CHAPTER 10 - Now You Know

7.8K 259 14
                                    

A/n: Mamiss niyo na po ba si kidlat?

Sa hindi po nakakaalam, he's dead na po.

Hahaha! Joke!

Bumalik na ang dating baliw na author!

Anyway, lalabas din yun!

-janeleeshunsin

----




CHAPTER 10




Clark's POV

Nandito kami ni Vince sa living room, sandali siyang natahimik pero alam kong madami siyang gustong itanong. Nanunuod kami ng tv ng may maisipan akong sabihin sa kanya at para mabigyan din siya ng pagkakataong magtanong.

"Vince, salamat pala sa pagpapasyal kay Jade." sabi ko sa kanya habang nakatuon parin ang mata ko sa tv.

"Ha? Eh hindi nga siya nag-enjoy eh." sagot niya sa pabirong paraan at pabagsak na sumandal sa sofa.

"Ewan ko ba dun kung bakit na naman siya ganyan." pahayag ko at lumingon na ako sa kanya. I know, there is this something inside me that I know the reasons why she is acting that way since these past years.

"Kuya, di naman sa nangengealam ako pero nacucurious lang kasi ako kung bakit siya nagkaganyan. Eh, syempre nag-aalala lang ako kasi bestfriend ko siya." sabi pa niya at napaisip naman ako ng malalim. Vince is also my childhood friend and I really trust him.

Kailangan ko yatang sabihin sa kanya ang nangyari kay Jade nung nasa US siya't nagpapagamot.

Simula kasi na nangyari yun mas naging masungit at emotionless ang kapatid ko. Hindi ko na siya nakikitang tumatawa at hindi ko na siya nakikitang umiiyak na pinapakita niya sa ibang tao.

Pagkatapos noong iniwan siya, itinuring niya na ang lahat daw ng lalaki ay babaero, manloloko at iba pang mga negative sides.

"Sasabihin ko sayo ito Vince dahil kaibigan ka niya simula nang bata pa kayo at pinagkakatiwalaan kita." I started at tumango siya sa sinabi ko kaya pinagpatuloy ko na ang pagkwento.

"May nanligaw sa kanya before when she was 13, then because she likes that guy sinagot niya ito. Ayaw ko pa nga siyang payagan kasi nga she's too young for being in a relationship pero matigas ang ulo ng batang yun kaya pinabayaan ko nalang." I sighed. Naalala ko pa tuloy kung paano kami nag-away ng malamang may boyfriend na siya. Naunahan pa ako eh.

"Then umabot sila ng 1 year. Kita ko sa kanyang mukha ang saya at tuwa para bang walang problema. Hindi siya yung nagsusungit na Jade at talagang pinapakita niya ang tunay niyang nararamdaman. Mahal na mahal niya talaga ito at lahat ibibigay niya para sumaya lang ito. Pero sa hindi inaasahan her ex-boyfriend cheated on her. Iyak siya ng iyak that time, halos walang may pumipigil dito, kahit ako. Araw-araw siyang nagmumukmok dito sa bahay na halos di ko siya mapigilan. Kaya pagkatapos nun nagulat nalang ako na naging ok na siya pero minsan nalang siya umimik, hindi ko na siya nakikitang tumawa o ngumiti manlang. Palaging nakapoker face at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa kapatid ko." malungkot kong sabi habang inaalala ang nakaraan.

"Kaya ipinangako niya sa sarili niya na ayaw niya ng magkagusto sa isang lalaki. She hates all guys except me and you kasi alam niyang mabait ka. Kapag may nanliligaw sa kanya sa labas mumurahan niya ito o kaya bubuhusin ng tubig. Ganyan siya nun! Lahat ng lalaki inihalintulad niya kay daddy at sa ex-boyfriend niyang babaero daw at manloloko." patuloy ko pa. Tanging tango lang ang isinukli ni Vince at halatang nagulat siya sa mga katotohanang nalaman mula sakin.

Mr. Mayabang meets Ms. Masungit [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon