Chapter Four

4.2K 198 73
                                    

#TheUnluckyKiss 

"Paano mong nalaman na iinom ako ng kape mamaya?" nanliliit ang mata ko sa sinabi ni Van. Pagtingin ko sa mukha niya ay parang walang anomalya na nangyari. He resumed eating.

"Just a guess, why?" tanong niya pa.

"Ewan ko sa'yo. Hindi mo ba alam na may secret compartment ang tiyan ko sa kape?" natatawa kong sabi. Nangalumbaba siya sa harap ko. "Busog lang ako ngayon pero after two to three hours ay gutom ako ulit. Ang galing di'ba?"

"Kakakilala mo pa lang dun, nakipagdate ka na agad." Komento niya. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Hindi 'yun date!" reklamo ko, "Teka nga! Iniistalk mo ba ako?!" tanong ko ng hindi makapaniwala. Paano niya nalaman na may kikitain ako mamaya? Grabe, ang creepy ha.

Tumingin siya sa akin na parang bored at nalugi, "Asa ka naman. Iba 'yung narinig ko dahil sa gitna kayo ng daan nakaharang sa ini-stalk. This isn't my fault to hear you guys talking." Kinuha niya ang sling bag niya at isinabit sa balikat niya, "I'm happy for you. Finally, may lalaki ng nagka-interes sa'yo." Tumayo siya sa kinauupuan niya pero pinigil ko siya.

"Friendly date lang 'yun, Van! Ano ka ba para kang sira!"

Nagkibit balikat lang siya, "Doon na rin hahantong 'yun. I have a date later, Belle. Baka hindi kita maisabay pauwi."

"Wait, sinong kadate mo? Maganda ba 'yan, patingin ng picture!" lumapit ako sa kanya at inilahad ang kamay ko. Seryoso ang mukha niya, "Please, Van. Let me see, baka mas maganda pa ako diyan ha." Natatawa kong sabi.

"Hindi ka naman maganda."

Napalayo ako sa kanya ng isang hakbang. Napahawak sa puso na animo'y nasaktan, at inapi.

"Ang perfect mo kasi, e!" angal ko sa kanya, "Kapag 'yang kadate mo, nakita kong mukhang pinaupong manok, at di hamak na mas maganda ako. Bibigwasan kita sa mukha. Seryoso. Kagaya ng pagkaseryoso mo noong sinabihan mo ko ng hindi maganda." Paghahamon ko. Tumango tango lang siya sa akin na para bang ang non-sense ng mga sinabi ko. "Tandaan mo 'yung sinabi ko! Bi-big-wa-san ki-ta!" pahabol ko pa sa kanya.

Pumasok na ako sa sunod kong klase at unfortunately, dahil general engineering pa rin kami hanggang ngayon ay halo halo pa rin ang mga engineering students. Hindi pa nasosort-out. At sa pagkatatanda ko, hindi ko kaklase si Van ngayon.

"Dale!" sigaw ko noong matagpuan ko siya sa paborito niyang upuan.

Buti pa 'tong si Dale Ramos ay medyo kapareho ko ng sched ngayon. Hindi man ako friendly kagaya ng iba na nag-uumapaw sa friends, meron naman akong mga kaibigan na bilang lang sa kamay pero hindi ka papabayaan.

"Ang ingay mo, Belle." Sita niya sa akin. Ang sungit talaga ng snob na 'to palibhasa't nalulunod na kakabasa sa aklat niya. Hindi pang-academics na aklat, mahilig kasi 'yung lalaking 'to sa Nicholas Sparks na nobela. Romance at science fiction ang gusto niyang genre. Book lover din siya kagaya ko.

"Anong binabasa mo?" tanong ko sa kanya.

"Wala ka na don, baka hiramin mo na naman, e." itinago niya ang book niya sa loob ng bag niya. Hinampas ko naman siya ng back pack ko.

"Ang damot mo!" umupo na ako sa tabing upuan niya at inilabas ang bagong bili kong libro, "Library of Souls, third book ni Ransom Riggs. Alam kong wala ka pa nito." Nangingiti kong sabi na may halong pang-aasar.

Tinginan niya naman ako na may halong pang-aaasar din, "Third book binili mo pero wala ka pang first at second book? Tss. Tss." Hinimas himas niya pa ang baba niya.

The Unlucky KissDove le storie prendono vita. Scoprilo ora