Chapter 20

13.7K 523 13
                                    


MADALAS umaalis si Devey kaya hindi nagkaroon si Ella ng pagkakataon na mausig ito tungkol sa problema nito. Nang gabi na umuwi ito ay sinubukan niya itong kausapin ngunit maaga itong natulog. Awang-awa siya sa asawa habang pinagmamasdan ito. Malaki ang ipinayat nito. Hindi na ito nakapagbihis, marahil ay dahil sa pagod.

Dahandahan niya itong binihisan. Pagod na pagod talaga ito dahil kahit anong alog niya sa katawan nito ay hindi ito nagigising. Kahit minsan ay naiinis na siya dahil halos wala na itong oras sa kanya, hindi pa rin niya ipinapahalata rito na nagtatampo siya. Iniintindi na lang niya ito, dahil alam niya na para sa kanya rin naman ang paghihirap nito. Ang maiaambag lamang niya sa ngayon ay ang alagaan ang kanilang anak.

Kinabukasan paggising ni Ella ay wala na sa tabi niya si Devey. Katulad ng dati, nakahanda na ang almusal sa kusina. Inagahan na nga niya ang gising para siya naman ang magluto. Naabutan pa niyang naghuhugas ng plato si Martina.

"Ang aga mo namang nagising," bungad nito sa kanya.

"Gusto ko po sana na ako naman ang magluluto ng almusal," aniya.

"Nako, huwag ka nang mag-abala. Napupuyat ka palagi kaya dapat hindi ka nagigising ng maaga."

"Okay lang po ako. Umalis na po ba si Devey?"

"Ah, h-hindi. Nandoon siya sa laboratory."

"Ano po ang ginagawa niya?"

"Hindi ko alam, eh. Punatahan mo na lang. Hindi pa nga iyon nag-aalmusal, hihintayin ka raw niya magising."

"Sige po, pupuntahan ko muna siya."

Pagkuwa'y nagtungo siya sa laboratory. Nakasara ang pinto kaya kumatok siya ng maraming beses. Matagal bago bumukas ang pinto. Nagulat siya nang hindi si Devey ang bumungad sa kanya kundi si Alessandro.

"Ahm, good morning! Nariyan ba si Devey?" aniya.

"Nasa maselang trabaho siya kaya pasensiya na kung hindi kita papayagang pumasok," anito.

"Ganoon ba? Okay lang. Pakisabi na lang na hihintayin ko siya sa dining."

"Okay." Pagkuwa'y isinara muli ni Alessandro ang pinto.

Panandaliang nanikip ang dibdib niya. Nagugutom na siya pero tiniis niya sa kagustuhang makasabay sa almusal ang asawa.

Makalipas ang halos isang oras na paghihintay ay lumabas na si Devey. Sa halip na matuwa ay nakadama siya ng lungkot nang makita ang matamlay na mukha ng kanyang asawa. Parang ang bigat-bigat ng nararamdaman nito. Walang siglang umupo ito sa tabi niya.

Sinalinan kaagad niya ng pagkain ang plato nito. Nakatitig lang ito sa plato nito at tila wala pang balak kumain.

"Ano ba ang ginagawa mo?" tanong niya rito.

"Ah, may pinag-aaralan lang kami," sagot nito. Saka lamang ito nagsimulang kumain.

"Kailangan bang gawin n'yo ngayong araw 'yon?"

"Kailangan eh. Hindi namin 'yon puwedeng patagalin."

"Baka magkasakit ka niyan."

"Okay lang ako. Huwag mo akong intindihin."

"Pero nangangayayat ka na."

"Wala ito. Dahil lang ito sa mga kimikal na ginagamit namin. Huwag kang mag-alala matatapos din ito."

Hindi na lamang siya komuntra. Mamaya'y naalala niya ang papa niya.

"Ahm, puwede ba nating puntahan si Papa mamayang gabi? Ang sabi kasi ni daddy malapit na raw bumalik lahat ng memorya ni papa. Nakikilala na raw niya ang pamilya niya. Kapag nakita niya ako ay tuluyan nang makaka-recover si papa," pagkuwa'y sabi niya.

...Where stories live. Discover now