NTB 4

1.9K 61 1
                                    

CHAPTER FOUR



SI DARWIN ang tumatao sa kanilang sari-sari store ng umagang iyon. Nakaupo lamang siya sa loob at nagte-text. "Tao po," narinig niyang sigaw ng kung sinong tao sa labas.



"Sino 'yan?" Sumilip siya sa maliit na butas na ginawang labasan ng bibilhin. Nakita niya ang pinsan niyang si Race. May bitbit itong malaking bag at may dalang backpack. Ngumiti siya dito. "Insan?" aniya, habang papalabas ng tindahan nila. Sinalubong niya ito. Niyakap niya ito pagkatapos ay kinuha ang dala nitong mga bag. Close na close niya ito. Galing itong probinsiya kung hindi siya nagkakamali.



"Insan, nasaan si Tiya?" tanong ni Race. Pumasok na sila sa kabayahan. Tulad niya ay silahis din ito. Magkasing edad lamang sila.



"Namalengke. Upo ka muna. Ano ba ang atin?" Umupo na rin siya para daluhan ito.



"Hmn. Maghahanap sana ng trabaho," tila nag-aalangang sabi nito.



Ngumiti lamang siya. "Ah, matutulungan kita diyan. Maraming hiring dito. Bukas na bukas din, eh, puwede ka nang magpasa ng resume sa gusto mong pasahan na hiring."



"Salamat, Insan. The best ka talaga." Tumayo ito para makipag-high five sa kanya.



Nang matapos ang tanghalian ay tumulong si Race sa kanya na tumao sa tindahan. Bukas pa naman ito maghahanap ng trabaho. Makulit, palatawa, palabiro at kuwela si Race kaya noong bata pa man sila ay nagkagaanan na sila ng loob. Ito lang yata ang pinsan niyang close niya.



"Darwin?" tawag iyon ni Aling Minda. Kapitbahay nila ito. Napatigil silang dalawa ni Race sa pagbabatuhan ng balat ng mani.



"Oh, ano pong atin?" aniya, tumatawa.



"May lalaki diyan kanina, nakatayo. Hinahanap ka. Nang makita ka, eh, umalis naman agad."



Nagtataka siya. "Ah, sino ho ba?"



"Hindi nabanggit. Sige, at may gagawin pa 'ko."



"Sige. Salamat ho."




"HAPPY first monthsary, baby," bati ni Salvador kay Darwin. First monthsary nila. Kaya nasa park sila na malapit lang sa kanila. Alas-siyete ng gabi ay nagkita sila. Inabot nito sa kanya ang isang maliit na regalo. Nakabalot iyon sa pulang gift wrapper. Hindi pa man niya iyon nabubuksan ay ngumiti na siya. Walang araw na hindi siya nito pinapasaya.



Isang buwan pa lang sila ngunit parang mahigit isang taon na sila nitong magkasama. Araw-araw ay pinapakita nitong mahal na mahal siya ito.



"Happy first monthsary, too, baby," Mula sa kanyang likod ay inilabas niya ang regalo niya dito. Hindi niya alam na may regalo pala ito sa kanya kaya nagkatawanan na lamang sila.



"Thank you."



"Thank you din."



Walang sabi-sabing hinagkan siya nito sa mga labi. Ito na yata ang may pinakamatamis na labing natikman niya. Actually, ay pangalawa lang ito pero higit na mas masarap itong humalik kaysa sa ex niya. Wala na siyang ibang hahagkang labi maliban sa mga labi nito.



"Ikaw lang ang may pinakamatamis na labing natikman ko," imporma niya dito.



"Alam ko." Sumilay sa mga labi nito ang isa ring matamis na ngiti.



"Conceited," aniya kasabay ng pagtawa.



"Totoo naman, ah." Tumatawang wika rin nito.



"Asus!" Pinitik niya ito sa ilong ng mahina.



"Masakit 'yon, ah." Ginatinhan siya nito, pero bago pa man nito iyon magawa ay nakaiwas na siya. Tumakbo siya palayo dito habang tawa nang tawa.



"Habol!"



"Halika ka nga dito. Mahahabol din kita. Humanda ka!" kasabay ng pagbabanta nitong mahuhuli siya ay ang malulutong na halakhak mula dito. Habang tumatakbo ay walang pagsidlan ang kaligayahan niya. Humalo siya sa karamihan nang sa ganoon ay hindi siya nito makita. Nang sa wakas ay mahuli siya nito ay ikinulong siya nito sa mga bisig nito.



Hinila siya nito sa gilid. Sumandal siya sa malaking puno ng mangga doon. Tumatahip pa rin ang dibdib niya sa sobrang pagod. "You know I always find you because I know where you are going. Tatago ka sa kung saan ay makikita mo 'ko. Kahit humalo ka pa sa maraming tao ay mahahanap at mahahanap pa rin kita. 'Cause you are different from the other, so I'll always find you wherever you are. I know it in my heart and... my soul."



Walang pagsidlan ang kilig niya sa mga sinabi nito. He felt it. No worries and no turning back. Siya na ang kusang humalik sa mga labi nito. Pinagsaluhan nila ang 'di mapugtong halikan...



"Insan. Insan!" Naramdaman ni Darwin ang pagyugyog sa kanyang mga balikat.



Napamulat siya ng mga mata. "Ano'ng nangyari?" Umupo siya sa kanyang kama. Pawisan siya.



"Nananaginip ka."



Ah, another dream. He doesn't know where he could classify those dreams. In the bad or in the good dreams? Hindi niya alam.



Ngayon ay hindi na niya puwedeng lokohin pa ang sarili. Mahal niya si Vad kahit na anong gawin niya. Mahal niya ito kahit na anong tanggi niya sa isip. Nasaan na ba ito? Kung alam lang nito kung ano ang nangyayari sa kanya gabi-gabi ay baka pagtawanan lamang siya nito. Gabi-gabi ay nananaginip siya sa mga masasayang nangyari sa kanila dati. Hindi niya alam kung bakit sa panaginip niya ay hindi pumapasok ang hapong naabutan niya ito kasama si Hush na nasa CR at gumagawa ng milagro.



Kapag gising siya ay saka lang niya iyon naaalala. Higit na mas nangingibabaw ang mga masasaya kaysa mga malulungkot sa buhay niya kasama ito.


No Turning Back & I've Waited On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon