NTB 2

3.2K 64 7
                                    

CHAPTER TWO



KINAHAPUNAN ay muling nakita ni Darwin ang kaninang lalaking nakabungguan, ang lalaking kanina pang gumugulo sa kanyang dati ay tahimik na sistema. Ano ba ang meron ang lalaking ito at ganito ko siya nabibigyan ng atensyon sa isip ko?

    Nasa cafeteria ang lalaki, may kausap itong babae. Hindi siya bisexual? Ang panghihinayang at pagkainis ang kanyang naramdaman mga oras na iyon. Panghihinayang na hindi ito bisexual tulad niya at pagkanis o selos sapagkat may kausap itong babae. Ibig niyang lapitan ito pero hindi niya alam ang idadahilan o sasabihin man lang dito.

    Nang makakita siya ng bakanteng upuan ay naupo siya doon. Inilabas na lamang niya ang notebook at ballpen. Kailangan niyang alisin ito sa isip niya sapagkat nagsasayang lang siya ng oras, meron siyang dapat na unahin at mas pagtuunan ng pansin. Nagsimula siyang magsulat. Pero ano ba ang isusulat niya?

    Heck!


    Ano ba ang nangyayari sa kanya? Kapagkuwan ay ibinalik na lamang niya ang notebook sa bag.

    "'Mind if I join you?" Narinig niyang boses ng isang lalaki.

    How come he forgets his voice? Never. Hindi siya nakagalaw at nakapagsalita. Tila nakabitin sa ere ang mga kamay niya sa bag niya.

    "'Mind if I join you?" ulit nito.


    Kinakabahan man ay nag-angat siya ng mukha. He's right. The man! Napalunok siya. Bumuka ang bibig niya para magsalita. "N-No," sa wakas ay nawika niya. Para siyang tumawag muna ng isanlibong santo para lang maiwika ang isang salitang iyon, parang kailangan pa niya ng approval sa mga ito.

    Ngumiti ito at umupo sa kanyang tapat. May dala itong tray na naglalaman ng dalawang plato ng spaghetti, dalawang bote ng sakto coke at dalawa ding chocolate cupcake.

    "Ano'ng ginagawa mo?" puna nito, may ngiti pa rin sa mga labi. Lumabas ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. Nakatitig lamang din ito sa kanya at tila hinihintay ang kanyang sagot.

    Umayos muna siya nang upo at sinagot ito. "Nagsulat ako... pero tapos na."

    "Parang hindi ka naman nagsulat. Nakita ko."

    Ibig niya na lamang bumuka ang lupa at lamunin siya niyon dahil sa pagkapahiya. "W-Wala akong naisulat," pilit na ngunit siya dito.

    "I like you." Ngumiti ito. "I am Salvador," pagpapakilala nito.


    Tama ba ang narinig niya sa sinabi nito? He liked him? Baka nagkakamali lang siya. Hindi na lamang niya iyon pinansin. "I'm Darwin," aniya.

    "Kain tayo," alok nito sa kanya.

    "Ah, hindi na. Busog ako."

    "I insist."

    Ito ang nagbigay sa kanya ng kalahati ng pagkain nito. Ito na rin ang nagbukas sa mga iyon.

    Inilahad nito sa kanya ang kamay nito. Sa una ay nag-atubili siyang tanggapin iyon sapagkat hindi siya sigurado kung makakaya ba niya ang magiging dulot nang pakikipagkamay dito. Sa mga ngiti pa nga lang nito ay pinagpapawisan na siya, lalo pa kaya sa pagdidikit ng mga palad nila?

    Dala ng kagandahang asal ay tinanggap niya iyon. At hindi nga siya nagkakamali. Bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa palad niya mula dito. Dahilan para bawiin niya agad ang kamay dito.


    "Uuwi ka na ba?" tanong nito pagkatapos nilang kumain.

    Tumango lamang siya. "Salamat nga pala."

    Tumango rin ito. "Ihahatid na kita."

    "Ha? B-Bakit?"

   "'Cause I want to. So, if you don't mind, ihahatid kita." Tumitig ito sa kanya ng ilang segundo. Naging uneasy naman siya sa pagkakatingin nito, dahilan para umiwas siya ng tingin. "I know what you're thinking. Hindi ako masamng tao. I swear to God." Nagtaas pa ito ng kamay para manumpa. "With my handsome face, I never thought may isang taong mapagkakamalan akong masamang tao," tila nagtatampong sabi nito.

    Ibig niyang mapangiti sa sinabi nito. He never thought that thing. Actually, ni sa hinagap ay hindi niya iyon maiisip dito. "Hindi ko 'yan naiisip," wika niya.


    "I am bisexual," anito.

    Bakit parang ang lahat ng naiisip niya ay nahuhulaan nito? Gayunpaman ay para siyang nabunutan ng tinik sa sinabi nito.

    "I am, too," nawika niya.

    Habang sakay sila ng jeep ni Salvador ay naging makuwento ito sa kanya. Beinte-uno na ito, at kumukuha ng engineering. Pangalawa daw ito dalawang magkapatid.

    Sa ganoong paraan sila lubusang nagkakilala. At sa mga sumunod na araw ay nagtapat ito ng nararamdamn nito sa kanya. Sa mga nakalipas na araw ay nahulog na din ang loob niya dito. Magkaibigan pa lang sila ay alalang-alala na ito sa kanya sa tuwing makakauwi siya ng madilim na sa kadahilanang kailangan pa niyang magresearch sa topic na iniri-report niya. Kumukuha siya ng elementary education.

    Hindi na ito magkandaugaga sa pagtawag at pagtext sa kanya kung nasaan na ba siya. At isang araw nga ay sinabi nitong nais na nitong bigyan ng label ang kung ano man ang mayroon sila.

    Nagtapat na rin siya dito. Mahal niya ito sa ano pa mang dahilan. At ganoon rin ito. Sa mga sumunod na araw ay pinaramdam nitong mahalaga siya dito at ganoon rin siya.

    Maalaga ito sa kanya at wala itong pakialam sa mga sinasabi sa kanila ng ibang tao. Ito rin ang nagpapalakas ng loob niya. Sila daw ang nagkakaintindihan sa isa't isa at nagmamahalan kaya walang dapat na mangialam sa kung ano man ang nararamdaman nila sa isa't isa.

    He became his knight in shining armor, his protector and a very gorgeous lover. Wala na siyang ibang
  mamahalin kundi ito lang.

No Turning Back & I've Waited On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon