Nag-inat siya at saka umupo sa bed tapos nilapag ko yung breakfast tray sa harap niya.

"T-thank youuuu!" hindi ko alam bakit pero bigla na lng siyang umiyak.

"Don't cry. I made it especially for you" I smiled at her tapos tinanguan niya lng ako at nag-umpisa na siyang kumain.

Pancake with butter and maple syrup, fresh milk at grapes and orange ang inihanda ko para sa kanya. Well kakainin niya naman kahit ano basta wag lng siyang susumpungin.

"Pupunta pala ako sa office mamaya para ayusin ang resignation ko" sabi niya sa akin.

"I'll go with you"

"H'wag na, ako na lng kaya ko naman eh, at isa pa may fan meeting ka today"

"Baka kasi kung mapano ka, kayo ng baby natin"

"Three months pa lng ang tiyan ko, wag ka nga masyadong oa, mag-iingat naman ako eh at magpapasama ako kay Aram"

Nagpabuntong hininga na lng ako, kahit na anong gawin ko magpipilit pa rin kasi siya.

"Sige, pero tatawagan kita from time to time ha"

"Ok po"

--

Pumunta si Haerim at Aram sa office para asikasuhin ang resignation niya, sinabi lng niya na kailangan niyang i-manage ang sarili nilang business. Hindi naman niya pwedeng sabihin na buntis siya dahil magtataka sila dahil hindi naman nila alam na may asawa siya.

"You're a big loss to the company" nanghihinayang na sabi ni Ma'am Bridgette sa kanya, kasalukuyan silang na sa office nito para pormal siyang maka pag-paalam.

"I'm sure there are a lot better fashion designers than me, by the way I have to go ma'am, thank you for everything" nginitian niya ang matanda at papalabas na sana siya ng pinto ng biglang bumukas ito at niluwa si Xander.

"Hi, Haerim!" bati ng binata sa kanya.

"Hello" ngumit siya kay Xander na sobrang nagagalak naman na Makita siya.

"You should say goodbye to Haerim, she's resigning" sabi naman ng mama niya.

"What? Why?" napalitan ang ekspresyon ni Xander, para siyang nabahala.

"Family business, sige I have to go na"

Pagkalabas ng office ay nagtungo kaagad siya sa workspace nila. Nagpaalam siya sa mga kasama niya, pero hindi niya Makita si Drew.

Si Stephanie lng ang nakakaalam kung ano talaga ang reason niya para mag resign.

"Wait, nasaan si Drew?" tanong niya.

"Hindi pa ata dumarating"

"Ano ba yan, huling pakita ko na dito, wala pa siya. Sige aalis na ako"

"Bye, Haerim!"

"Goodluck Haerim!"

"We'll miss you!"

Nginitian niya muna ang mga katrabaho bago umalis.

Pagdating niya sa lobby ay nandun si Aram naghihintay. Lumabas na sila ng building, sa kabilang block pa kasi sila nag park dahil puno ang parking lot.

"Haerim?" papasok na siya sa kotse niya ng makita sila ni Drew.

"Oh, Drew ikaw pala. Ngayon ang alis ko sa company, nagpaalam lng ako sa kanila"

"Ganun ba? Late na pala ako. Ang dami pa kasing ginawa eh"

"Ayos lng, nagkita naman tayo ngayon eh, siya nga pala kapatid ko si Aram"

.

"Haerim!" Bago pa man magkabatian si Aram at Drew ay nakita ni Haerim si Kris na papalapit sa kanila at tumatakbo, kahit nka disguise ito ay alam niyang siya yun.

Hindi niya alam kung anong ibig sabihin ni Kris pero mabuti na lng at mabilis siyang naiwas ni Drew at tuluyang bumagsak ang malaking paso sa semento kung saan sila kasalukuyang nakatayo.

Gulat at takot ang makikita sa mga mata niya, pati na rin si Aram na natutop ang bibig dahil sa pagkabigla.

"Are you ok?" alalang tanong sa kanya ni Drew.

"Are you ok? May masakit ba sayo? Mahal, magsalita ka" tarantang-taranta si Kris. Agad niyang binawi si Haerim sa pagkakahawak ni Drew.

Tanging tango lng ang ibinigay niya rito.

"Teka, Haerim, do you know him?" – Drew

"For your information, I'm her husband" nanlaki ang mata ni Haerim sa sinabi ni Kris, hindi kasi siya makapaniwala na asinabi nit okay Drew ang totoo, buti na lng at wala masyadong tao sa paligid.

"What? But you are –"

Habang nakikinig si Aram ay may napansin siyang papel sa pinagbagsakan ng paso at binigay ito kay Kris. Pagkabasa niya ay bigla siyang kinabahan, buong buhay niya ngayon lng siya nakaramdam ng ganoong klase ng kaba.

"What does it say?" tanong ni Haerim. Hindi pa rin nagsalita si Kris kaya inagaw na niya ang sulat dito.




Die Haerim Lee, we know everything.

Marrying a Pop Star [KRIS WU]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz