1

24 5 33
                                    

"Roses are red, violets are blue. I look pretty, what happened to you?"

Halos isaboy ko na sa mukha ni Ate Toni ang hawak kong baso ng kape nang asarin niya pa ako matapos naming kumain ng umagahan. Ang totoo niyan, kagagaling lang namin sa likod ng bahay at dinala niya pa talaga hanggang dito sa hapag-kainan ang kagalingan niya sa pang-aasar. Tinignan ko siya ng masama. Nakataas lang ang kilay niya na parang hinihintay kung ano ang isasagot ko.

"What happened to you?" ulit niya.

Inilapag ko muna sa mesa ang tasa. Kahit gaano ko kagustong barahin siya sa mga pinagsasabi niya ay pinili ko na lamang salpakan ng pandesal ang aking bunganga para maiwasang makapagsalita ng masama. Ang sabi kasi ni Mamay, bawal daw makipag-away kapag nasa harap ng pagkain. Masama daw iyon kasi galing kay Lord ang kinakain namin sa araw-araw. Saka isa pa, sanay na ako sa kanya kaya kapag inaasar niya ako, wala ng epekto sa akin.

"Aba, bingi ka na pala ngayon," maya-maya'y sita niya sa akin nang hindi ko siya pansinin. "Kinakausap kita, Tanya. Sumagot ka ng maayos."

Maayos. Aba naman. Nahiya ako sa kanya. Gusto niyang sagutin ko siya ng maayos samantalang ang sama ng kanyang tanong. Muli akong humigop ng kape at inubos iyon bago ko siya sagutin.

"Nakakita ka lang ng rose sa likod ng bahay, nagiging makata ka na," maalumanay kong sabi. Ayoko sana talaga siyang patulan kaso pinipilit niya ako.

"Oh, bakit? Totoo namang maganda ako, ah. Ikaw," pinasadahan niya ako ng tingin. "Do you even take a glance of yourself in the mirror?"

Nangunot ang noo ko. "Bakit? Ano bang mali sa akin?" tanong ko.

Tumaas na naman yung kilay niya. "You look like an ordinary girl who doesn't know how to comb her hair. May suklay naman tayo, Tanya. Gamitin mo naman minsan."

Sa puntong ito, hindi ko na talaga kaya ang tabas ng dila ng Ate ko ngunit ipinagkibit-balikat ko na lamang ang lumabas sa makasalanan niyang bibig. Palagi siyang ganito sa akin. Yung tipong ako lang ang nakikita ng mga mapamintas niyang mga mata. Minsan nga, tatanungin ko si Nanay kung saan ipinaglihi si Ate.

"Nagtataka talaga ako kung paano ka nakaka-attract ng customer gayong ganyan ang itsura mo. Buti hindi sila natatakot sa'yo," dagdag niya pa talaga.

"Kasalanan ko ba kung magaling lang talaga akong mag-sales talk at dinadagsa kami ng mga customers?" sagot ko.

"Ang sabihin mo, gwapo lang si Julio kaya maraming bumibili sa pwesto niyo."

"Pwede ba Ate? Tigil-tigilan mo ako." At tigil-tigilan mo ako sa pagfi-feeling mong mag-Ingles.

Syempre, bilang siya si Maritoni aasahan mong hindi ka niya pakikinggan. Pinaikutan niya lang ako ng mata sabay halukipkip.

"Pwede ba? Tigil-tigilan mo ako," paggaya niya sa sakin. Para siyang bata na nakikipag-away sa kalaro. Nasa tamang edad at katinuan pa naman ang kapatid ko at sadyang ugali na niya ang asarin ako.

Kaya naman pinabayaan ko na lang siya. Madami pa siyang sumunod na ipinintas sa akin ngunit nanatali akong tahimik. Lahat ng pinagsasabi niya ay pumasok lang sa isang tenga ko at lumabas din sa kabila. Siguro kung hindi ko lang siya nakasama ng halos dalawampung taon malamang nakipagsabunutan na ako sa kanya.

Minsan kasi nakakasakit na siya. Yung tipong sobra na siya kung manlait na naaapakan na pati pagkatao ko. Sinasabi niya na pangit ako samantalang magkadugo kami. Eh di parang sinabi na rin niya na pangit siya.

Naniniwala kasi siya na sa mundong ito, siya lang at ang iniidolo niyang businessman ang nilikha ng maayos.

"...tapos alam mo, dapat gumamit ka ng blush on. Gosh! Ano ba namang klaseng nilalang ka, Tanya? Ako ang nababahala para sa'yo eh. Gumamit ka naman ng make-up. Yang labi mo, pahiran mo ng lipgloss o kaya matte na lipstick. Jusko! Mag-ayos ka nga! Nagmumukha kang anemic!"

His Pseudo Bride Where stories live. Discover now