Chapter 21

92.7K 1.8K 57
                                    

ASTAROTH'S POV~

Why she's curious about it? To be honest I don't want to tell her why and how I become one. I don't want her to feel guilty or to blame herself.

"Come on. Tell me." Pamimilit na naman nya.

I sigh. I give up. Ang kulit.

"Fine." Tipid ko sabi and then I try to recall what happen.

*Flashback*

I woke up in the middle of nowhere. A place so foreign for me. The place is smokey but I don't smell anything that is on fire. I can't see except the thick smoke covering the place.

'What is this place?' I tried to look around. There is nothing except smoke.

'Why am I here?' I asked myself as I try to recall what happen and then fear and anger started to conquered my body as I remember what had just happen.

Tiningnan ko at kinapa ko ang katawan ko. I'm still intact. Hindi nagkalasog lasog ang katawan ko. Panaginip lamang ba yun lahat? Ang pinakain ako sa Lion? Was I was just dreaming?

'Oh wait. Am I dead?'

'Shit!'

''I AM DEAD!'' Di ko alam kong ano ang mararamdaman ko. Afraid. Anger. Shock. Confused.

I try to feel my heart. It is still beating. Does that mean I am still alive? Whatever it is, I need to find my way out of here! Kailangan kong mailigtas si Yva! Baka patayin sya!

I dunno where to go but I walk. I walk even if the whole place was covered by smoke. I walk to a never ending place covered by smoke. I don't know If I will be able to find somebody to ask for help. It's like a never ending place. What a vast place.

I feel like I was walking for a whole day. Wala pa rin akong nararating pero ganun pa man patuloy pa rin ako sa paglalakad. I need to keep moving. I need to find someone to help me. To help Yva.

Napakatagal ko nang naglalakad. Pakiramdam ko hindi ako gumagalaw sa kinakatayuan ko. Pareho lang ang aking mga nakikita. Mga makakapal na usok. Parang hindi rin gumagalaw ang oras dito. Hindi nagbabago ang panahon. Hindi uminit. Hindi dumilin. Makulimlim lang palagi.

Ilang oras pa ang itinagal nang may maaninag na ako na liwanag. Sinundan ko ito hanggang sa nakita ko ang mga taong nakapila sa isang mataas na hagdanan.

Lumapit ako doon at nagtanong. Parang walang nakakakita sa akin. Hindi nila ako pinapansin.

"Mawalang galang na ho, ano pong lugar ito?" tanong ko dun sa isang nkapila na isang matandang babae. Hindi ako pinansin. Bagaman nakikita ko sa mga mata nya ang maatinding lungkot.

Nagtanong muli ako sa iba pang mga nakapila. Pareho silang hindi ako pinapansin at parehas din na napakalungkot ng kani kanilang mga mata hanggang sa may nakita akong bata na nakapila. Napatingin ako sa kanya. Nakatingin din sya sa akin.

"Naliligaw ka po ba kuya?"

Nagulat ako nang tanungin ako nung bata.

"Na..nakikita mo ako?"tanong ko. Naninigurado lang.

Tumango ang bata. "Lahat naman kami nakakakita sayo eh." Dagdag pa nito.

Lumapit ako sa bata. "Bakit di nila ako pinapansin?"

"Di ka talaga nila papansinin. Lahat yan sila sobrang lungkot."

"Bakit?" tanong ko.

Taken by a DEMON (PUBLISHED UNDER RISINGSTAR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon