Chapter 7

1.1K 40 0
                                    

Prince Zeneyd's POV

Marahan akong napatayo mula sa aking gintuang silya..sumilay ang ngiti mula sa aking labi bago ako tuluyang humarap sa may pintuan na kung saan doon nakatayo si Zacky.

Nang magsara ang pintuan ay saka pa ako humakbang papalapit sa kanyang kinatatayuan.

"Welcome to my world,Zacky..."

"Prince Zeneyd!"

Mabilis nya akong sinugod bago niyakap ng mahigpit.

"I miss you..."

I know..

Napangiti ako bago ko sya niyakap din ng mahigpit.

Sa isang araw na hindi ko pagdalaw sa kanyang panaginip ay napagtanto ko na pinapahalagahan pala ako ni Zacky.

Nakita ko kasi kung gaano sya kalungkot nang simula na hindi ako nagparamdam sa kanya.Kaya agad akong nakapagdisisyon na ipasundo ko sya kay Ferrar.

Dahil alam ko at nararamdaman ko na hindi na nya ako kayang biguin pa!

"Finally you're here..."

Hinawakan ko sya sa kanyang magkabilang balikat at pinakatitigan ko sya sa kanyang maamong mukha.

Biglang pumailanlang ang malamyos na tugtugin sa loob ng aking silid kaya bigla nalang akong napangiti.

"Let's dance..."

Hindi na sya nakapalag pa ng ipulupot ko ang aking mga braso sa kanyang baywang matapos kong ipinatong sa aking balikat ang kanyang mga kamay.

Pagkatapos nun ay namalayan ko nalang na sinasabayan na namin ang malamyos na tugtugin na pumailanlang ngayon.

Nagkakatitigan lang kami habang sumasayaw...para bang tanging mga mata lang namin ang syang nag-uusap.

"Gutom ka na ba?kakain nalang muna tayo..."

Tanong ko sa kanya pagkatapos ng maraming minuto.

Napapatingin sya sa paligid na para bang manghang-mangha sa kanyang nakikita ngayon.

Balang-araw ay magiging iyo din ang lahat ng ito Zacky...

"Close your eyes..."

Nabaling sa akin ang kanyang atensyon.

"Ha?"

"Sabi ko ipikit mo ang iyong mga mata..."

Wala sa sarili na napasunod nalang sya.

Mabilis kong ikinaway sa kawalan ang aking kanang kamay...kaya bigla nalang lumitaw ang isang mahabang mesa na punong-puno na ibat-ibang uri ng pagkain sa ibabaw nito.

At makikita din ang dalawang gintong upuan sa bawat dulo ng mesa na kung saan doon kami uupo ni Zacky.

"Now,open your eyes Zacky!"

Napaawang ang kanyang bibig ng tuluyan nyang imulat ang kanyang mga mata.

"Wow!paano mo naihanda ang lahat ng ito?"

"Sa pamamagitan ng magic...hwag kang mag-alala ipapakita ko sayo ang totoong ako kapag magtatagal ka dito.."

Biglang kumunot ang kanyang noo.

"Magtatagal dito?"

Alanganin nyang tanong.

"Kumain na tayo Zacky..."

Inanyayahan ko nalang sya na kumain kaysa sagutin ang kanyang tanong.

Ayokong sirain ang araw nato...baka mamaya hindi pa nya magustuhan ang syang magiging kasagutan ko kaya mas maigi pa na iiwasan ko nalang muna ang topic na yan.

"Please?"

Saka lang ako nakahinga ng maluwag nang makita ko syang ngumiti at marahang naupo sa dulo na kung saan naroroon ang isang gintong silya na para sa kanya.

*

*

*

Pagkatapos kumain ay hindi pa nga kami nakakatayo ni Zacky mula sa upuan ay napansin ko na ang pag-ilaw ng pintuan.

May paparating!

Napaawang ang bibig ni Zacky nang hindi ko napaghandaan ang paggamit ng aking magic sa kanyang harapan.

Kitang-kita nya ang paglabas ng powers mula sa aking palad para maglaho ang mahabang mesa at malagay sa tamang ayos ang aking silid bago pa makapasok kung  sino man itong paparating.
Baka si Mother the Queen na naman itong papasok ngayon para dalawin ako.

Alam kong matalas ang pakiramdam ng aking Mama kaya nararamdaman nya kung mayroon akong ginagawang kakaiba dito sa loob ng aking silid.

Kailangan kong maikubli si Zacky dahil hindi pa ako sigurado kung ano ang magiging reaksyon ni Mama kapag malalaman nya ang totoo ngayon din.

Kailangan kong protektahan ang babaeng pinakamamahal ko!

"Zacky,may paparating at kailangan muna kitang itago.."

"Ha?saan ako magtatago?"

Tarantang tanong nya sa akin.

"Wala na tayong oras..tumayo ka lang dyan at ilalagay kita sa loob ng invisible glass box!"

Pagkasabi ko ng ganoon ay agad kong itinaas ang magkabila kong kamay at sakto naman na maayos na nakatayo sa loob ng invisible glass box si Zacky ay sya namang pagbukas ng pintuan.

Marahan akong lumingon para batiin sana ang aking bisita pero bigla nalang akong natigilan nang makilala kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

Naikuyom ko ang aking kamao para pigilan ang nararamdaman kong pagtitimpi.

Hindi talaga matitibag ang kagustuhan ng Father the King!

Pero subukan natin kung hanggang saan ang kaya nilang gawin para maging sunud-sunuran ako sa gusto nilang mangyari!

Hindi nila ako mapapasunod sa lahat ng kanilang gusto!

"Princess Lara..."

☆☆☆

PRINCE ZENEYD AND HIS WORLDWhere stories live. Discover now