Day 1828.1

12.7K 395 65
                                    

(Phone conversation)

TUE AT 11:46 PM

Call started.

Jenessy :
Hello! Anong nangyari?

Helga :
Ayun! Hmp. Binigay ni Dad approval niya pero long engagement yata mangyayari sa min ni Ash.

Jenessy :
(Laughs) Ayaw mo?

Helga :
Paunahin daw muna si Kuya.

Jenessy :
A... Oh, engaged naman na sina Ate Neah at Kuya Harry.

Helga :
Oo nga. Pero... alam mo naman sa side ni Ate Neah. Hindi natin alam kung kailan talaga sila makakasal. No ba yan!

Jenessy :
(Laughs) Gusto mo na agad maging Mrs. Millari?

Helga :
Siyempre! (Giggles) Bakit ikaw? Ayaw mo pa maging Mrs. Madrigal?

Jenessy :
E... (Giggles) Gusto rin! Yi...

(Both giggling)

Jenessy :
Pero mabuti na rin engaged pa lang kayo. Baka pag kasal na kayo, tangayin ka ni Boy Bakod tapos di na kita ma-date.

Helga :
Sus. Ikaw nga ang panay tangay ni Marcus nung nasa UCLA!

Jenessy :
E... Namiss kasi namin ni MM ang isa't isa. (Laughs)

Helga :
Oo na. Hmp!

Jenessy :
(Laughs softly) Sorry na talaga. (Sighs) Amg hirap kasi. Ang tagal na naming magkalayo. Gaya ngayon... nami-miss ko na naman siya. (Sighs)

Helga :
Regular na uli kayong nag-uusap, di ba?

Jenessy :
Uhm... Parang..?

Helga :
Anong parang? Di na naman kayo nag-uusap? Tapos, mami-miss nyo na naman nang bongga ang isa't isa. Tapos, mag-aaway kayo e nami-miss nyo lang naman isa't isa.

Jenessy :
(Laughs softly) Ang weird no? Ganun pala pag parehong clingy.

Helga :
Gosh! Aminadong clingy! (Laughs) So, di pa kayo nag-usap ngayong araw?

Jenessy :
Uh... Kanina, nag-video call kami. Pero pagod na siya... kaya ano... (laughs softly) nakatulog siya e.

Helga :
Habang nasa video call?

Jenessy :
Oo. (Laughs softly) Galing kasi siya sa ospital.

Helga :
Tapos?

Jenessy :
Uhm... pinanood ko siya matulog!

Helga :
(Laughs) Gosh! True love!

Jenessy :
Mas okay na yun kaysa hindi kami mag-uusap. Kahit 'Hi' lang, okay na muna ako.

Helga :
Mag-plot ka na agad ng free time mo! Pautangin kitang pang-ticket papunta sa UCLA! (Laughs) Para makita mo rin yung unit ko sa Davis!

Jenessy :
Sige. Para madalaw ko si MM ko. Yi...

Helga :
Oo! Basta kapag kaya mong pumunta run, magsabi ka sa kin. Akong bahala!

Jenessy :
Bakit? Marami ka na uling pera?

Helga :
Oo! Maraming pera si Kuya!

(Both laughing)

Jenessy :
Buti ka nga e... Pagbalik mo ng Davis sa doctoral mo, 5 hours away ka lang sa UCLA. Mabibisita mo si Ash.

(Silence)

Jenessy :
Kami ni MM... magtitiyaga pa ng mahabang panahon.

Helga :
(Sighs) Kaya nga medyo threatened ako sa long engagement e. Kasi... nakita ko kayo e. Baka mamaya...

Jenessy :
Oo. Nakita mo naman kami ni MM ko kung pano nahirapan sa long distance.

Helga :
Kaya nga... (Sighs)

Jenessy :
It tested what we have. Hanggang ngayon, nasa test pa rin kami dahil sa distance... (Pause) But it's not really something that you should be afraid of. Nakita mo naman kayo ni Ash... ang tagal nyong hindi nagkasama. Wala pa kayong relasyon nun. Wala ring assurance or security. But he loves you and you love him regardless. Kahit wala kayong naririnig sa isa't isa. So, I think, you will be okay. Saka... habang nagdo-doctoral ka naman, malapit ka pa sa kanya. Don't waste the chance to be closer to him.

Helga :
(Giggles) Ako pa ba? Lagot yan sa kin si Ash. Kala niya a. Malapit lang ang Davis!

(Both laughing)

Jenessy :
Saka... kahit naman maging long distance ang relationship, if you are both committed to make it work, it will work.

Helga :
Gaya ng ginagawa nyo?

Jenessy :
(Laughs softly) Yes. We're kind of starting again. Hindi ko alam kung kailan na naman kami magkakatampuhan dahil lang sobrang miss na namin ang isa't isa. But... this time will be different. I'm sure. Kasi, nung nagpunta ako sa kanya, marami kaming napatunayan sa isa't isa. We're stronger now.

Helga :
Mauuna ka pa siguro ikasal kaysa sa kin.

Jenessy :
E... Bakit naman?

Helga :
Adik si Marcus e. Sabi ni Ash, mauuna raw makatapos ng neurosurgery si MM mo. Panay ang advance ng units at lectures e. Gusto na yata umuwi sayo.

Jenessy :
(Laughs) Sabi ni MM ko, ngayon lang naman nag-file ng mahabang bakasyon si Ash. Kasi, babawiin ka nga.

Helga :
Mga adik kasi. Bakit pa kinuhang specialty yung isa sa pinakamatagal aralin?

Jenessy :
E neurosurgeon si Tito Pat e. Baka naniniguro si Boy Bakod na hindi na siya mapapalitan as husband-to-be mo. (Laughs)

Helga :
Yi... Baka nga! Dapat i-reward si Boy Bakod!

(Both laughing) (Long silence) (noises)

Helga :
Uh... Bestie, I have to hang up. May... (silence) kumakatok si Ash sa kwarto ko!

Jenessy :
Ha?

Helga :
Nandito pa kasi siya. Nag-inuman sila nina Daddy at Kuya after nila mag-usap e. Bakit kumakatok to? Uh... baba ko na to a.

Jenessy :
Baka lasing na yan. (Laughs) Good luck!

Helga :
Gosh...

Call ended.

Goodbye Girl (Chat MD Series #2)Where stories live. Discover now