Chapter 14 (Unedited)

16K 511 10
                                    


NAGISING si Ella buhat sa nakakakiliting bagay na kumakalikot sa tainga niya. Kakalikutin pa sana ni Devey ng balahibo ng ibon ang tainga niya pero mabilis niyang naitabing ang kamay nito. 'Ano ba!" hasik niya.

"Bangon na," anito.

Saka lamang niya namalayan na nakahiga siya sa kama sa loob ng hindi pamilyar na kuwarto. "Nasaan tayo?" pagkuwa'y tanong niya.

"Nandito tayo sa CDO."

"Anong CDO?"

"Cagayan De Oro."

"Pinagluluko mo ba ako, Devey?"

"No, seryoso ako, Ella."

Bumalikwas siya ng tayo. Lumapit siya sa bintana saka binuksan ang sliding window na may makapal na salamin. Wala siyang ibang nakikita kundi kabundukan at kakahuyan. Nalula siya sa taas ng kinaroroonan nila. Hinarap niyang muli si Devey.

"Bakit tayo nandito? At paano tayo nakarating dito?" mag-asawang tanong niya.

"Natural sumakay tayo ng sasakyan," sarkastikong sagot nito.

"Devey, hindi ako nakikipaglukuhan sa 'yo. Nasaan tayo at ano ang ginagawa natin sa lugar na ito?"

"Fine. Fine. Fine," anito habang humahakbang ito palapit sa kanya. "Surpresa nga 'di ba? Nandito tayo sa safe house namin. Walang ibang taong nakakatungtong sa lugar na ito. Chopper lang ang sasakyang nakakarating rito. Ang islang ito ay naliligitan ng lawa at karagatan. Virgin islan ang tawag rito, pero sence nagalaw na siya, hindi na siya virgin."

"Okay. Okay. So ano na? Ano na ang gagawin natin rito? Nagugutom ako."

"Oh, 'di kakain tayo. Nagluto ako ng damo-damo na nakuha ko sa hardin."

"Ano?"

Ngumisi ito. "Come with me, honey. This is our date, at the same time our honeymoon part two. Let's go!" anito habang iginigiya siya palabas ng kuwarto.

Hindi sila sa hagdan dumaan kundi sa elevator. Namangha siya sa gara ng kabahayan at sobrang laki. Ang mga kagamitan at pulos yari sa kristal at ang iba'y yari sa matitibay na kahoy. Nahiya naman siyang umapak sa nagsasalamin sa kintab na sahig. Mabuti na lang maigsing maong pants ang suot niya at hindi mini skert na balak sana niyang isuot kanina, kung hindi ay masisilipan siya dahil sa kintab ng sahig.

Pagdating nila sa dining area ay nagulat siya sa haba ng hapag-kainan na may trenta perasong upuang maggara ang desinyo. Ang dulong bahagi lang ang may nakahaing pagkain, malamang silang dalawa lang ang kakain.

"Bakit ang haba ng mesa? Ilan ba ang miyembro ng pamilya mo?" aniya.

"Hindi ito para sa iisang pamilya lang. Kainan ito ng mga bampira−este−ng mga meyembro ng organisyon namin. Dito madalas ginaganap ang malakihang pagpupulong."

Hindi niya pinansin ang sablay sa sinabi ni Devey, dahil sanay na siya sa mga biro nito. Umupo na siya sa pinakatulong upuan, habang si Devey naman ang umupo sa gawing kaliwa niya. Hindi pala ito nagbibiro, damo ang ulam nila. Pero pamilyar siya sa mga gulay na iyon. Palibhasa sanay siya sa gulay baguio. Rare ang mga gulay pero masarap. Ang sariwang karne ng usa ang nagdala sa lasa.

"May nahuli akong usa kanina kaya niluto ko. Pinakuluan ko siya sa tanglad at tubig dagat bago ko in-bake. Masarap ba?" ani Devey.

"Okay lang."

"Anong okay lang?"

"Okay lang na masarap at okay lang na hindi."

"Hindi mo pa pinuri. Maswerte ka nga, nagkainteres ako sa pagluluto dahil ang sabi ni mommy, madali raw ma-in love ang mga babae sa lalaking marunong magluto at maglaba. Sinungaling pala si mommy, kasi ang tagal ko na itong ginagawa hindi ka pa rin in-love sa akin. Alam mo 'yong nagigising ka sa bawat umaga dahil gusto mo madatnan ka ng mahal mo na naghahanda ng pagkain para sa kanya, tapos nag-e-effort ka pang mag-research kung paano magluto ng paboreto niyang pagkain, 'yong pagod ka na, nagkandapaso ka na, nasusugat sa kakamadali tapos sa bandang huli sasabihin sa 'yo na hindi masarap," ani Devey. Pumalatak na ito.

...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon