Chapter 1

1.9K 62 1
                                    

Zacky's POV

"Saan nanggaling itong mga malalaking bakat ng sapatos dito sa loob ng ating bahay?"

Bigla akong napadilat nang marinig ko ang boses ni Inay mula sa labas ng aking kwarto.

Bakat ng sapatos?

Waaaaah!

Napabalikwas ako ng bangon at mabilis na ini-scan yung sahig ng aking kwarto.

My eyes widened nang mapagtantong may mga bakat ding sapatos yung sahig ng kwarto ko.

Totoo yung naganap kagabi!hindi iyon panaginip...

"Bakit papunta dito sa silid ni Zacky yung mga bakat ng sapatos?"

Muntik na akong mahulog mula sa aking higaan dahil sa pagmamadali ko para pumasok sa loob ng maliit kong banyo para kumuha ng pamunas ng sahig.

Binasa ko yung towel na syang nahablot ko at mabilis kong pinunasan ang sahig ng aking kwarto para mabura yung mga bakat ng sapatos.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil bago pa mabuksan ni Inay yung pintuan ng aking kwarto ay tuluyan ko ng nalinis yung sahig ng aking kwarto.

Hindi nga ako nagkamali nang mapatuon sa sahig ang kanyang paningin.

"Bakit po Nay?"

But i swear...hindi ko maikukubli ang kaba na namumuo sa aking dibdib ngayon.

"Zacky..."

Lumapit sa aking kinatatayuan si Inay at bigla nya akong hinawakan sa aking balikat.

Hinawakan nya ako sa aking baba at ipinilig-pilig ang aking mukha na para bang mayroon syang tinatantya sa aking mukha.

Oh god!nagkaroon ako ng first kiss kagabi!!

Napakurap-kurap ako at mariing napalunok habang inaantay ang muling pagbuka ng bibig ni Inay.

"Maligo ka na Zacky at kailangan pa nating tulungan ang Tatay mo sa pagpitas ng mga gulay para mai-deliver kaagad sa bayan ngayong araw.."

Pakiramdam ko ay nabunutan ng tinik ang aking dibdib nang marinig ang kanyang sinabi.

Akala ko pa naman ay nahalata nya na may kakaiba sa akin ngayon.

"Sige po Nay..."

Tatalikod na sana si Inay nang muling lumingon sa akin.

"Zacky...mas lalo kang gumaganda sa bawat araw na lumilipas,kaya hwag mo ng itanong kung bakit ayaw ng Tatay mo na lumuwas ka ng Maynila..ayaw nyang lumihis ka sa tamang landas.."

Biglang bumagsak ang magkabila kong balikat...

May saysay pa ba kung sasagot pa ako?sila naman ang laging tama...

"Maliligo na po ako Nay..."

Sagot ko nalang bago ko tinungo ang aking banyo.

*

*

*

'Meet me in your dreams...I'm Prince Zeneyd!'

Halos paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan ang katagang iyon habang nakatingala ako sa shower at hinahayaang mabuhos sa aking mukha ang tubig na nagmumula roon.

Nag-iilusyon lang ako hindi ba?

Pero paano ko naman maipaliwanag yung mga bakat na sapatos sa loob ng bahay namin papasok dito sa loob ng aking kwarto?

Hindi ako maaaring magkamali..hinatid nya ako dito kagabi!

At hindi ko na alam kung kailan sya umalis dahil kaagad na akong nakatulog.


PRINCE ZENEYD AND HIS WORLDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang