IWOY 7

1.9K 49 9
                                    

CHAPTER SEVEN




SINUBSOB ni Race ang luhaang mukha sa unan. Ang sakit na nararamdam niya ay hindi pa rin maalis sa kanya. Nasa isip pa rin niya si Ed at ang kanilang pinagtalunan.


"Race, ikaw ang bumitaw sa mga pangako natin," paulit-ulit iyon sa kanyang isip at labis siyang nagngingitngit doon.



Anong siya ang bumitaw? Hindi naman siya bibitaw kung hindi lang niya nalamang niloloko lang pala siya nito? Bistado na niya ito pero bakit patuloy pa rin itong nagkukunwari?



Tumayo siya, hindi siya mapakali. Walang mangyayari kung iiyak lang siya doon at patuloy na inaanilasa ang mga bagay-bagay. Bago sila nagkahiwalay ni Ed kagabi ay nag-iwan ito ng numero nito, hindi niya alam kung bakit nito iyon ginawa. Hindi sana niya kukunin iyon at hindi niya alam na pasimple pala nitong nilagay iyon sa kanyang bulsa.



Tinawagan niya ito. Boses nito agad ang kanyang narinig. "Hello? Who's this?"



Natural ay hindi nito alam kung sino siya. Nagbuntong hininga siya bago nagsalita. "Si Race 'to," sagot niya. "M-mag-usap tayo." Bahagyang gumaralgal ang boses niya habang sinasabi iyon. Bakit ganoon? Nakalimutan na niya ito pero labis na epekto pa rin ang hatid nito sa kanya? Sa boses pa lang nito ay parang nagsibalikan ang lahat ng mga alaalang binaon na niya sa limot.



Hindi pala siya magaling lumimot. Hindi pala totoong kahit matapang ka ay matapang ka na sa lahat, there are still scenarios that will make you cry and all the memories you've had will be back, and it's just a ghost that will hunt you...



"Saan mo gusto? O kaya mas okay na sa bahay mo."



"S-sige," nasabi niya. "Dito ako nakatira sa-"



"Kagabi ko pa nalaman kung saan ka nakatira. Wait for thirty minutes." Pagkatapos ay nawala na ito sa linya.



Nagbuntong-hininga ulit siya. Pagkatapos ay umupo sa kama. Ano kaya ang mangyayari ngayon? naitanong niya sa sarili.



Pagkatapos nga ng trienta minutos ay may nagdoor bell. Biglang tumahip ang dibdib niya. Bumilang siya ng lima bago tumayo at tunguhin ang pinto. Nagbuntong hininga siya bago buksan iyon. Si Ed nga ang nabungaran niya. Napakurap siya.



Lintik na ito! Bakit napakaguwapo nito? At sumasingasing din ang bango nito sa kanyang ilong. "Hindi mo man lang ba ako papapasukin?"



Aah!



Niluwangan niya ang pinto. Walang sabi-sabing pumasok agad ito. Naupo ito sa sofa habang siya ay pinagmamasdan lamang ito. "Upo," anito.



Kung maka-asta ito ay parang bahay nito iyon. Kahit naiinis siya dito ay hindi pa rin niya magawang ipakita rito iyon. Gusto niya itong ismiran pero hindi niya magawa. "Bakit, Ed?" aniya. Hindi niya alam kung saan magsisimula.



Nangunot noo ito at nagtanong, "Anong bakit?"



"Bakit mo pa 'ko pinaibig kung lolokohin mo lang pala ko?" Labis ang pasasalamat niya dahil sa sinabi niyang iyon ay hindi man lang siya nag-rattle. Nagbuntong-hininga siya pagkatapos niyon.



"Kanina ka pa sa kakabuntong-hininga. Ano ba ang nangyayari sa 'yo?"



Ni hindi man lang nito pinansin ang sinabi niya.



Lumakad siya patungong mesa saka umupo. "Bakit, Ed?"



"Matagal ka na ba dito?"



Tuluyan na siyang napahagulgol sa sinabi nito. Wala yata siyang aasahang paliwanag mula dito. "Bakit ka ba ganyan? Bakit ka ba kasi ganyan?" Umiiyak pa rin siya habang tinatakpan ng mga palad ang mukha.

No Turning Back & I've Waited On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon