CHAPTER 12 - With Her

8K 458 8
                                    

A/n: Chapter 12 is up!

Ayoko po munang maging baliw sa ngayon. HAHA!

-janeleeshunsin

-----------

CHAPTER 12


Jade's POV


"Hindi mo na dapat ginawa yun."

"Kaya ko naman sarili ko eh."

"Pano kung napahamak ka?"

"Hindi ka ba nagtitiwala sa kagwapuhan ko? HAHA!"

Kasalukuyan kong ginagamot ang sugat nitong mayabang na to. Tsk, bakit hindi nalang siya tumahimik diyan? Muntik na nga siyang mamatay, nakuha pang magyabang.

Tsk. Hindi ko gustong gawin ito pero wala akong choice. Sinabi ko na rin kay kuya na classmate ko LANG siya but we're not friends and will never be. Kanina pa ako inaantok pero nawala nalang dahil sa kumag na 'to.

Ang oras na ba?

"Tumahimik ka nga! Dapat nga magpasalamat ka nalang!"

"Hahah! Hindi mo kasi natiis ang kagwapuha--aray! Dahan-dahan lang naman bato!" reklamo niya matapos kong diinan ang sugat niya sa pisngi. Yan, bagay sa kanya!

"Yan kasi! Naghihirap kana nga nagmamayabang ka pa dyan!" sigaw ko sa kanya.

Tsk. Kung kanina naghihirap siya pwes tutuluyan ko na talaga tong mayabang na to!

"Hahah! Hindi na, tatahimik na! Sungit nito.." sabi niya pa at nakangusong umiwas ng tingin kaya naging focus ako sa paggamot sa kanya.

Mabuti naman kung hindi ay  magpapabili nalang ako ng lapida kay kuya dahil tutuluyan ko na talaga siya.

"Malaki pala ang bahay niyo no? Dalawa lang kayo ng kuya mo?" he asked me. Tsk. Tatahimik na daw. Ang talino din nito.

"Oo. Iniwan kasi kami ni mommy dahil kay daddy. He cheated on her kaya sa sobrang pagluluksa ni mommy ay iniwan nalang niya kami ni kuya."

"Galit ka ba sa daddy mo?"

"Sobra. Naiinis ako sa kanya! Dahil sa kanya iniwan kami ni mommy--" sagot ko at bigla akong napahinto sa pagsasalita ng ma-realize kong ang dami ko na palang nasasabi.

"Aray! Ang sakit! Hinay-hinay lang!" reklamo na naman niya.

"Teka..huwag ka ngang matanong! Hindi tayo magkaibigan! Baka sayo ko pa mabuhos lahat ng galit ko!" sigaw ko pa sa kanya.
Tsk. Hindi ko pala namalayan na sinabi ko pala yun.

"Kaya ba nagsusungit ka? Dahil ba sa daddy mo?"

"Hmm, yeah..parang ganun na nga pero mayroon pang isang dahilan.."

"Ano pang dahilan?"

"Dahil kay...."

"Dahil kay?"

"Teka nga! Diba sabi ko huwag kang matanong! Kainis!"

"Hahah! Eh sagot ka ng sagot dyan--aray!" diniinan ko ulit ang sugat niya. Tss, kainis talaga! "Oh siya, I'll keep quiet."

Nakakabwesit talaga to! Baka anong oras magwala na ako dito.

"Matatapos kana ba diyan?" tanong na naman niya.

"Hindi pa! May sugat pa dito oh!"
walang emosyong sagot ko at nilagyan ko na ng bandage ang kanyang braso.

"Oh ayan tapos na! Matulog kana dyan!" sigaw ko at niligpit ko na ang lahat ng gamit ko at akmang aalis na ako pero hinawakan niya ang kamay ko.

Mr. Mayabang meets Ms. Masungit [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon