"Buti naman kundi sasakalin kita!" Natawa na lang ako. Hobby n'ya na talaga akong sigawan.

"Uhh..Marjj?"

"Ano?!" Naiimagine ko tuloy ngayon na may usok na lumalabas sa ilong n'ya.

"M-may gagawin ka ba s-sa sabado?" Please sana wala.

"Meron. Bakit?"

Tss. Badtrip. "Ano ba yung gagawin mo?" Umupo ulit ako.

"Tatambay sa bahay." Muntik na 'kong malaglag sa kinauupuan ko.

"Magbuburo ka lang dito?" Bilib ako sa kanya. Kaya n'yang tumambay dito ng isang araw.

"Eh ano bang pakialam mo ha?!"

"Magbeach tayo bukas! Doon sa private resort ko."

"Ayoko." Sabi na nga ba eh.

"Treat ko yung foods."

"Wala akong paki kahit treat mo pa yung drinks." Umupo s'ya sa couch at nag de quatro saka nagbasa ng isang libro.

"Yayakagin ko si Sazer..." Bigla s'yang napatigil, mukang napaisip. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh, si Sazer lang naman ang gusto n'ya. "...at Grizelle." Napataas ang kilay n'ya dahil sa huli kong sinabi.

"Sige sasama ako." Ngumiti ako ng pilit dahil alam ko ang dahilan kung bakit gusto n'yang sumama.

"Sa thursday na 'yun, magprepare ka na."

"Ilang days?"

"Hmm.. 3 days."

"Okay." Sinarado n'ya ang libro at ngumiti. Ngayon ko lang ulit s'ya nakitang ngumiti pero kakaiba ang ngiting 'yun. Para bang hindi ko gusto kung ano man ang ibig sabihin n'yon.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Grizelle.

("Hello?")

"Uhh..Grizelle."

("Oh Kevin bakit ka napatawag?")

"Itatanong ko lang sana kung pwede kayo ni Sazer sa thursday..." At sinabi ko ang buong detalye.kung saan ang pivate resort ko. 

"Ha? Thursday...Uhmm.. Yung paa ko kasi eh... Sige na nga. Medyo maayos na naman siguro ang paa ko that time."

Yes! Buti na lang pumayag s'ya. "Thanks. 3 days 'yun ha? Ako na lang ang susundo sa inyo."

("Sige. Salamat. Sasabihin ko na din kay Sazer.") Nagpaalam na din ako then I ended the call.

"Do you think bagay saakin ang color black na two-piece?"

My Kontrabida Love [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon