IWOY 2

1K 32 0
                                    


CHAPTER TWO



NAKAHIGA na si Race sa kanyang manipis na kutson. Nakatapi sa kanyang hubad-barong katawan ang kumot. Malamig at konting hangin lamang ang umiihip ng gabing iyon. Gayunpaman ay nayakap niya ang sarili. Kapagkuwan ay napatitig siya sa bubungan.



Ano kaya ang pangalan niya? naitanong niya sa isip.



Bakit mo naman gustong alamin pa ang pangalan ng lalaking antipatikong iyon? tanong ng siyang bahagi ng utak niya.



Ah, nababaliw na yata siya. Nagtatalo ang isip niya. Kanina habang sa kanyang ginagawa ay bigla-bigla na lamang na pumapasok sa kanyang isip ang mukha ng lalaking iyon. Auntie nito si Aling Anita. Bakit hindi man lang nabanggit ni Aling Anita na may pamangkin itong pogi? Napangiti siya sa isiping iyon.



May kung anong humihila sa kanya na kilalanin ang lalaki. Pero pumipigil din ang isang bahagi ng kanyang pagkatao na gawin iyon sapagkat hindi niya gusto ang pinakita nitong kagaspangan sa kanya. Pagkatapos siya nitong palapitin dito ay papaalisin lang siya?



Ah, hindi niya talaga maintindihan ito at ang kanyang sarili.



Bakit ka naman naguguluhan? Correction, hindi ka niya pinalapit kanina, nag-hallucinate ka lang. Haller!



Nakatulugan na niya ang pag-iisip na may nakapaskil na ngiti sa mga labi. Ang buong sistema niya'y umaasa ng isang bagay na hindi pa niya nararanasan buong buhay niya: ang mapansin ng lalaking antipatiko.



No!




KANINA pang ibig na magtanong ni Edward o Ed sa kanyang Auntie Anita kung sino ang lalaking tumungo sa kanila na nagsauli ng kaserola, ngunit pigil niya ang kanyang sarili. Hindi niya alam kung ano maiisip nito tungkol sa kanya kapag tinanong niya kung ano ang nasa isip niya. Paano kung itanong niya nga iyon dito? Ah, hindi siya sigurado.



Baka itanong lang nito kung ano ang kasarian niya. Lalaki siya, natural, ngunit ang pakiramdam ng kanyang buong sistema sa tuwing makakakita ng lalaking sa tingin niya'y kakaiba ay hindi niya maipaliwanag. "Attraction to same sex" ba ang tawag sa bagay na iyon?



Lalaki siya. At iyon ang ang pagkakaalam ng karamihan sa kanya. Mayroon siyang mukhang hindi mapagkakamaling may bahid ng kalituhan. Biente singko na siya at matagal na niyang naramdamang naa-attract siya sa lalaki. Nagkaroon naman siya ng mga girlfriends, not because na-attract siya sa opposite sex kundi sa curiosity.



Iyon lang.



Meron siyang matangos na ilong at nangungusap na mga mata. May maninipis na labi na bumagay sa hugis ng kanyang mukha. Ang kanyang makakapal na kilay ay mana sa kanyang amang amerikano na kailanman ay hindi niya nakita. Patay na daw sabi ng kanyang ina. Hindi na siya nagtanong pa. Dahil alam niyang wala din namang saysay ang bagay na iyon. Bata pa siya ay hindi na niya nakikita ang ama niya ngayon pa kayang malaki na siya.



Tumungo siya ng San Martin para magbakasyon ng isang buwan. Sa Manila ay may trabaho siya, manager ng isang kilalang fast-food chain. Sa susunod na buwan ay mag-a-abroad siya kaya, kaya naisipan niyang magbakasyon. Si Auntie Anita lang kasi ang malayong kamag-anak niya.



Kanina nang makita ang lalaking nakatalikod sa kanya habang ito ay paatras ay hindi niya maipaliwanag ang naging reaksyon ng kanyang katawan. Lalo na ang kanyang pagkalalaki. Nakatikod ang lalaki at hindi niya nakikita ang mukha nito pero kung ano ang pumasok sa isip niya para mapatitig sa katawan nito.



May kung anong magnet ang lalaki na humihila sa kanya para tumitig dito. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ito mawaglit sa isip niya. Bumunggo pa ito sa pagkalalaki niya dahilan para maging mas tumikas iyon at maging matatag. Naging parang sundalong handang-handang sumugod sa giyera.

No Turning Back & I've Waited On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon