Chapter 9

1K 43 0
                                    

Napayakap ako ng mahigpit kay Prince Zeneyd at bahagya ko pang ikinubli ang aking mukha sa kanyang matitipunong dibdib nang biglang umilaw at bahagyang yumanig ang buong silid.

"Ano ba ang nangyayari?nagkakaroon ba ng earthquake,Prince Zeneyd?"

Tanong ko sa kanya na hindi man lang nag-aangat ng mukha.

Marahan nyang hinaplos ang aking likod para pakalmahin ako..at naramdaman ko pa ang pagkintal nya ng pinong halik sa tuktok ng aking ulo.

"Hwag kang matakot...binigyan lang ako ng first warning ng aking Papa.."

Hinawakan nya ako sa magkabila kong balikat bago nya ako inilayo ng kaunti mula sa pagkakadikit sa kanyang katawan.

"Kailangan kong puntahan ang Father the King...pakiramdam ko ay hinihintay nya ako sa mga oras nato.."

"Prince Zeneyd-"

"Hwag kang mag-alala Zacky,protected ang castle nato kaya walang sinuman ang makakapagtangka na ipahamak ka,i promised you that you will be safe basta nasa loob ka ng territory ko.."

Napalunok ako..pero hindi parin nawawala ang pagbundol ng kaba sa aking dibdib.

"Just stay here...okay?I'll be back!hindi ako magtatagal..."

Dinampian muna nya ako ng halik sa aking noo bago naglaho sa aking paningin si Prince Zeneyd.

Nang mapag-isa ay napagpasyahan ko na maglilibot nalang muna sa loob ng castle ni Prince Zeneyd.

Manghang-mangha ako sa nakikitang mga kagamitan dito sa loob.

Bakit ba pakiramdam ko ay puro mga ginto ang laman ng castle na ito?

Lahat kasi ng mga bagay na nadadaanan ng aking paningin ay puro kumikislap.

Grabe!siguro kapag nakatira sa mundo ng mga mortal si Prince Zeneyd...

Marahil ay sya  na ang pinakamayamang tao sa balat ng lupa!

Pero teka...

Hindi ko tuloy maiwasan na hindi mapaisip.

Kung nagkataon na isang mortal si Prince Zeneyd...may pagkakataon kaya na pagtagpuin kami ng tadhana?

Napailing ako dahil sa naisip...marahil ay hindi.

Isa syang makapangyarihan...at isa naman akong ordinaryong tao na mahirap mapalapit sa estado nya sa buhay.

Bigla akong nataranta nang biglang umilaw ang pintuan.

Bakit umiilaw yung pintuan?paparating na kaya si Prince Zeneyd?

Baka nga...sinabi nya sa akin kanina na hindi sya magtatagal.

Pero biglang nanginig ang aking tuhod at bahagya pa akong napaatras nang mapagtantong hindi naman si Prince Zeneyd ang iniluwa ng pintuan.

Isang napakagandang Ginang ang nasa harapan ko ngayon.Nakakasilaw din ang kanyang kaputian dagdag pa ang kumikinang na suot nyang Queen gown.

Nakakasakit sa mata ang  malaking gold crown na maayos na nakapatong sa kanyang ulo.

Pero teka..

Anong ginagawa nya dito?

"Magandang araw po,kung si Prince Zeneyd po ang kailangan nyo..kaaalis lang nya kanina,pero babalik naman po sya kaagad!"

Mariin nya akong tinitigan mula ulo hanggang paa.

Yung klase ng titig na nakakapanginig ng tuhod!

Hala!

Ano kaya ang gagawin nya sa akin?

Dapat pala ay nasa loob ako ng invisible glass box ngayon!

Ayaw ni Prince Zeneyd na makikita ako ng iba dahil kailangan daw nya akong protektahan.

Hindi ko alam kung bakit kailangan pa nya akong itago.

Pinakatitigan ko din yung Ginang.Hindi ako magpapadala sa takot na nararamdaman ko ngayon.

Wala naman akong nagawang kasalanan kaya bakit ako matatakot diba?

"So,ikaw pala ang dahilan kung bakit tinanggihan ni Prince Zeneyd si Princess Lara..."

Bahagya akong napakurap nang bigla syang magsalita.

"Maganda ka kaya naman pala nabihag mo ang puso ng anak ko.."

Anak ko...

Wait-

Sya ang Mother the Queen?ang Mama ni Prince Zeneyd?

Oh my god!

Kaya pala wala man lang kahirap-hirap para sa kanya na kaagad syang  nakapasok dito sa loob kahit wala si Prince Zeneyd!

"Mahal mo ba si Prince Zeneyd?"

Natigilan ako sa deretsahan nyang tanong.

Tumango lang ako bilang pagsagot ko sa kanyang katanungan..pakiramdam ko kasi ay bigla kong nalulon ang aking dila.

"Kung mahal mo sya..kailangan mo syang pakawalan hijah....dahil labag sa batas ng aming angkan ang pagkakaroon ng relasyon sa isang mortal.Maaaring mapahamak si Prince Zeneyd kung hindi mo sya tutulungan.Bumalik kana sa mundong pinanggalingan mo,hwag mong hahayaang tuluyang mahulog ang iyong kalooban kay Prince Zeneyd...dahil pareho lang kayong masasaktan sa huli.Kahit sabihin pa natin na isang daang beses ka nyang bibihisan ng Princess gown ay hindi parin maikukubli ang katotohanan na isa kang babaeng mortal.."

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang nag-iinit ang bawat sulok ng aking mga mata.

Kailangan kong pakawalan si Prince Zeneyd?

Kailangan kong bumalik sa mundong pinanggalingan ko?

Pero bakit ang sikip-sikip ng dibdib ko?

Ni hindi ko na nga magawang magsalita pa dahil natatakot ako na baka bigla nalang akong makahagulgol ng iyak.

Lumunok muna ako bago nag-ipon ng lakas para magsalita.

"Hihintayin ko muna si Prince Zeneyd..para makapagpaalam ako ng maayos..."

"Hwag mo na syang hintayin!"

"Pero-"

"Ako ang bahala sayo...ibabalik kita sa mundong pinanggalingan mo sa pamamagitan ng aking magic..."

"Hindi naman po iyon ang ibig kong sabihin...gusto ko munang makita si Prince Zeneyd kahit sa huling pagkakataon man lang!"

Nakita kong umiling ang Mother the Queen..at napansin ko nalang na  bigla nyang itinaas ang kanyang magkabilang kamay.

Anong ibig sabihin nito?

Ipapatalsik nya ako palabas ng Fantasyland na hindi ko man lang makikita si Prince Zeneyd?

"No!Prince Zeneyd!Prince Zeneyd!Prince Zeneyd!"

Hindi ko alam kung bakit bigla ko nalang naisip na tawagin sa kanyang pangalan si Prince Zeneyd ng tatlong beses.

Para kasing nag-flashback sa utak ko yung habilin sa akin ni Ferrar.

Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa aking paligid.Kasi pagkatapos kong sambitin ng tatlong beses ang pangalan ni Prince Zeneyd ay bigla nalang akong nakaramdam ng malamig na hangin.

Ang pagkakaalam ko ay nasa harapan ko pa ang Mother the Queen.

O baka naman pwersa ito ng kanyang powers.

Napapikit nalang ako nang bigla akong tangayin ng malamig na hangin.

Siguro sa muli kong pagmulat ng aking mga mata ay baka nakauwi na ako sa amin.

At baka hindi na kami magkikita ni Prince Zeneyd magpakailan man...


☆☆☆

PRINCE ZENEYD AND HIS WORLDWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu