Chapter 14

1K 39 0
                                    

"You can use this until i buy you a new pair of clothes and other personal things tomorrow..."

Napansin kong ipinatong nya sa ibabaw ng kama ang dalang damit.

Nandito na ako ngayon sa loob ng magiging silid ko at nakapag-shower na din ako.

Nagtataka ako kung bakit palagay ang aking kalooban sa estrangherong ito.

Hindi ko man kilala si Sir Zeyn pero pakiramdam ko ay may bumubulong sa akin na parang nagkaroon na kami ng connection.

"Magbihis ka na at bumaba sa kusina..kailangan mong magluto ngayon dahil dito magdi-dinner ang girlfriend ko."

Girlfriend?

Hindi ko maintindihan kung bakit bigla nalang sumikip yung dibdib ko.

May connection ba ito sa pahayag ni Sir Zeyn ngayon?

Napahawak ako sa aking dibdib at tinampal-tampal iyon ng aking palad..pakiramdam ko kasi ay hindi ako makakahinga.

Ano ba ang nangyayari sa akin?

"What's wrong?"

Bahagyang lumapit sa akin si Sir Zeyn.

Umiling lang ako bago ko sya nginitian.

"Ayos lang ako Sir!"

Muli akong ngumiti bago ko dinampot ang damit na dala ni Sir Zeyn kanina.

"Wait-"

Napalingon ako sa kanya at nakita kong hawak-hawak nya ang kanyang ulo.

Muli kong nabitawan ang damit at mabilis ko syang dinaluhan.

Marahas nya akong hinila papunta sa kanyang dibdib..

Nanlalaki ang aking mga mata at unti-unting nawawala ang ngiti sa aking labi nang mapagtantong nasa bisig ako ni Sir Zeyn.

Hindi ko maintindihan kung bakit nya ako niyayakap ng mahigpit.

No!

It can't be!

Si Prince Zeneyd lang ang lalaking pinahintulutan ko na yakapin ako ng ganito.

At may pangako kami sa isat-isa..

Kaya bakit ko hinahayaan na yakapin ako ng ibang lalaki?para ko nang pinagtaksilan si Prince Zeneyd!

Napailing-iling ako...

Dahil sa naisip ay bigla nalang nag-init ang bawat sulok ng aking mga mata..at hindi ko sinasadya ang pagkawala ng isang butil na luha mula doon.

Natigilan ako nang bigla akong itulak ni Sir Zeyn.

Nakakunot ang kanyang noo at matatalim ang tingin na ipinukol nya sa akin.

Bakit sya nagagalit?sya nga ang humila sa akin para yakapin ako diba?

"Hindi ka ba nakakaintindi?bilisan mo na ang pagkilos at para makapagluto kana!parating na si Lara mamaya at hindi mo pa naihanda ang dinner namin!"

Lara?

Did he just mentioning the name Lara?

Pangalan ba iyon ng girlfriend nya?yung babaeng nagpahiya sa akin doon sa restaurant kaninang umaga?

Of all name..bakit Lara?

Na kapangalan ni Princess Lara!

Yung Prinsesa na nakatakda para ipapakasal kay Prince Zeneyd!

*

*

*

Sabi ni Inay...dapat hindi nawawala ang ngiti sa labi kung gusto mong magiging masarap ang lulutuin mong pagkain.

PRINCE ZENEYD AND HIS WORLDWhere stories live. Discover now