Day 82.2

17.1K 747 121
                                    

(Acquaintance night.
Helga's videocamera)

Visual status : On
Audio status : On
Recording : On, Live

Umuuga ang lente sa pagbaybay sa magaspang na semento. Mangilan-ngilang kotse ang minsan ay nadadaanan. Malamlam ang madilaw na ilaw sa paligid.

Maririnig ang boses nina Ash at Helga sa likod ng camera.

"Ibaba mo sabi ako! Sa'n mo 'ko dadalhin?"

" 'Wag kang maingay. Just hold on to me."

Umuga ang lente hanggang sa maibaba sa isang bagay na konkreto. Ash' pants comes in full close-up hanggang sa lumakad palayo sa camera. Buhat-buhat ni Ash si Helga.

"Is it recording?" tanong ni Helga na nakatingin sa camera lens habang nakakapit sa balikat at braso ni Ash. Seryoso ang mukha niya. Bahagyang nanlalaki ang mata sa camera.

"Of course," sagot ni Ash bago ibinaba ang babae.

They stand facing each other. Nakakapit si Helga sa slit ng silver cocktail dress na suot niya.

"Ano? Pagagalitan mo na 'ko?"

"I'm carrying a box of shoes with me. Pagagalitan ba kita?" tanong ni Ash bago tumalungko sa harap ng babae at ibinaba sa tagiliran ang hawak na kahon.

Umurong ng isang hakbang si Helga.

"Teka lang... A-anong..." -she clears her throat- "gagawin mo?"

Tumingala si Ash sa kanya. "Give me your right foot."

Hindi gumalaw si Helga. Sa halip ay sumulyap ito sa camera.

Tumayo si Ash at lumapit bago tumalungko uli. He opens the box of silver shoes and takes out a pair. Walang salitang inabot niya ang kanang paa ni Helga at hinubad dito ang heels na naputulan ng takong.

"Don't walk around with a broken heel. Magkakapaltos ka," he said in a gentle voice.

Nakatungo si Helga sa panonood sa ginagawa ng binata. Ash inspects her right foot bago siya suotan ng sapatos.

"Bakit... may ano... dala kang ganyan..? P-para kay... Pia?"

Nagpatuloy si Ash sa ginagawa kaysa sumagot. Inabot nito ang kaliwang paa ni Helga, tinanggal ang dating sapatos at ipinalit ang bago.

Tumayo ang binata sa harap niya at tumitig.

"Hindi ko alam ang shoe size ni Pia, Helga."

"Then..."

"Alam ko ang shoe size mo."

Ilang sandaling walang gumalaw sa dalawang magkaharap.

"Sinabi ni Kuya..?"

"Hindi kailangang sabihin ni Harry. Sinabi mo, remember? In one of your messages."

Napasutsot si Helga at nagbaling ng tingin sa camera.

" 'Kala ko naman..."

Napangiti si Ash at namulsa.

"You're wearing a silver dress tonight."

"So?" tanong ni Helga at sinuklay ng daliri ang buhok na nakatipon sa kanan ng mukha.

"I have to dance with ladies wearing silver. Hindi mo nakita sa facebook status ko?"

Napatingin si Helga rito. "Sapilitan, ganun? Tss."

Napangiti si Ash bago, "Dance with me, Miss Lastimosa."

Natigilan ang dalaga. Napatitig.

"Teka... S-seryoso?"

Lumapit si Ash, kinuha ang kanang kamay ni Helga at inilapat sa sariling dibdib.

"T-teka naman..."

"Hm?"

Hinapit ni Ash sa baywang ni Helga palapit sa katawan nito bago pagsalikupin ang natitirang kamay nila.

"Are you comfortable?" tanong ni Ash na bahagyang nakatungo sa babaeng nasa braso nito.

Nakatingala naman si Helga sa binata. Umiling ng ilang beses. "I'm not... comf- T-this is..."

"Good."

"Ano?!"

Tipid lang na ngumiti si Ash at tumitig kay Helga. Slowly, they move as if in a trance. Slowly, they dance kahit walang music. Ilang sandali na nakatitig lang sila sa isa't isa habang gumagalaw.

Slowly, their dance posture shifted into something else. Nang tumigil sila sa paggalaw ay sumubsob si Helga sa dibdib ni Ash. Hindi gumalaw ang binata. He just clenched his fist on the side.

"Ashton..."

Hindi sumagot ang lalaki.

"Sorry about... Pia," bulong ni Helga. "Hindi mo siya dapat idinate kasi. Taksil ka kasi..."

"Yes, I know. I'm sorry about tonight, too."

"Saka... saka... ano..."

Tumingala si Helga. Naghinang ang mata nila.

Itinaas naman ni Ash ang kamay mula sa pagkakakuyom at hinawi ang buhok niyang naligaw at naipit sa kaliwang bahagi ng leeg. Pagkatapos ay hinaplos nito ang buhok niyang nakaipon sa kanan.

No one moved after. They just continue to stare at each other, as if making sense of what's happening. Nakalapat ang dalawang palad ni Helga sa dibdib ni Ash. Halos sakop naman ng palad ni Ash ang leeg at batok ni Helga.

"Step back now... please," halos walang hanging sabi ni Ash sa kanya.

"Huh?"

Walang gumalaw sa kanila.

Marahang bumuntong-hininga si Ash. "This isn't the plan."

"Ano ba dapat ang pla -"

Mabilis na sumapo ang palad ni Ash sa ulo ni Helga at lumapat ang labi nito sa noo ng babae.

She couldn't move nor say anything. Kahit nang higitin siya ni Ash at yakapin.

"Stay still. Bago dumating si Harry." Bumuntong-hininga ito.

They stayed holding each other for a few minutes, bago siya bitawan ni Ash at ilayo sa katawan nito. Saka ito humakbang ng dalawa patalikod.

"S-sandali, Ash -"

"Baby! Nandito lang pala kayo!" tawag ni Harry na bagong dating. Lumapit ito kay Helga, sinapo ang mukha ng kapatid at ininspeksyon. "Namumula ka."

Namulsa lang si Ash habang nakatingin sa dalawa.

Hinagod ni Harry ng tingin si Helga. Ilang sandaling tumigil ang mata nito sa suot na sapatos ng kapatid bago lumingon kay Ash.

"Oy, Millari a!"

Namulsa si Ash at lumakad palapit sa camera.

"Nothing happened, Harry. Di ba, Kulit?" tanong nitong ni hindi lumilingon sa dalawa.

Sunod-sunod na tango ang ginawa ni Helga, habang napapalunok.

"OA ka, Kuya. W-walang... nangyari. Maarte ka."

Ash walks closer to the camera lens. The visual shakes when it is lifted.

"Keep it a secret, Helga. Or else, forget it for a while," bulong ni Ash bago marinig ang click ng power switch.

Visual status : Off
Audio status : Off
Recording : Off

Goodbye Girl (Chat MD Series #2)Where stories live. Discover now