“Minamaliit mo talaga ang kakayanan ko. Hmmft.” Hiningan pa ako ng tulong na tagapay-pay, puwede naman silang mag-aircon sa bahay ni Ralph. Tse! Nanguya niya ng mabilis ang isang kawawang fries dahil sa inis.

“Jess.”

Nilingon ni Jessie ang tumawag sa kanya. “Yo! DJ?”

“Hindi mo pa rin ba kayang pansinin si Nico?”

Eeh? Can we change the topic!?

Wala siyang naisagot kay DJ kundi ang walang reaksyon na tingin.

“Nakita ko nga inapproach ka niya kanina, pero umiwas ka lang. Umacting ka pa na busy ka kausap sina Grace hindi naman convincing.”

Nalipat ang tingin niya kay Ace. Tse! “Ewan ko, nahihirapan pa rin akong alisin ang pag-kailang ko sa kanya.”

“Kung dahil ‘yon sa babaeng kahalikan niya kahapon, ‘yaan mo na! Sincere naman sayo si Justin eh! Alam mo ba-” Hindi natuloy ang kwento ni Ace, dahil kinurot siya ni Ralph sa bewang na may kasamang nakakatakot na nisik ng mata para patigilin.

“Anong alam ko Ace-chan?”

“Ha!?” Nakatitig pa rin si Ralph sa kanya. Naku po! “Ano! Nakita ko kayo nagyakapan sa tapat ng pintuan niyo kagabi! Haha!”

“EEEEH!?”

“Yakapan?” Masama ang dating ng kuwento kay DJ.

“Harhar! Sumimple kayo sa labas ng bahay para hindi kayo makita ng Kuya mo! Kita ko ‘yon!” Nakatingin pa ba si Ralph? Woosh' hindi na! haha.

“Gr-grabe ka!” Sinampal niya si Ace ng malakas na halos nag-patumba dito pahiga kay DJ. “Gusto niya lang akong i-comfort, hindi ko sinabi sa kanya ang dahilan pero pagdating pa lang niya sa bahay kahapon super concern na siya sakin.”

“Pero hindi pa rin dapat na nagpapayakap ka kung kani-kaninong lalaki.” Kagaya nung Justin na ‘yun. Galit si DJ, halatang-halata sa pag-kagat niya sa skyflakes at mahinang boses.

“Ha?” Na hindi narinig ni Jessie.

“Hehehe, selos ka lang DJ eh’ hehehe.” Pero malinaw sa tenga ni Ace ang sinabi ni DJ.

“SIRA!”

“Ace-chan ano bang sinabi niya?”

“Hehe, secret walang clue para sa bingi. Hehehe.”

Sinimangutan ni Jessie si Ace bago bumaling kay DJ, na bigla namang lumingon sa kawalan wag lang siya matignan ni Jessie. Asar.

“Sir Ace, sabihin mo na kaya sa kanila ‘yung tungkol sa yellowpad.” Sa kanilang apat, si Ralph talaga ang consistent na malinis kumain.

“Ah, Oo nga.” Bumunot ng dalawang papel sa bulsa sa may puwetan niya si Ace. “Sila ‘yung sinasabi ko nung isang araw.” Inabot niya ang tig-isang papel kina DJ at Jessie.

Jeepney OverdriveWhere stories live. Discover now