"bakit ka nandito?" tanong nito sa kanya "...anung ginagawa mo dito?"

napakunot muli ang noo ng dalaga ng hindi niya sagutin ang tanong nito sa kanya. lumuhod lang siya sa harapan ng kanyang maleta at binuksan ito. si Sarah naman ay tila naguguluhan sa kanyang ginagawa 

ng makuha na niya ang nais mula sa loob ng kanyang maleta, ay muli siyang tumayo at hinarap ang dalaga 

"naalala mo to?" tanong niya dito sabay pakita sa dalaga ng hawak hawak na panyo. napadako ang mata ni Sarah sa panyo ngunit ng magsalita siyang muli ay bumalik ang mata nito sa kanya

"...hiningi ko to sayo dati, pero ayaw mong ibigay sakin kasi sabi mo, paborito mo tong panyo, diba?" pagpapatuloy niya

"...pero kinuha ko pa rin kahit na ayaw mo. sabi ko, papalitan ko na lang pero hindi ko rin naman napalitan" dagdag niya 

"sinusoli ko na to' sayo..." usal niya na mas lalong inilapit pa ang panyo sa dalaga 

"pumunta ka dito para lang isoli sakin yan?" tanong ng dalaga sa kanya

tumango siya bilang tugon

"gusto ko ng isoli to......"

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon