IWOY 1

1.7K 36 0
                                    

CHAPTER ONE



NANG makapagtapos si Race ng pag-aaral sa high school ay hindi na niya ipinagpatuloy ang kolehiyo. Nagising siya ng madaling araw. Alas-kuwarto na. Madilim pa man ay bumangon na siya para simulan ang kanyang trabaho. Pagkatapos mag-timpla ng kape para mainitan ng konti ang kanyang tiyan ay naghanda na siya ng feeds na ipapakain sa mga manok.



May konti silang manok na alaga. Naiwan iyon ng kanyang ama matapos nitong mamatay. Sinaboy niya ang isang kumkom ng feeds na mga naghihintay na mga manok. Nang matapos ay sinunod naman niyang pakainin ang dalawang baboy nila. Maliliit pa ang mga iyon.



Matapos na niyang linisan ang mga ito ay napamasid na lamang siya sa paligid. Nababanaag na niya ang liwanag. Ibinalik niya ang pansin sa ginagawang pagwawalis.



Iyon ang kanyang routine sa araw-araw. Hindi nagbabago at hindi siya nagsasawa.



Kailangan niyang tanggapin ang bagay na iyon sapagkat salat sila sa pera. Kaya nga hindi siya nakapagpatuloy sa kolehiyo.



Ngayon ay beinte anyos na siya. Banat na ang kanyang katawan. Malaki ang kanyang katawan hindi dahil sa naggi-gym siya kundi sa bigat ng trabaho. Minsan kasi ay kailangan niyang magbuhat ng sako-sakong kopra para magka-pera. Binibigay niya ang bayad sa kanya sa kanyang inang labandera. Ngunit hindi naman siya nakakalimot na magtabi para sa kanya.



Nang pumasok ng bahay ay nakita niya ang inay na bumabangon na. Mabilis siyang nagsangag ng kanin na tira kagabi at inihanda ang mesa. Ilang sandali pa ay sabay na silang kumain ng kanyang ina.



Horacio ang tunay na pangalan ni Race. Sa eskuwelahan ay "Race" tawag sa kanya ng mga kaklase. "Horacio," wika ng kanyang ina. "Isauli mo nga iyong kaserola na hiniram ko kahapon kay Aling Anita." Nagtutupi na ito ng damit.



"Oho," sagot niya. Kinuha niya ang kaserola at lumakad na. Hindi naman kalayuan ang bahay ni Aling Anita. Nang makarating sa bahay nito ay tinawag niya ang pangalan nito. Ngunit walang sumagot sa kanya. Lumapit siya sa nakaawang na pinto ng bahay at kumatok doon. Nakakailang katok na yata siya ngunit wala pa ring sumasagot sa kanya.



Hindi naman niya puwedeng iiwan na lamang ang kaserolang iyon. Baka pa'y nakawin. "Tao po," aniya, "Aling Anita!"



Mula sa labas ay nakikita niya ang mesa ng mga ito. May nakatakip na pinggan sa isang pinggan. Baka ang ulam ang nasa loob n'yon. Nakakita siya ng pusa na naglalakad at walang anu-ano'y lumukso ito sa mesa. Tumungo ito sa pinggang natatakpan ng isa pang pinggan.



"Ashu!" pagtataboy niya sa pusa. "Ashu!" Ngunit hindi natinag ang pusa. Walang sabi-sabing pumasok na siya ng bahay para itaboy ang pusa. Nagmadali siya baka ay makuha nito ang isang piraso ng piniritong isda.



Hindi natinag ang pusa. Hindi niya magawang bitawan ang kaserolang hawak. Nakagat ng pusa ang isang pirasong isda at mabilis na umalis na. "Lintik ka! Baka ako pa ang mapaghinalaan na gumalaw niyan," aniya sa hindi na niya nakitang pusa. Inilibot niya ang mata sa kabuuan ng bahay. Walang tao tulad ng kanina. Binitawan niya ang kaserola. Tapos ay kinuha ang isang pinggan ng pinirito at itinago iyon sa ref na nasa tabi lang niya. Baka balikan pa iyon ng pusa at maubos.



Kinuha niya muli ang kaserola. Napapitlag siya nang biglang sumirado ang pinto ng kusina. Isang ihip ng malamig na hangin pa ang kanyang naramdaman. Bigla siyang nakaramdam ng pangingilabot. Bigla niyang naalala na nabanggit ni Aling Anita na may nagmumulto sa bahay nito. Labis siyang nakaramdam ng takot.



Paatras niyang inihakbang ang mga paa. Habang inililibot ang paningin. Hindi naman siya nakakakita ng mga multo pero natatakot pa rin siya. Nagtayuan na ang mga balahibo niya sa braso.



"Juskopo..." nasambit niya. Hindi naman siya matatakutin pero ngayon ay hindi niya mapigilan ang sarili na hindi mangilabot.



Habang humahakbang paatras ay may naapakan siyang tumunog dahilan para sumigaw siya. "Waaah!" Tiningnan niya ang bagay na iyon. Manikang tumunog. Labis ang pagtambol ng kanyang dibdib.



Lumiliwanag, malapit na siya sa pinto, biglang nawala ang liwanag. May isang bulto ang tumakip sa liwanag na mula sa labas. Naramdaman niya ang matigas na bukol sa kanyang puwitan dahilan para mapa-"ay" siya at mapaharap.



Napalunok siya.



"Sino ka?" tanong niya. Isang guwapong lalaki ang nakikita niya sa harap niya. Nakahubad-baro din ito. Napadako ang tingin niya sa bandang pusod nito, at pababa doon. Malaki ang umbok nito doon. Sa muli ay hindi niya mapigil na mapalunok. Parang bigla rin siyang pinagpawisan.



Nagsalita ang lalaki. May baritonong boses ito. "Ano'ng ginagawa mo dito?"



Nanunukat ang tingin nang salubungin niya ang mga iyon. "Ano'ng ginagawa mo dito?" sa halip na sabi niya. Hindi niya naintindihan ang tinanong nito. Napa-iling na lamang siya ng saka lang pumasok sa isip niya ang sinabi nito. Nagtatanong ito kung ano ang ginagawa niya doon. Para siyang engot dahil inulit lang niya ang sinabi nito.



Naningkit ang mga mata nitong dati ng singkit. Napadako naman ang tingin niya sa mga iyon. Hindi niya alam kung bakit napatitig siya sa mga mata nito. Naa-attract siya sa mga iyon.



"Sino ka?" sabi pa nito.



"Race." Sa kabila ng kanyang pagkatitig ay nagawa pa rin niyang sumagot ng tama dito. "Ikaw?"



"Ed... Edward..."



"I-Isusuli ko sana itong kaserola na hiniram ni inay."



"Wala dito si Auntie," anito at kinuha ang kaserola sa kanya. Naramdaman pa niya ang mainit na pagdampi ng palad nito sa kamay niya. Kakaiba ang dulot niyon sa kanya.



"Ah, s-salamat," aniya ng makabawi. "S-Salamat..." Parang nais niyang lapitan niya ito at amoy-amuyin ito. Parang kay bango nito kahit mukha itong pawisan.


At ang mga labi nito ay kaynipis na parang kay sarap-sarap kagatin niyon. Ang pisngi nitong parang kasing pula ng makopa ay parang gusto niya ring pisilin gamit ang kanyang mga kamay.



"Makakaalis ka na," sabi nito.



Tama ba ang narinig niya? Pinapalapit siya nito? Ibig niyang mapangiti. Bakit siya nito pinapalapit? Ano ang gagawin nito sa kanya? Walang sabi-sabing lumapit siya dito. "B-Bakit?"



"Ha?" anito. Naibalik na nito ang kaserola. "Sabi ko, makakaalis ka na. Wala si Auntie dito."



Pakiramdam niya ay nag-init ang magkabilang pisngi niya. Tama ba ang narinig niya? Hindi ba at pinapalapit siya nito? Bakit pinapaalis na siya nito ngayon? Ah, baka nga ay pinapaalis nga siya nito. Kasi bakit naman siya papalapitin nito dito? Baka imahinasyon lang niya iyon.



"H-Ha?" tanong niya. Ibig niyang ulitin nito ang sinabi nito sapagkat hindi siya sigurado.



"Makakaalis ka na." Tila lumakas ng konti ng boses nito dahilan para mapataas-kilay siya.



Sumama ang timpla niya sa sinabi nitong iyon. Ang yabang! Ang ayaw niya sa lahat ng lalaki ay ang antipatiko. Parang nawala bigla ang namumuong interes niya dito. Kapagkuwan ay tinalikuran na niya ito at lumabas na ng bahay.



Naglalakad na siya pauwi na kumikibot ang bibig. Sino ba siya sa akala niya? Akala niya sobrang guwapo niya para magustuhan ko siya? Nuncang pagnasaan niya ang katawan nito. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay bigla siyang nasamid ng sariling laway.



Buwisit siya...


No Turning Back & I've Waited On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon