CHAPTER 19 - Acceptance

6.5K 243 17
                                    


CHAPTER 19 : acceptance

"WHAT THE ? "

Umayos na ako ng tayo at hinarap siya.Tumabi narin si Venus sakin.

" Come here ! May ipapakilala ako sa inyo !!"

Labag man sa loob ko,lumapit kami sa kanya.Lumingon siya sa likod niya. " Guys,meet Justin my boyfriend !!"

Parang nagkastiff neck ata ako.Hindi ko maigalaw ang ulo ko.Sa pangalawang pagkakataon nakita ko na naman siya.

Bakit siya pa??.Bakit siya pa ang naging boyfriend niya??.Sabihin nating malapit na ang loob ko kay Frency.Pero parang gusto kong magalit,kasi dahil sa kanya kaya kami nagkahiwalay..

Pero,diba I promised to my self na hindi na ako masasaktan pero bakit ??.Ang sakit sakit parin.

Feeling ko tinatraydor ako ng sarili kong katawan,ayaw makiayon.Ang weak ko parin.Pero,masisisi niyo ba ako??.
Hindi naging maganda ang break up namin !.😢
AGAD AGAD.

Pero hindi nila dapat makita na mahina ako.Na bumabalik ako sa dating ako.Kailangan kong tanggapin ang lahat na wala na.

" Justin,this is Venus and her friend Jade,my new friends ! " sabi pa niya.

Napalingon ako sa kanya at nakatingin din siya sakin.Walang may nagsasalita.Hanggang sa binasag na ni Venus.

"Oh hi,Justin !! He..he.." natatawang sabi niya.

"Hi Ven,hi Jade..We met again ! " nakangiting sabi niya.Seryoso lang ako nakatingin sa kanya.Ano ba dapat sabihin ??. Kaya ko to.

"Ahh O --"

"Do you know each other ?? " inunahan naman ako nitong babaeng to.

"Actually NO / YES ! " nagkatinginan kami ni Venus.Tsk.Nagpeace sign naman siya sakin.

"Tell me the truth !! "

"Yes Fren,magkakakilala kaming tatlo.! " si Justin ang sumagot .Tanggalin ko na ang the cheater.

"So...,that's good !!.Ahmm..let 's go ! Let's now celebrate your party Jus ! " sabi ni Frency.

"Ahh Oo."

Nagsiupo na kaming apat.Kami magkatabi ni Venus.At ang lovebirds naman ang magkatabi.

Walang nag iimikan.Walang may balak magsalita.Kain lang ang ginagawa namin.

ako ay lumuha dahil di ko kaya na limutin ka at iwan ka dahil ikaw lang tal---

Napatigil ako sa pagsubo ng marinig ko ang kantang yun.Parang nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko ng marinig ko yun.

"Excuse lang guys,I need to take this call..Maiwan ko muna kayo ! " kay Frency palang cellphone yun.Napatango kami ni Venus.

"Sige lang Fren!"

Tumayo na siya at naglakad paalis habang may kausap sa telepono niya.Nagsimula na ulit akong kumain.

AWKWARD

"Ahh bes, cr lang ako hah..nawiwiwi kasi ako..hehe..." bulong sakin ni Venus at tumingin kay Justin. " ahh, cr muna ako,Justin! Maiwan ko muna kayo !! "

Mr. Mayabang meets Ms. Masungit [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon