Chapter 3

1.3K 44 0
                                    

Prince Zeneyd's POV

In Fantasyland...

*

*

*

Nasa loob ako nang aking magarang silid ngayon at prenteng nakaupo sa mataas na ginintuang silya.

Kaharap ko ang isang malaking screen na kung saan ako lang ang may kakayahang makapagbukas nito..

At tanging ako lang ang syang makakakita kung anuman ang nasa loob ng screen na ito.

Dito ko nasusubaybayan ang bawat kilos ni Zacky sa ibabaw ng mundo na kanyang ginagalawan.

Sa mga panahong ito ay pinapanood ko si Zacky na nakaupo sa may duyan na nakasabit sa may lilim ng malaking puno.

Nakapikit sya habang pinapatugtog ang kanyang violin.

Napakaamo ng kanyang mukha habang malayang nililipad ng hangin ang iilang hibla ng kanyang buhok na bahagyang tumabon sa kanyang noo.

Binasa ko kung ano ang laman ng kanyang isip..

Sumilay ang matamis na ngiti mula sa aking labi nang mapagtantong ako pala ang kanyang iniisip sa mga oras na ito.

Hindi ko sinasadyang naipitik ko sa kawalan ang aking mga daliri kaya bigla nalang nabitawan ni Zacky ang hawak nyang instrumento.

Bigla syang napadilat at rumihistro sa kanyang magandang mukha ang pagkagulat nang makita nyang nasa ere ang kanyang violin.

Wala naman sa plano na pinaglalaruan ko sya..pero kasi,ang cute nyang tingnan nang mabilis syang tumayo at wala sa loob na hinahabol ang papalayong violin.

"Nay!Tay!tulungan nyo ako,yung violin ko tinangay ng hangin!"

Nakita kong napakunot ng noo ang dalawang matanda habang pinapanood ang tumatakbong si Zacky.

"Aba Zacky...nasisiraan kana yata ng ulo!paano matatangay ng hangin yang violin mo..eh ang bigat-bigat kaya nyan..."

Sabi ng kanyang ina kasabay ang pag-iling nito.

"Nay naman...hindi mo ba nakikita?nasa ere ang violin ko!"

Pahingal namang sagot ni Zacky.

"Anak,ano ba ang pinagsasabi mo?paanong tinangay ng hangin yung violin mo eh iniwanan mo lang naman sa ibabaw ng duyan ah!"

Mabilis pa sa alas-kwatro na nilingon ni Zacky ang duyan kaya katulad nga sa sinabi ng kanyang ama ay nakita nyang naroroon ang kanyang violin.

Napatawa ako nang bigla nalang nagpapadyak na parang bata si Zacky.Agad syang nagpalinga-linga sa kanyang paligid.

"Prince Zeneyd!!!kagagawan mo na naman ito eh,noh?"

Biglang naging abnormal sa pagtibok ang aking puso.Lagi nya akong nararamdaman...iba na yata itong sinisigaw ng puso ko,umiibig na talaga ako kay Zacky...

Umiibig ako sa isang mortal!

Nakita kong nagkatinginan ang kanyang mga magulang.

"Sino na naman kaya yang binanggit nyang Prince Zeneyd na pangalan?"

Kunot-noong tanong ng kanyang ina.

"Tingnan mo..tingnan mo..kahit pala na hindi natin pinapayagang umaalis mula sa bahay itong anak natin Rodora ay nakakabanggit pa din sya ng pangalang lalaki!"

May bahid na galit mula sa boses ng kanyang ama.

"Simula noong hindi natin sya pinayagan na lumuwas ng Maynila ay parang napapansin ko na nagkakaroon sya ng kanyang sariling mundo...natatakot ako Amori baka mababaliw ang anak natin dahil sa sobrang pag-iisip!payagan na kaya natin na ipaabot sa kanya ang kanyang pangarap?mabait naman ang anak natin...kailangan lang natin ang pagkatiwalaan sya.."

Bigla akong natigilan nang marinig ang mahabamg suhestyon ng kanyang ina.

Hindi...hindi ako makakapayag na umalis at lumayo si Zacky.

Kapag mawala sya sa liblib na lugar nila ngayon at magkakaroon sya ng maraming kaibigan o di kaya ay may possibility na magkaroon din sya ng manliligaw..

Hindi malayong maiwawaksi nya ako mula sa kanyang isipan.

Napailing ako...kailangan makagawa ako ng paraan kung paano kontrolin ang utak ng kanyang mga magulang para magbago ang kanilang plano!

Agad kong napatay ang malaking screen sa pamamgitan ng aking power na nagmumula sa aking palad.

Bigla kasing umilaw ang pintuan ng aking silid..nagpapatunay na mayroon akong bisita.

Alam kong si Mother the Queen itong paparating.Sya lang naman ang may kakayahang pumasok sa loob ng aking silid sapagkat sya ang aking Mama.

"Hindi mo na naman sinipot si Princess Lara!"

Hindi na ako magtataka kung bakit bulyaw ni Mama ang syang naging pambungad nya sa akin.

"Makinig ka naman Prince Zeneyd..hihintayin mo pa bang magagalit ang iyong ama?ang Father the King?"

"Ma-"

"Pinahintulutan na ng iyong Papa si Princess Lara na pasukin ka dito sa silid mo dahil hindi ka naman sumisipot sa heavenly-room na inilaan para sa inyong dalawa...Prince Zeneyd,papalapit na ang araw ng inyong kasal...alam mo naman sa tradisyon natin diba?kailangan muna na may mangyari sa inyo ni Princess Lara bago maisagawa ang selebrasyon ng inyong kasal...hanggat walang mangyayari sa inyo ay walang kasalang magaganap,anak!"

Naikuyom ko ang aking kamao.

Bakit ba ako pinipilit na ipakasal sa babaeng hindi ko naman gusto?

"Ma,hindi pa ako handang mag-asawa...sana maintindihan nyo naman ni Papa kung ano ang nilalaman nitong puso ko."

"Si Princess Lara lang ang nagustuhan ng iyong Papa na magiging asawa mo,anak...alam mo naman na ikaw na ang susunod na mamuno sa buong Fantasyland Kingdom.At alam mo naman na hanggat hindi ka nalalagay sa tahimik ay hindi maaaring ipagkatiwala ng iyong ama ang kanyang kapangyarihan!gusto lang na makasiguro ang iyong ama na maayos na babae ang sumunod sa aking yapak..."

Napabuga nalang ako ng hangin..kailangan kong gumawa ng paraan para matakasan ang kasalang ito.

"Nababasa ko ang laman ng iyong isip Prince Zeneyd!ito lang ang hinihiling ko sayo...hwag na hwag mong gagalitin ang iyong ama,hindi mo pa kilala kung paano magalit ang Father the King!kahit na nag-iisa kang tagapagmana kapag lumabag ka sa batas ay magawa ka parin nyang parusahan..."

Yun ang huling kataga na sinambit ni Mama bago sya tuluyang naglaho mula sa aking silid.

Naiwan ako na napapaisip parin ng malalim.

☆☆☆

PRINCE ZENEYD AND HIS WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon