CHAPTER 9 - His Effort

8.5K 254 24
                                    

A/n: Nais ko lang pong magpasalamat sa mga nagbabasa ng story na ito. Yehey!

Hindi po muna ako magbabaliw- baliwan. Wala ako sa mood. Heheh.

At tsaka baka naiinis na kayo sa author nito. Pagpasensiyahan niyo na.Hahaha. *peace*

-janeleeshunsin


----------

CHAPTER 9



Vince's POV


Since today is Saturday, I decided to go to Ella's house and I'll pick her up. Gusto ko kasing yayain siya sa labas para mamasyal.
Naisip ko lang kasi na palagi siyang naii-stress sa school, isa na dun si Thunder Rodriguez.

I don't have an idea why he is acting that way, like a jerk. Sabagay, hindi ko naman siya masyadong kilala at kalilipat ko lang din ng lugar.

But the first time we met, he always giving me a bad vibe. As far as I know, wala naman akong ginawang masama sa kanya from the start or maybe the reason is, he's jealous of me for being close to Jade. So, what's the big deal? Eh hindi naman sila magkaibigan or ano pa.

Jade treats him as an enemy.






Nandito na ako sa tapat ng gate ng bahay nila Ella. Magdo- doorbell na sana ako ng biglang  bumukas ang pintuan ng bahay at lumabas doon si Kuya Clark na nakasuot ng pormal na damit. Siguradong may lakad siya. Gwapong-wapo eh.

"Good morning Kuya!" bati ko kay kuya Clark dahilan para mag-angat siya ng tingin at sinalubong ako.

"Oh, Vince! What brings you here? Halika, pasok." sabi niya at pinagbuksan ako ng gate kaya pumasok naman ako kaagad.

"Nandiyan po ba si Ella? Yayayain ko sana siyang
mamasyal ngayon." tanong ko kay kuya.

Tumango naman siya. "Yup, mabuti naman kung ganun para makalanghap ng sariwang hangin ang masungit kong kapatid. Hahaha." pabirong sagot niya. Natawa nalang din ako sa sinabi nya.

"What do you mean?" tanong ko pa.

"Ewan ko rin sa kapatid kong yun. Kagabi ayaw kumain tapos kanina naman ay ayaw bumaba. Paminsan-minsan ay hindi ko siya maintindihan." napailing siya habang iniisip ang tungkol dun.

Napaisip tuloy ako bago tipid na ngumiti kay kuya Clark. "Oh sige po pupuntahan ko nalang siya. Mukhang may lakad ka po ngayon ha?" sabi ko pa at pinasadahan ko ng tingin ang porma ni kuya.

"Ha? Ah, oo. May date kasi kami ni Trisha ngayon. " nahihiyang sagot niya. Ah, kaya naman pala ang gwapo-gwapo niya ngayon eh may date pala.

"Ah ganun ba? Oh sige kuya ako na po bahala dito." sabi ko pa.

"Oh sige ingatan mo kapatid ko ha?" sagot pa niya at tumango lang ako. Tinapik niya pa ang balikat ko at umalis na siya. Malaki ang tiwala sakin kuya kaya ok lang sa kanya na ako palagi ang kasama ni Ella.

Hindi na ako nagsayang ng oras at pumasok sa loob ng bahay. Umakyat ako kaagad sa kwarto ni Ella. Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko siyang nakahiga sa kama habang nakataklob ng kumot. What happened to her? Is she sick?

Nilapitan ko naman siya at umupo sa gilid ng kama niya.
"Ella? Look who's here?" masaya kong sabi.

"Just leave me alone." halos pabulong niyang sabi, pero sapat na marinig ko ang kawalang- gana sa boses niya. Napabuntong-hininga na lamang ako. Mukhang badtrip siya ngayon ha?

Mr. Mayabang meets Ms. Masungit [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon