14 ~ Sorry

239K 6K 276
                                    

CHAPTER FOURTEEN

GINAGAP nya ang kamay ng ama na animo'y mahimbing na natutulog sa loob ng pribadong kwarto ng Hospital kung nasaan ito namamalagi. May mga aparato na nakakabit dito na nagsisilbing instrumento para madugtungan pa ang buhay nito.

"Dad, sana gumising ka na. Alam kong naririnig mo ako, I'm sorry daddy kung binigyan kita ng sakit ng ulo. Hindi ko din po talaga inaasahan na susuwayin ko kayo, siguro gano'n po talaga minsan ang mga anak. Hindi namin namamalayan na nasasaktan na pala kayong mga magulang namin dahil lang sa sariling kagustuhan namin na ginagawa namin pero labag naman po pala sa inyo." Humilig sya sa kama, sa tabi ng kamay ng ama. "Daddy, gusto ko pong sabihin sa inyo na pinagsisisihan ko na lahat ng nagawa kong pagkakamali. Handa ko na po ituwid lahat ng baluktot na paniniwala ako. About Austin, the man you wanted to be my husband, tinanggap ko na po ang kasal na inalok nya. Siguro tama nga kayo, magkakaro'n nga siguro ako ng magandang kinabukasan kung sakaling kami ang magkatuluyan."

Ganito pala 'yung pakiramdam kapag nagsisisi ka sa mga pagsuway mo sa magulang mo. Nakaka-guilty. Kasi, pagkatapos nilang ibigay sayo lahat ng pangangailangan mo mula ng lumabas ka sa mundo-ibinigay nila sayo, inalagaan at minahal.

Bakit ba hindi nya naisip ang mga bagay na 'yon ng mga panahon na sinunod nya ang gusto nya?

She wants her freedom. Gasino na lang ba ang hinihingi ng daddy nya sa kanya sa kabila ng pagtaguyod nito ng pamilya nila tapos hindi nya pa napagbigyan ang gusto nito.

"Sana bago kami ikasal ni Austin, gising ka na dad. Gusto kong dalawa kayo ni mom ang maghatid sa'kin sa altar. Kaya please po, gumising ka na." Marahan nya pang pinisil-pisil ang kamay ng ama. "Dad, namimiss ko na po kayo. Sobrang miss na miss ka na din ni mommy, nangangayayat na sya dad pero huwag kang mag-alala habang natutulog ka pa ako po muna ang mag-aalaga sa kanya."

Tatlong araw na syang naglalagi sa silid ng ama. Actually, hindi iyon mukhang hospital parang nasa condo lang din sila kaya naman do'n na din sila ng mommy nya natutulog, naliligo at kumakain huwag lang nilang maiwan ang dad nya mag-isa.

"Xarra, anak, kumain ka muna. Pagpahingahin mo muna ang tenga ng daddy mo kakapakinig sayo." Nginusuan nya lang ang mommy nya ng tawagin sya mula sa mini kitchen. "Sigurado akong masaya ngayon ang daddy mo dahil nandito ka kasama namin, miss na miss ka na kasi nya."

Hinalikan nya muna ang noo ng ama bago lumapit sa mommy nya at malambing na yumakap. Ito 'yung sobrang namiss nya ng husto, ang makayapos ang ina.

"Don't worry mom siguradong one of this days ay gigising na si daddy baka nga nabibingi na sya dahil lagi ko syang kinukwentuhan." Tama, three days nya pa lang kasama ang mga ito pero halos maikwento nya na ang mga nangyari sa kanya pwera lang ang tungkol kay Aeon. "Mom, have you seen my cellphone? Na-missed place ko yata?" Tanong nya at naupo na habang naghihintay sa ihahain na pagkain ng mommy nya.

"Wala ka naman dalang cellphone anak, hindi kaya naiwan sa condo mo?"

Kumurap-kurap sya. Baka nagtext na sa kanya si Aeon. Aeon, bulong nya sa isip nya. Hindi na nga pala sila pwede ng sir boss mayor nya kasi ikakasal na sya.

"Naiwan ko nga siguro," Mahinang sagot nya at pilit na inignora ang pagdaan ng sakit at lungkot sa dibdib nya sa katotohanan na hindi na sila pwede ni Aeon.

"Pwede ka naman bumalik sa condo mo to get your cellphone, Xarra."

"No mom, I'm fine. Wala din naman pong important calls or messages akong hinihintay."

True, si Celine kasi ay nag out of town at sigurado syang hindi pa sya kokontakin ng kaibigan. Si Aeon naman ay may palagay sya na busy lalo at paalis ang kambal nitong si Saleen. So, sumatotal, hindi sa kanya mahalaga ang cellphone sa mga sandaling iyon. Isa pa kailangan nya ng umiwas kay Aeon kahit masakit, gagawin nya.

RACE 2: Baby Maker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon