Preface

17 4 18
                                    

Malaking bahay? Wala kami niyan.

Magarang sasakyan? Wala rin kami niyan.

Mamahaling kagamitan? Mas lalong wala kami niyan.

Ang meron lang ako ay isang pamilyang may malaking puso, semi-magarang L300 na ginagamit pang deliver at makukulay na bulaklak na inilalako.

Isa lang naman akong ordinaryong dalaga na ang tanging nais  sa buhay ay makitang maayos ang pamumuhay ng kanyang pamilya. Yung tipong tatlong beses sa isang araw silang kumain at mahimbing silang nakakatulog sa gabi dahil maayos ang kanilang higaan.

Hindi ko kailangan ng malaking bahay, marangyang sasakyan, at mamahaling kagamitan. Ayos na ako sa mga simpleng bagay basta alam kong magdudulot ito ng kasiyahan sa mga mahal ko sa buhay.

Ngunit sadyang may mga bagay na nangyayari nang hindi mo inaasahan. Mga bagay na sa tingin mo ay imposible pero nagkakatotoo.

Wala kang choice. Kahit tutol ka sa mga posibleng mangyari, wala kang magagawa dahil iyon ang nararapat.

Wala kang kontrol. Hindi mo pwedeng manipulahin ang mga bagay-bagay lalo na't isa ka sa minamanipula.

Ako si Tanya Joaquin at ako ang patunay na kakapit ka sa patalim kapag nagipit.

Lahat gagawin ko para sa pamilya ko. Kahit pa ikasira ko ito.

His Pseudo Bride Where stories live. Discover now