Chapter 16

1K 41 0
                                    

Mas lalo ko pang idinikit ang aking kabilang tainga sa likod ng pintuan para madinig ng maayos ang kanilang pinagtatalunan.

Pero katahimikan na lamang ang namayani mula sa labas.

Teka...

Nasaan na kaya sila?

Pinihit ko ng kaunti ang seradura para umawang yung pintuan nang bigla akong matigilan.

Kusa kasing bumukas iyon at bigla nalang akong napasubsob sa matitipunong dibdib ni Sir Zeyn.

Ha?

Nasa tapat ng aking silid si Sir Zeyn?

Marahan akong dumistansya at mabilis na inayos ang sarili.

Napaangat ako ng mukha nang bigla nya akong hawakan sa magkabila kong balikat.

Nagtama ang aming paningin at nababanaag ko sa kislap ng kanyang mga mata ang nakausling tuwa mula doon.

Kung sya si Prince Zeneyd...

Bakit hindi ko natatandaan ang kanyang hitsura?

"Mayroon po ba kayong gustong sabihin sa akin?"Alanganin kong tanong.

Sumilay ang ngiti mula sa kanyang labi bago nagsalita.

"Bumaba kana at kumain para mailigpit mo na din ang dining table."

"Yung girlfriend nyo po,nasaan na sya?"

Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa na itanong sa kanya si Lara.

"Umalis na at wala na kami...kaya hindi ko na sya girlfriend magmula ngayon..."

Hindi ko maintindihan ang sarili ko..bigla kasing lumukso yung puso ko dahil sa narinig.

"Sige po Sir!bababa na ako at kakain...."

Marahan kong tinanggal ang kanyang mga kamay na kasalukuyang nakalapat sa aking balikat bago ako tumalilis ng takbo pababa ng hagdan.

Grabe!hindi ko masukat ang sayang nararamdaman ko sa mga oras nato.

*

*

*

Naalimpungatan ako sa aking pagtulog nang makaramdam ng mainit na bagay na humahaplos sa aking pisngi kinabukasan.

Hmmm....

That masculine scents...

Nakakagaan sa pakiramdam ang amoy na sumasamyo sa aking ilong ngayon.

Parang ang lapit-lapit lang...

Teka-

Bahagya akong napamulat ng mata nang ma-realize ko na wala na pala ako sa loob ng pamamahay ni Tita Amanda!

Kaya naman pala...kakaiba ang umagang ito,wala na ang bungangera kong alarm clock!

"Sir Zeyn?anong ginagawa mo dito sa loob ng kwarto ko?"

Napabalikwas ako ng bangon nang guapong mukha ni Sir Zeyn ang namulatan ko.

Bahagya syang tumayo bago tinungo ang mahabang sofa na kung saan may mga paper bag na nakapatong doon.

"Inantay kitang magising para sana sabihin sayo na nakabili na ako ng mga gamit mo..."

"Salamat po..."

Napapahiya naman ako na nagbaba ng tingin.

"Maligo ka na at kailangan mo pang magluto ng pananghalian.."

PRINCE ZENEYD AND HIS WORLDحيث تعيش القصص. اكتشف الآن