Ch. 16: True Feelings (Edited 05/05/2020)

Magsimula sa umpisa
                                    

Mahina akong natawa at napatingin kay Tristan na walang pake sa pinag uusapan namin.

"Anong balita?" tanong ni Ayen.

"Nag iisip na kami ng mga characters na ico-cosplay namin. Napagdesisyunan na din namin kung ano ang gagawin sa mga costumes." sagot ni Xandra.

"What's yours?" tanong bigla ni Tristan sa akin na mukhang nagpapalambing pa.

Napaisip naman ako. "Hmmm... I'm thinking Tinkerbell or Wendy." sagot ko sa kanya.

"Then I'll be Peterpan." sagot nya.

Napanguso ako. "Si Wendy na lang kaya."

"Whoever it is, it's fine."

"Okay!" masiglang sabi ko. "Xandra, nakaisip na kami ni Tristan. Si Wendy ang akin at si Peterpan naman daw ang kay Tristan." sabi ko kay Xandra at nilista niya naman iyon. "Madali lang ang magiging costume ko doon. Di na kailangang gawin." sabi ko pa at tumingin kay Tristan. "Iyong sa iyo din. Gugupitin na lang yung manggas para sa arte nya."

Lumapit ang lahat kay Xandra para magpalista kung anong characters ang gagawin nila at pinag usapan na din kung anong gagawin, kung may costumes ba silang available o alternative na pwedeng gawing costumes.

"Okay, konti lang naman pala ang gagawan natin ng costumes dahil yung iba, meron namang costumes na at yung iba, magagawan naman ng paraan." sabi ni Xandra. "So kukuhaan na namin ng sukat yung mga gagawan ng costumes para malaman namin kung anong tela at ilan ang kakailanganin." sabi pa ni Xandra habang nakatingin sa akin.

Napabuntong hininga naman ako at saka tumayo para kuhanin ang sewing kit sa locker ko na nasa likod ng room. Inilabas ko ang measuring tape at saka tiningnan kung sino ang mga susukatan.

Una kong sinukatan si Ayen na si Megara ang napili.

"Si Hercules ang napili ni Kevin diba?" tanong ko kay Xandra at tumango naman sya. "Kevin." tawag ko kay Kevin at lumapit naman sya sa akin. Iminuwestra ko ang measuring tape paikot sana sa bewang nya nang bigla syang lumayo sa akin. "Bakit?" nagtatakang tanong ko.

"Hehe... ayoko pang mamatay." aniya at tumingin kay Tristan na masamang nakatingin sa kanya.

Napairap naman ako. "Ayen, ikaw nga ang magsukat dito." utos ko kay Ayen at lumapit naman sya para sukatan si Kevin.

"Anong susukatin ko?" tanong ni Ayen.

Tumikhim si Rico. "Yung ehem..." sabi niya at tumawa ng malakas dahil sa kalokohan.

At ito namang gaga, namula pa. Tinapunan naman ni Xandra ng masamang tingin si Rico para manahimik ito. Naniningkit pa ang mata nitong nakatingin sa isa.

"Waistline, hipline at saka skirt length." sabi ko kay Ayen para matapos na.

Pagkatapos niyang sukatan si Kevin, sinunod ko naman si Miyuki na sa dinami-dami ng characters, si Cinderella pa ang pinili. Actually, pati mga kaibigan niya, kailangan din naming gawin ang costume.

Nang matapos na kami sa lahat ng susukatan, plinano naman namin ang mga kakailanganin namin mula sa tela na gagamitin hanggang sa mga pagkaing ise-serve namin. Ang Student Council ang naman ang magbibigay sa amin ng pera para sa gagastusin namin. Pero yung amount ng pera na ibibigay nila, para sa lahat na ng kakailanganin namin.

Si Noelle at Karen na daw ang bahala sa mga telang gagamitin. Their mom is running a fashion clothing line.

In times like these, we can't avoid using some power. Ilalaan na lang namin ang budget para sa mga props at settings ng room para sa cafe.

Si Tristan naman ay nag-i-sketch para magiging itsura ng cafe namin. Hindi yan voluntary, sapilitan pa yan.

Miyuki and the company naman ang bahala sa mga ekek na kaartehan na ilalagay sa cafe. At ang iba'y tutulong na lang sa kanila.

Ms. Great Pretender *MAJOR EDITING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon