Chapter 18 (Unedited)SPG

17.1K 532 15
                                    


DAHIL sa takot ay tumakbo palabas ng kuwarto si Ella, na hindi na pinagka-interesan kung sino ang pumasok sa banyo ng kuwarto niya. Ngunit nanginig siya nang mamataan ang lalaking nakahandusay sa gitnang baitang ng hagdan. Duguan ito at butas ang kaliwang dibdib.

"M-Mama!" sigaw niya. Natatakot siyang bumaba sa isiping biglang babangon ang 'di kilalang lalaki.

Ganoon na lang ang gulat niya nang may kamay na sumampa sa balikat niya. Paglingon niya'y si Devey. Walang pag-aatubiling yumakap siya rito. Basa ang mga kamay nito at may mantsa ng dugo ang damit nito. Napaluha siya buhat sa tindi ng kaba.

"You're safe, honey. Mabuti dumating ako bago ka pa atakihin ng lapastangang lalaki na 'yan," ani Devey.

Kumalas siya sa pagkakayakap rito. "A-anong ginawa mo sa kanya? Pinatay mo siya?" aniya nang tuluyang humupa ang takot niya.

"Isa siyang bampira na may kakayahang sumuong sa araw dahil gumagamit ng mahika. Dinukot ko ang puso niya para hindi na siya mabuhay. Naramdaman kong nasa panganib ka kaya nagmadali akong tumungo rito. Kanina pa ako sa resort pero wala ka."

Panay ang linis niya ng lalamunan. Kinikilabutan siya sa ginawa ni Devey sa lalaki. Mamaya'y naalala niya ang mama niya.

"Si mama?" aniya.

Iginala din ni Devey ang paningin sa paligid. Bakas sa mukha nito ang pagkabahala.

"Nasaan si Mama, Devey?" kinakabahang tanong niya.

Blanko ang ekspresyon ni Devey nang humarap sa kanya. "Hindi ko alam. Pagdating ko walang tao. Nakabukas ang pinto at ang lalaking iyan lang ang nadatnan kong paakyat ng hagdan," tugon nito.

Tuluyan nang nilamon ng takot ang puso niya. "Nandito lang siya kanina," giit niya.

Dagling bumaba ng hagdan si Devey ay hinalughog ang kabahayan. Napilitan siyang bumaba kahit natatakot siya sa bangkay ng lalaki. Wala ang mama niya. Ang iniwang trabaho ng mama niya sa sala ay nagkalat sa sahig.

"Somebody took her, Ella," diklara ni Devey.

Napahagulgol na siya ng iyak. Nanlumo siya at naisandal ang likod sa dibdib. Balisa si Devey. "You're not safe here, Ella. Doon ka muna sa family house namin, habang hahanapin namin si mama. Huwag kang mag-alala, hahanapin ko siya," anito, habang inaalo siya.

Iniligpit lamang nito ang bangkay at ibinilad sa araw. Mabilis na naging abo ang katawan ng lalaki. Pagkuwa'y sumakay na sila sa kotse nito. Hindi siya tumitigil sa pag-iyak kahit nang makarating sila sa bahay ng mga ito. Inasikaso naman siya kaagad ni Martina.

Kumalma siya nang mainom na niya ang isang baso ng tubig na inalok sa kanya ni Martina. Tinabihan siya nito sa sofa sa sala, habang hinahagod ang likod niya.

"Huwag kang matakot, Ella, maililigtas ang mama mo," ani Martina.

"Bakit po nila kinuha si mama?"

"Hindi ko rin alam, pero maaring hindi lang siya ang pakay ng mga bampira kundi pati ikaw. Mabuti naabutan ka ni Devey."

"Ano po ba ang kailangan nila sa amin?"

Hindi siya sinagot ni Martina. Naibaling niya ang atensiyon kay Dario na umupo sa katapat nilang silya. Si Devey naman ay umupo sa tabi niya, sa gawing kanan.

"We really sorry about this, Ella. It's not because of us, your father also the reason why they want to take you," ani Dario.

"Bakit po ako?" aniya.

...Where stories live. Discover now