Chapter 4

1.2K 44 0
                                    

Zacky's POV

"Ano ba Prince Zeneyd!magkakasakit ako nito dahil sa pang-iistorbo mo ng tulog ko eh!"

Marahan nya akong hinawakan sa aking magkabilang balikat.At sukat doon ay parang nawala lahat ang pagkaantok ko at pamimigat ng katawan.

Kung bakit kasi kailangan pa sa ganitong oras kami pwedeng magkausap.

"Hindi kasi kita pwedeng kausapin sa loob ng silid mo...magtataka ang mga magulang mo dahil baka marinig nila na nagsasalita ka nang mag-isa.."

Nahigit ko ang aking paghinga,dahil pakiramdam ko ay nilipad ako ng hangin.

Kung kanina ay nakatayo lang kami ni Prince Zeneyd at ngayon naman ay namalayan ko nalang na pareho na kaming nakahiga sa ibabaw ng duyan.

Hindi ko alam kung paano ako napunta dito..hindi ko naman kasi hinakbang yung mga paa ko.

Pareho kaming nakatihaya at nakamasid sa nagkikislapang mga bituin sa kalangitan.

Ibubuka ko na sana ang aking bibig para magtanong pero naunahan na nya ako sa pagsasalita.

"Maipapangako mo ba na lagi mo akong sasamahan sa pag'e-star gazing?tulad nito..."

Hinawakan nya ang aking kamay at marahan nyang idinantay ang aking palad sa ibabaw ng kanyang dibdib.

"Tulad ngayon..."

"Prince Zeneyd-"

"Ang gusto ko lang marinig na sagot ay yung salitang 'pangako' Zacky..."

Ipinilig ko ang aking ulo para matunghayan ang kanyang mukha.

Bakit parang napakalungkot ni Prince Zeneyd?

"Pangako..."

Nagulat nalang ako nang biglang lumabas sa aking bibig ang katagang iyan.

Bakit ba ako nangangako?paano kung hindi ko mapanindigan ang pangakong iyan?

Ibinaling nya sa akin ang kanyang paningin bago pinakawalan ang matamis na ngiti na nagmumula sa kanyang labi.

Inangat nya ang aking katawan kaya napayakap ako sa kanyang dibdib.

Naramdaman ko ang paghinga nya ng malalim.

"May problema ba?"

Napapaisip ako kung nagkakaroon din ba ng problema ang katulad ni Prince Zeneyd.Hindi ba nababalutan sila ng powers?

Lahat nang nanaisin nila ay maisasagawa nila na walang kahirap-hirap sa tulong ng kanilang magic,hindi ba?

So,ano kaya ang problema mayroon si Prince Zeneyd?

"Zacky...gusto kong isama kita sa aking mundo,papayag ka ba?"

Bigla akong kumalas mula sa pagkakayakap sa kanya.

"Prince Zeneyd,alam mong isa akong mortal...paano kung may masamang mangyari sa akin pagdating doon?"

"Hindi naman kita pababayaan...nandito ako para protektahan ka!"

Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga..hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng kaba buhat sa pinaplano ni Prince Zeneyd.

"Zacky,please!"

Hindi pa nga ako nakakatayo ay namalayan ko nalang na nakatayo na sa aking harapan si Prince Zeneyd..offering his hands in front of me para tulungan akong makatayo.

Tiningala ko ang kanyang mukha para salubungin ang kanyang paningin.

Napailing ako sabay sabing-

"Ayoko..ayokong sumama sayo Prince Zeneyd!"

"Kailangan mong sumama sa akin Zacky!"

Ibinaling ko sa ibang direksyon ang aking paningin para maiwasan ang bumabadhang emosyon na nakikita ko mula sa kanyang  mga mata.

"Hindi ko maiiwanan ang mga magulang ko...paano ko maipapaliwanag sa kanila ang bigla kong pagkawala kung sakali?"

Marahan akong tumayo na hindi man lang nag-aksayang hawakan ang nakaabang nyang kamay sa harapan ko.

"Ako ang bahala sa kanila-"

"Hindi mo naman kailangang gawin yan Prince  Zeneyd eh!magkaiba ang mundo natin kaya magmula ngayon kailangan mo nang iwasan ang isang mortal na katulad ko!"

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng pagsisisi nang isaliwalat ko ang mga katagang iyon.

Huli ko nang ma-realize nang mapansin kong bigla nalang tumalikod si Prince Zeneyd at maagap na humakbang papalayo sa akin.

Biglang sumikip ang aking dibdib habang tinatanaw ang kanyang paglayo.

Nooooooo!!!!!

Hinabol ko sya pero naging huli na ang lahat dahil bigla nalang syang naglaho mula sa aking paningin.

"Prince Zeneyd!!bumalik ka!!"

Tinakbo ko yung direksyon na kung saan doon sya dumaan kanina.

"Prince Zeneyd!Prince Zeneyd!"

Pero katahimikan lang ng malamig na gabi ang bumalot sa aking kapaligiran.

Wala na si Prince Zeneyd...

Iniwan na nya ako...

Magpaparamdam pa kaya sya sa akin?

Bakit ang sakit dito?

Napahawak ako sa aking dibdib.Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan ng ganito..

Bakit nga ba?

Napaluhod ako sa may damuhan habang sapul ang mukha.

Isa lamang ang nakatanim sa aking isipan ngayon...

Hindi ko kaya kapag tuluyan nang lumayo at tuluyan nang hindi magparamdam sa akin si Prince Zeneyd.

Biglang uminit ang bawat sulok ng aking mga mata..

Bakit ko iniiyakan ang isang katulad nya?

Malinaw naman para sa akin ang katotohanan na hindi pwedeng magiging kami...

Kasi isa akong mortal!

Pero bakit parang may nagtutulak sa akin na kailangan kong pagbigyan ang kahilingan ni Prince Zeneyd?

Sumasang-ayon yung puso ko...

Magiging huli na kaya ang lahat?

Kung bakit kasi bigla nalang akong nagde-decide na hindi muna nag-iisip!

Prince Zeneyd..hihintayin kita sa aking panaginip...

Sana magparamdam ka...

☆☆☆

PRINCE ZENEYD AND HIS WORLDWhere stories live. Discover now