13 ~ Yes

288K 5.9K 268
                                    

CHAPTER THIRTEEN

"TALAGA? Anong pakiramdam? Malaki ba? Mahaba? Matigas—aray naman, Xarra." Reklamo ni Celine ng pitikin nya ang noo nito. "So... Ibig sabihin, hindi ka na virgin?" Kumikislap ang mata nitong nakatingin sa kanya habang ang sarap sarap ng upo sa ibabaw ng bed niya.

"Sinabi ko na di ba? I am not virgin anymore at hindi ko pinagsisisihan na ibinigay ko kay Aeon ang matagal kong iningatan." Ingos nya dito bago dumapa sa kama nya.

"Hindi mo pa sinasagot ang mga tanong ko."

"Ano ba iyon?"

"Kung malaki ba, mahaba at matigas." Pakiramdam nya umakyat sa ulo nya lahat ng dugo sa katawan nya. Wala ba talagang preno ang bibig ni Celine? O sadyang wala lang itong pakialam sa paligid nito? "Hindi ka makasagot, ibig sabihin hindi ma-"

"Malaki! Mahaba! At matigas ang best buddy ni Aeon!" Sikmat nya sa kaibigan. "Please stop asking questions Celine, ang awkward."

Nakakalokong nginisian sya nito na inirapan nya lang. Totoo lahat ng sinabi nya. Pinagpala si Aeon at ang alaga ng binata.

"Ang damot mo naman para nanghihingi lang ng impormasyon eh." Humalukipkip ito. "Maganda ng may alam ako tungkol sa bagay na ganyan para kapag dumating ang kukuha ng virginity ko, handa ako sa anoman ang gawin namin."

"Kusang nangyayari ang gano'ng bagay, Celine. Unexpected talaga ang nangyari samin ni Aeon, sinabi ko sayo ayaw nya nung una di ba? Tapos kinagabihan nagulat na lang ako ng hinila nya ako palayo sa lalaking sasamahan ko sana para magawa ang plano ko."

"Ibig mong sabihin... Nagselos si Aeon ng makita kang may kasamang iba?"

Nalukot lang ang mukha nya sa tanong ng kaibigan. Si Aeon? Magseselos? Hindi kapanipaniwala iyon.

"Hindi sya nagselos. Alam natin pareho kung sino ang gusto nya. Napilitan lang siguro si Aeon na tulungan ako."

"Sana mabuntis ka na Xarra para hindi ka na habulin ni Austin."

"Sana nga." Mahinang sabi nya.

"May usapan na ba kayo kung ano ang plano nyo if ever na may mabuo na?"

Napatingin sya sa kaibigan at muling inihilig ang mukha sa unan nya. Wala silang usapan ni Aeon pero ano man ang magiging desisyon ng binata ay buong puso nyang tatanggapin.

"Wala pa, saka na namin pag-uusapan ang bagay na iyon kapag sigurado ng may baby dito sa tiyan ko." Tumagilid sya ng higa at kinapa ang impis nyang tiyan.

Lagi nyang ipinagdarasal na huwag na syang datnan ng monthly period nya at mas napapadalas din na may nangyayari sa kanila ni Aeon.

Ngayon, two days na silang hindi nagkikita dahil sobrang busy ng binata tapos hindi din sya pinapapunta sa munisipyo kasi mapapagod syang magtrabaho samantalang hindi naman nakakapagod kuhanan ng litrato si Aeon.

"Anyway, aalis muna ako at baka matagalan bago tayo magkita ulit." Untag sa kanya ni Celine.

"Saan ka naman pupunta?"

"Sa malayo." Sabay tingin nito sa labas ng bintana ng silid nya. "Magpapakalayo muna ako."

Doon na sya bumangon at umupo sa kama. "Niloloko mo ba ako Celine? Ano naman ang dahilan para lumayo ka?"

Tipid lang na ngumiti sa kanya ang kaibigan at sa unang pagkakataon nakita nya ang pagdaan ng lungkot sa mga mata nito na agad ding nawala.

"Alam mo Xarra may mga bagay dito sa mundo na hindi na natin pang kailangan sabihin, may mga bagay na sana hindi na lang nangyari at sana hindi na lang nag-exist." Hinawakan ni Celine ang palad nya. "Huwag kang mag-alala mananatiling magkaibigan tayo kahit malayo ako sayo."

RACE 2: Baby Maker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon