IWOY 6

809 31 0
                                    

CHAPTER SIX



HINDI alam ni Race kung ipapaalam ba niya sa tiyahin at sa pinsan niya ang trabaho niya. Natatakot siya, ni ayaw niyang malaman iyon ng kanyang ina nasa sa probinsya.



Lumipas ang ilang buwan na iyon pa rin ang trabaho niya. Nasanay na siya sa ganoon. Nakaupa na rin siya ng sariling bahay. Tila ang kanyang buhay ay ganoon lang at ang lahat ng dahilan kung bakit siya nagpunta roon ay naglaho. Wala ng puwang sa kanya ang pag-ibig. At ang lalaking dahilan ng kanyang pagbabago ay wala na rin sa kanyang sistema.



Nagkaroon na siya ng relasyon sa kung sinu-sino nitong mga nakalipas na buwan. Lahat ng iyon ay walang involve na puso, pulos kamunduhan lang. At masaya siya sa ganoon. Hindi siya nasasaktan at hindi siya nakakapanakit. Iyon ang mundong ginagalawan niya, hindi niya kailangang maging matalino, kundi kailangan mo alng maging magaling larangan na iyon.



Pagkatapos niyang magpasaya ay pera.



Matagal na siyang hindi nag-aaral. Tinapos niya lang ang mahigit dalawang buwan dahil sa kanyang trabaho, sa umaga ay tulog siya at sa gabi ay gising.



Hindi niya maikakailang paminsan-minsan ay sumasagi pa rin sa isip niya si Ed. Wala na siyang nararamdaman para dito. Pero ang mga alaala niya dito ay ang bagay na nagpatibay sa kanya. Sa kabilang banda, ay nagpapasalamat pa rin siya dito.



Maaga siyang nagising. Ilang buwan ng wala ito sa sistema niya. Tumahip ang dibdib niya. Napapikit siya at saka muling dumilat. Tumungo siya ng banyo at naligo. Ilang oras pa ang kanyang trabaho. Pagkatapos ay kumain siya. At habang kumakain ay bigla-biglang sumasagi sa kanyang isip ang mga alaala ni Ed. Napukpok na lamang niya ang mesa. "Aah!" Nahawakan niya ang sariling ulo. Kumikirot iyon. Nakalimutan na niya ito, pero ngayon ay bakit ito nagbabalik sa kanyang isip?



"Araay!" Hawak pa rin ang sentido. "Nakalimutan na kitaa! Ayokoo naa!" Pagkatapos ay nagbihis na siya. Maaga na lang siyang papasok. Doon na lang siya sa bar magpapalipas oras, baka doon ay may makakuha ng atensyon niya at mawala ito sa isip niya.



Kanina pa siya sa counter at umiinom ng brandy. Hindi dapat siya iinom pero kailangan dahil sa mga alaalang ni ayaw na niyang sumagi pa sa isip niya.



Isang lalaki ang nakakuha ng kanyang atensyon, nakatalikod ito sa kanya. Pero pamilyar ito sa kanya. Mukhang isang beses ay nakita na niya ito. Ilang metro lang ang layo nito sa kanya sa counter. Mag-isa lang din itong umiinom. Pinagmasdan niya lamang ito. Nang lumingon patungo sa kanya ay labis ang tambol ng kanyang dibdib.



Si Ed?



Pinikit-pikit niya ang mga mata. At sa pagmulat niya ay hindi na niya ito nakita pa. Ah, ano ba itong nangyayari sa kanya? Siguro nga namamalik-mata lamang siya...




KASABAY ng kanyang paglingon patungo sa counter ay ang pagtunog ng kanyang cell phone. Pero hindi nakaligtas sa kanyang mga mata ang lalaking isang linggo na niyang hinahanap sa Maynila-si Race.



Kung hindi lamang tumawag ang kanyang amo ay baka nilapitan na niya ito. Pero paano kung mali siya? Muli siyang pumasok ng bar ngunit hindi na iya ito nakita. Siguro nga ay mali siya. Binalikan niya ang tawag ng kanyang boss saka pinuntahan ito.



Pagkatapos niyang umalis sa San Martin ay nag-abroad siya. Ni hindi niya inaasahan ang pagsama sa kanya ni Jessica, maghahanap daw kasi ito ng trabaho sa Maynila. Iniwan niya ito sa Maynila nang dumating ang araw na sasakay na siya ng barko. Nag-seaman siya. At ilang buwan lang siya doon dahil labis ang kanyang pagka-misss kay Race. Ni hindi niya kayang mawalay dito.



Ngunit pagbalik niya ng San Martin ay hindi na niya ito nakita. Nalaman niyang tumungo daw ito sa Maynila. Ni hindi niya alam ang address ng tinutuluyan nito dahil nakalimutan daw ng ina ni Race noong tanungin niya ito. Palibhasa ay matanda na.

No Turning Back & I've Waited On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon