang noo ko sa nabasa. An unknown illness, huh? Hindi na bago ang ganitong misyon sa akin pero nasa isang liblib na lugar ang Persidal Village na ito. Imposible namang may magtangka pang manggulo sa kanila. Ni hindi nga umaalis sa village na iyon ang mga Tereshlian na naninirahan doon!

Ipinilig ko ang ulo pakanan at napanguso na lamang. This is weird. May kung ano akong nararamdaman sa misyong ito. Maybe I should check this out. Well... I can help them if it's just a normal disease. Lalo na't may healing power ako! Kung totoo ngang isang sakit ang gumagambala sa kanila, puwes, makakatulong ang healing power ko sa misyong ito! Easy.

"You're going to that creepy village?" Natigilan ako sa ginagawa at napalingon agad sa taong nagsalita sa likuran ko. Mayamaya lang ay napakunot ang noo ko noong mamataang nasa tabi ko na pala ito ngayon. Damn it! Hindi ko man lang naramdaman ang presensya niya kanina!

"Grayson Tyler," bigkas ko sa pangalan niya at umayos nang pagkakatayo. Walang emosiyon ko lang itong tinitigan habang siya naman ay tila tuwang-tuwa sa pagkikita namin ngayong dalawa rito sa Tynera.

"Hi, Ana!" Nakangiting bati niya sa akin at itinaas pa ang isang kamay at ikinaway ito sa akin. Inirapan ko na lang ito. Damn it. I have a bad feeling about this. Kapag nandito ang lalaking ito, alam ko nang may hindi magandang mangyayari sa araw ko!

What the hell is he doing here anyway?

"What are you doing here, Grayson? Akala ko ba'y may misyon ka ngayon?" tanong ko sa kanya at palihim na tinupi ang papel kung saan nakasulat ang misyong napili ko kanina sa may bulletin board. "Tapos mo na ang misyong iyon?" tanong ko ulit para naman ay hindi nito mapansin ang ginagawa ko ngayon.

"I'm done with it. Easy!" mayabang na sagot niya habang nakangiti pa rin sa akin. Napailing na lang ako at hinayaan ang mayabang na presensiya niya sa harapan ko.

Grayson Tyler. Ka-batch ko ito noong nag-aaral pa ako sa Tereshle Academy. He's strong, very strong, and he's one of the sons of Principal Tyler of the academy. Kapatid niya si Demetre Tyler, one of the members of Council. Mula sa Zhepria ang pamilya nila kaya naman isang wind attributer ang lalaking ito. A strong wind attributer to be exact.

"Ano ba kasing misyon ang pinuntahan mo?" pag-uusisa ko pa at umayos nang pagkakatayo. Nagkibit-balikat lang ito sa akin at tiningnan ang hawak kong papel na napansin pala niya na tinatago ko! Damn! Napairap na lang ako sa ginawa niya at napabuntonghininga. "Whatever! Huwag mo nang sagutin. Wala naman akong pakealam. Anyway, maghahanda lang ako sa misyon ko. Bye," mabilis na turan ko sabay talikod kay Grayson.

"Wait, Anastasia," pigil niya sa akin na siyang ikinatigil ko sa paghakbang ng mga paa. Humarap muli ako sa kanya at pinagtaasan ko ito ng isang kilay ko.

"What?" tanong ko at inilagay sa likuran ang hawak na papel. Tumingin siyang muli sa kamay ko at noong tiningnan niya muli ako, nakakunot na ang noo nito sa akin.

"You're taking that mission?" He curiously asked.

Mas lalong tumaas ang kilay ko sa naging tanong niya. What? Bawal na bang magtrabaho ngayon? "Yes," mabilis namang sagot ko rito. "I'm bored and I need to have and take any job right now, Grayson," I answered his stupid question. Napailing na lamang ako sa kaharap at noong akmang tatalikod na ako sa kanya, muli itong nagsalita na siyang nagpatulos sa akin sa kinatatayuan ko.

"I'll go with you," seryosong saad nito na siyang ikinaawang ng labi ko. Napailing muli ako. I stood still and frowned at him. He what? Go with me? Seryoso ba ang isang ito?

For the nth times, napairap ako sa harapan nito. "Bored ka rin ba Grayson kaya ako naman ang gagambalain mo ngayon?" I crossed my arms against my chest as I raised my eyebrow higher than the usual. "Look, maghanap ka ng ibang trabaho, Grayson Tyler. Huwag mo akong abalahin! Diyan ka na nga!" inis na bulalas kong muli sa kanya. This time ay hindi na niya ako pinigilang umalis sa harapan niya. Dere-deretso ang lakad ko at hindi ko na ito binigyan ng pansin pa. Bahala siya sa buhay niya!

Mabilis akong bumalik sa silid ko at kinuha ang bag ko kung saan ko ilalagay ang mga kailangang dalhin para sa misyong ito. Tahimik ngunit mabilis ang pagkilos ko at noong naisilid ko na ang lahat ng kakailanganin ko para sa misyong pupuntahan ko, inayos ko ang pagkakatali ng buhok at lumabas na akong muli sa silid ko.

Tahimik akong naglalakad ngayon sa may hallway ng Tynera noong may naramdaman akong nakasunod sa akin. Agad akong tumigil sa paglalakad at lumingon sa may likuran ko. There. I saw him. Grayson Tyler. He's smiling widely at me while fixing his own freaking bag!

"What are you doing?" I suspiciously asked him.

"I told you... I'll go with you. That mission will be fun, Ana!" He answered, still smiling at me.

Oh, crap! "No, Grayson. Just no, okay! Hindi ka sasama sa akin," mabilis na angal ko sa kanya. Like, no hell way! Hindi ito sasama sa akin at hindi ako makikipagtulungan sa kanya sa misyong ito! This is my mission. Alone! I don't need him to finish it!

"What? Anong problema mo sa pagsama ko sa'yo? Okay lang naman sa ating mga agent na gumawa ng isang team sa pagkuha at paggawa ng isang misyon, ah. What's the problem with that, Anastasia?" tila takang tanong niya na siyang nagpainit ng ulo ko. Seryoso ba siya sa tanong niya sa akin?

Napailing na lamang ako sa mga sinabi niya. Oo, tama nga siya. It's okay for us to create a team and do a specific job together but, it's still a no! Not with me. Not with him. It's just a no for the both of us! Mas trip kong gumawa ng isang misyon ng mag-isa! I don't need someone's help here! Lalo na kung siya ang makakasama ko!

"Sa iba ka na lang sumama, Grayson," seryosong wika ko sa kanya at napahugot na lamang ng isang malalim na hininga. Calm down, Anastasia. Kumilos ka na at talikuran mo na itong si Grayson Tyler! Napailing na lamang ako at pinagpatuloy na ang paglalakad. Mayamaya lang ay napamura na lamang ako sa isipan noong maramdaman na sumunod ito sa akin hanggang sa makarating kami sa labas ng Tynera. Marahas akong napabaling muli sa kanya at masamang tiningnan ito. Pero ang lintek na Tyler na ito, nginitian lang ako! Nakakainis talaga!

This is what I'm talking about! Hindi talaga puwedeng magsama kami ng lalaking ito!

"I already told you, Anastasia. Sasama ako and that's final. Let's go, partner! After an hour ay aalis na ang train patungo sa boundary ng Aundros at Lynus. Mula roon, sasakay na lang tayo ng isang karwahe patungo mismo sa Persidal Village," magiliw na wika niya sabay lakad muli.

Laglag panga ko siyang tiningnan habang tila masayang naglalakad palayo sa akin. He's unbelievable! At talagang pinagpilitan niyang maging ka-team ako sa misyon na ito!

Damn it! Tell me this is not happening?

Grayson Tyler plus me defines trouble.

Double Trouble!

Burst Into Flames [ Published Under Pop Fiction #CLOAK ]Where stories live. Discover now