Teaser

64.4K 1.2K 180
                                    

"Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo, hah, Ana? Dapat mag-iingat ka sa lahat ng misyong gagawin at mapupuntahan mo!"

I mentally rolled my eyes to my brother. Here we go again. His very possessive and protective side. Ingat na ingat siya sa akin. Akala mo naman ay isa akong babasagin na dapat ingatan nang husto. Akala mo naman sampung taong gulang pa lang ako. For Pete's sake! Twenty-two na ako! Alam ko na kung ano ang makakabuti at makakasama sa akin. I'm old enough to take care of myself!

"Kuya, I'm fine. Galos lang ito," wika ko sa kapatid at pinagaling ang sugat na natamo ko kanina mula sa isang misyon. I sighed as I watched my wound healed. Buti na lang talaga ay may healing magic ako, my special ability. Paniguradong hindi kasi titigil itong kapatid ko kung makikita pa niya ang sugat ko!

Binalingan ko ang kapatid ko noong matapos na ako sa pagapagaling sa sariling sugat ko. Tipid ko itong nginitian at inilagay sa bulsa ang mga kamay. He was just looking at me. Kita ko pa rin ang galit sa mga mata nito kaya naman ay napabuntong-hininga na lamang ako.

He's mad, okay. My brother is really pissed right now. Dapat huwag ko nang sabayan ito dahil kung hindi, pareho kaming sasabog dito.

"Anastasia, alam mo naman na ang kaligtasan mo lang ang iniisip ko. From now on, ako ang mag-aapruba sa lahat ng misyong ibibigay sa'yo ng Council. Kailangang dumaan muna sa akin ito bago mo gawin ang misyong iyon!"

Napangiwi ako sa mga binitawang salita ng kapatid. Sa pagkakataong ito ay hindi na ako na nakapagtimpi pa. There's no hell way I'll agree with that! Anong tingin niya sa akin? Walang sariling pag-iisip? There's no freaking way na papayag ako sa nais niya!

"Kuya, stop it. Please. Kaya ko na ang sarili ko. Para saan pa at naging isa ako sa mga Shendra noong nasa Tereshle Academy pa ako? Come on, kuya, hindi na ako bata!" I hissed at my brother. "Kaya ko ang sarili ko."

Nakakunot na ngayon ang kanyang noo sa akin. Hindi niya ata inaasahang tatalima ako sa nais niya!

"I'm Anastasia Miller, kuya. At ang isang kagaya ko ay 'di basta-bastang napapatumba ng kahit sino! You should know about that, kuya," sambit ko pa dito sabay labas sa private room ng kapatid ko.

My brother, Anthony Miller, the leader of the Aundros Division of the Kingdom of Tereshle, sometimes is a pain in my ass. Masyado niya akong iniingatan. Hindi naman talaga kasi maiiwasang hindi masaktan kung nasa isang misyon ka. At ngayon, saktong may sugat talaga ako noong makita niya ako! Minsan naman ay halos hindi niya ako mapansin dahil sa dami ng inaasikaso niya sa buong Aundros, pero talagang may panahon talaga na sadyang nakakainis na ito!

Sana nga'y di magmana sa kanya ang anak niyang si Sean. Isa rin kasi ang batang iyon. Sakit sa ulo!

Napailing na lamang ako.

Makabalik nga lang muna sa Tynera. Baka may bagong misyon doon na pwede kong pagkaabalahan.

A/N:

Currently editing the whole story.

Stay safe always! Hugs!

Burst Into Flames [ Published Under Pop Fiction #CLOAK ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon