Chapter 12 (Unedited)

14.4K 499 13
                                    


DAHIL sa natuklasan ni Devey kay Ella ay hindi na siya mapakali. Hindi ang daddy niya ang nilapitan niya upang humingi ng karagdagang paliwanag tungkol sa marka ng blackribbon, kundi si Zyrus. Busy si Zyrus, nang datnan niya ito sa laboratory ng academy, pero binigyaan daan siya nito.

"Anong tungkol sa blackribbon?" ani Zyrus.

"Paano natin malalaman kung nangyayari na ang dark reincarnation ng blackribbon sa namarkahan nito?" aniya.

"Unti-unti siyang magbabago at mabubura ang memorya niya. Ang unang sentomas ay parang nagkaroon siya ng alzheimer. Nagbabago ang ugali niya, hanggang sa unti-unti na ring magbabago ang anyo niya."

Kinilabutan siya. "Paano po mapipigilan 'yon? Wala pa bang gamot para doon? Paano ang mga inosenteng tao na namarkahan?" nababahalang tanong niya.

"Sa ngayon ay pinag-aaralan pa namin kung paano iyon masupil. Isang uri din ng virus ang taglay ng marka, pero hindi siya katulad ng apocalypse, contagion o carrer na mabilis ang epekto. Hindi siya nakakahawa at hindi rin nakakamatay. Parang pangkaraniwang sakit lamang siya na apektado ang mga nerves ng katawan. Ang unang maapektuhan ay ang puso at utak, bago ang buong katawan. Ang virus ay itinanim sa cells ng katawan, pero masyadong mabagal ang pagkalat. Twenty years ang epekto ng virus mula sa pagsalin nito," paliwanag ni Zyrus.

Nagtagis ang mga bagang niya. Hindi puwedeng wala siyang gagawin. Kailangan makumbinsi niya si Ella na maging aware sa mga nangyayari. Pero kailangan muna niyang umpisahan sa kanyang sarili. Hindi pa alam ni Ella ang tunay niyang katangian. Baka lalo lang siya nitong lalayuan kapag nagkataon.

"Meron na po ba kayong nahuli na apektado ng blackribbon virus, tito?" pagkuwa'y tanong niya kay Zyrus.

"Meron, kaya nga nagsisimula na kami sa pag-aaral ng lunas."

"Maari po ba akong makahingi ng virus mula sa biktima?"

"Bakit?"

"Gusto ko rin pong pag-aralan."

"Sige. Mamaya kukuhanan kita, pero mag-ingat ka. Huwag mong dalhin sa kung saan ang virus."

"Doon ko sa laboratory ni daddy gagawin."

"Okay. Tatapusin ko lang itong ginagawa ko."

Hinintay na lang niyang matapos si Zyrus sa ginagawa nito. Ayaw na niyang maghintay kung kailan magiging open sa kanya si Ella. Malamang wala rin itong alam sa nangyayari sa sarili nito.

ALAS-OTSO na ng gabi ay hindi pa rin dumarating si Devey para sunduin si Ella sa Harley's resort. Hindi pa magawang mag-resign ni Ella sa trabaho dahil hindi pa sila nakapag-usap ni Devey tungkol sa pinangako nitong restaurant business na pangangasiwaan niya. Kahit mabaho na ang pangalan niya sa resort ay pumapasok pa rin siya. Ayaw na niya ng isyu kaya kahit kanina pa siya inaalok ni Jero na sumakay sa kotse nito ay hindi siya pumapayag.

Para makaiwas sa intrega ay lumabas na lamang siya. Sa garahe na lang siya naghintay. Akala niya kanina pa nakaalis si Jero, pero heto't namataan niya itong humahakbang palapit sa kanya. Hindi na niya ito magawang iwasan.

"Out of town ngayon si Devey, baka nakalimutan na niya na dapat ka niyang sunduin," ani Jero, nang makalapit ito sa kanya.

"Hihintayin ko siya ng isang oras pa, kapag hindi siya dumating, magko-comute na ako," aniya.

"Bakit ayaw mong ihatid kita. Naikasal ka lang nakalimutan mo na ako."

Ngayon lang siya tuluyang nainis kay Jero. "Aware ka naman siguro sa mga isyu sa akin. Huwag mo nang dagdagan, Jero."

...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon