Chapter 5

893 9 6
                                    

"Oh. Bakit isa lang yung kama?" Tanong ko kay Alex pag pasok ko sa kwarto namin.

"Natural. Alangan namang dalawa kunin ko."

"At bakit hindi?" Tanong ko, nakataas isang kilay.

"Aubrey, ano ka ba. Nasa counter ako nag ccheck-in kasama yung ibang barkada ko. Don't you think magtataka sila kapag kumuha ako ng kwarto na may dalawang magkahiwalay na kama? Besides, hindi naman tayo mag oovernight. Tsaka kung natatakot kang may gagawin ako sayo, don't flatter yourself."

Hindi rin sya mayabang, no?

"Bahala ka. Basta matutulog na ko." I removed my sandals and jumped on top of the bed. After a little while, pakiramdam ko sobrang pagod ako kaya madali na lang akong nakatulog.



"Aubrey. Bumangon ka na nga."

May yumuyugyog sa balikat ko. Epal na to. I swear makakapatay ako tonight. Putulin daw ba tulog ko?

"Ano ba."

"Gising na! Bubuhusan kita ng tubig. Isa.. Dalawa.. Tat--"

"Oo na!" Bumangon na ko only to see Alex in his board shorts. Only his board shorts.

He has abs? Bakit di ako nainform? Ano to. My golly.

"Magdamit ka nga! Ineeskandalo mo ko eh."

"Nagpapaeskandalo ka naman? Sige na. Go change. Tapos sumunod ka na sa baba ah."

"Eh."

"Aubrey, I'm warning you. Pag di ka sumunod.."

"Pag di ako sumunod ano?"

"Baka mangyari yung kinatatakutan mo. Baka may gumapang sayo dyan. Sige ka."

"Magbibihis na!" I got my stuff and ran to the bathroom.



Sanay naman ako talagang mag bathing suit. Kahit two piece pa nga. Eh pero bakit yata sobrang ilang ako ngayon? Samantalang palagi naman nila sinasabi na wala akong dapat ikahiya. Let's just say I was told I have the body for it.

Baka dahil kay papa Alex na may abs.

Huh?! Ang green ko na yata mag isip? Erase. Erase!

Lumabas na ko ng banyo wearing the black one piece bathing suit with a sexy but not so revealing cut. Sinuot ko na din yung maong shorts and the toe nail slippers. I tied my hair to a messy bun and put on my sunnies.

Pagbaba ko, nakita ko kagad yung group ni Alex sa may beach side. The others are in the cottage and I decided na dun na lang din pumunta.

"Sexy." And then a dog whistle from Michelle which made me feel a bit too aware of myself.

"Sira." Sabi ko na lang.

"You wanna eat? Here oh." Sabi nung babaeng Pat yata yung name? I think boyfriend nya yung Daniel. Parehas silang mga schoolmates ni Alex.

Kumuha lang ako ng isang slice ng watermelon and blended into the group chatter. Ayaw pa nila lumusong sa tubig. Masakit pa daw kasi sa balat yung araw.

After a little while, isa isa na silang nag swimming. I decided to stay. Parang tinatamad pa ko. Nakatayo lang ako sa tapat ng cottage when I felt a pair or arms snaked from behind my back.

"Good lord!"

"Grabe, alam ko namang gusto mo na kong samabahin but I'm no Jesus Christ."

"Kapal mo talaga Alexander! And, teka. Nag ttake advantage ka na masyado ah."

"Shh. Wag ka maingay. Baka may makarinig sayo."

The BreakupWhere stories live. Discover now