EPILOGUE

943 33 2
                                    

EPILOGUE

HINDI LANG tumungo si Race ng Manila para maghanap ng trabaho kundi para na rin takasan ang lalaking kanyang mahal. Takasan? Maling salita iyon. Ang mas akma siguro ay para makapag-isip-isip siya. At habang nag-iisip ay puwede siyang maghanap ng trabaho nang sa ganoon ay mapakinabangan naman niya ang kanyang kayang gawin--ang pagsasayaw.

Gumising siya ng maaga. Mamayang alas-nuwebe ay ang kanyang unang gabi bilang isang male dancer. Sa harap ng mga lalaking tinakasan ng kakasigin. Magbebenta ng laman sa gabi at tulog sa umaga. Ano nga ba ang aabutin ng isang high school graudate na tulad niya pagdating sa Maynila?

Ang katawan ang kanyang puhunan at ang kanyang lakas na naiipon niya sa umaga at kinagabihan ay ibibigay iyon sa baklang hayok sa kamunduhan. At bilang kabayaran ay saka lang siya makakakain. Hindi niya gustong patabain ng tiyahin at umasa na lamang sa kanyang pinsang si Darwin. Nakakahiya sa mga ito.

Kapag nagka-pera na siya ay puwede na siyang umupa ng sariling kuwarto. Hindi kailanman ay aasa siya at papakapalin niya ang mukha. May magagawa siya at iyon ang dapat niyang isipin.

Walang puwang ang pag-ibig sa kanya. Walang tama at wagas na pag-ibig. Lahat ng iyon ay nakasulat lang sa libro at mapapanood lang sa sinehan.

Dahil kung may wagas na pagmamahal ay 'di sana wala siya sa lugar na ito ngayon.

"Mahal kita, Race, 'yan ang tandaan mo," iyon ang pangako ni Edward kay Race. Kumapit siya pangako nitong iyon at kailanman hindi nag-isip nang hindi maganda para lang mabale-wala iyon.

"Alam ko, Ed. Naniniwala ako sa 'yo." Pagkatapos niyon ay hinagkan niya ito sa mga labi. Habang nakatapi ang mga hubad na katawan ng isang asul na kumot ay muli nilang pinagsaluhan ang masaya at masarap na sandali.

Sa edad niyang beinte ay nagkaroon siya ng kasintahan sa katauhan ni Edward. Mas matanda ito sa kanya ng limang taon. May nobya na ito ayon sa sabi-sabi. Pero nang kanyang tinanong ito ay sinabi nitong wala. Pinatunayan nito iyon sa pamamagitan ng paghalik sa kanya. At ang halik nitong akala niya'y totoo ay pinaniwalaan niya. Hangga't matapos ang sandaling iyon ay ganoon pa rin ang tiwala niya dito.

Ilang araw pa lang sila ni Edward pero binibigay na nito sa kanya ang ibig niyang kaligayahan sa piling ng mga bisig nito.

Labis siyang nagagalak dahil sobrang mahal siya nito. Tutungo daw ito sa abroad at sa pagbabalik nito ay magsasama na sila. Walang araw na hindi niya ipinalangin ang bagay na iyon na mangyari.

Isang araw ay bali-balita sa kanilang barangay na itinanan daw ni Edward ang kanilang kapitbahay na si Jessica. Maganda si Jessica. Kaedad niya rin ito. Hindi daw nagtungo si Edward sa abroad kundi sa Maynila kasama si Jessica. Labis siyang nagngitngit sa galit. Subalit wala ni isang taong kayang umintindi sa kanya at sa kanyang kasarian. Tanging si Edward lang.

Ibig na niyang makita na si Edward para tanungin ito sa mga tsismis dito ngunit hindi na niya ito matawagan sa gamit nitong numero.

Isang araw ay sinubukan niyang muling kuntakin ang gamit nitong numero. Nag-ring iyon na labis niyang ikinatuwa. Babae ang sumagot doon. At kung hindi siya nagkakamali ay boses iyon ni Jessica...


*WAKAS*


Note:

The sequel will be the story of Race and Edward

"I've Waited On You."

No Turning Back & I've Waited On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon