Chapter Seven

6K 225 165
                                    


Tweet #TheUnluckyKiss

Nagkatinginan kaming dalawa ni Van, gigil na gigil ang mga ngipin ko sa galit. Ilang beses rin na malalim na paghinga ang ginawa ko, iniisip kung paanong lulusutan ang moment na 'to. Magsasalita pa lang ako noong pumunta si Van sa harap ng gate at pinagbuksan ito. Kinuha niya rin ang mga paper bags na dala ni Mama.

"Bakit ayaw mo sila papasukin, Belle? Kanina ka pa nakatayo diyan ah?" Ang magalang na pagkakasabi ni Van. "Pasok na po kayo sa loob." Dagdag niya pa.

Nginitian lang ni Mama si Van at tuluyan na silang pumasok. Si Mama ay nauna at sinusundan naman siya ni Van, nagsasalita pa siya habang naglalakad. Nagtatanong pa si Van kung kamusta naman daw 'yung flight nito galing sa Cebu. Grabe talaga! Si Mama naman ay todo ngiti habang sumasagot sa mga tanong ni Van. Si Papa naman ay nakasunod kay Van, at ang tatlong lalaking kapatid ko ay sumabay sa paglalakad ko. Nasa gitna nila ako at nakaakbay sila sa akin.

"Sino 'yon, baby girl?" tanong sa akin ni Kuya Newton, panganay namin.

"Boyfriend mo?" pag-uusisa ni Kuya Aris. Aristotle ang pangalan niya pero Kuya Aris na lang dahil masyadong mahaba ang Aristotle. Siya ang sumunod kay Kuya Newton.

"Bakit dito natulog 'yon?" pagtatanong naman ni Kuya Galilei, ang sinundan ko. "At nakahubad pa, mukhang bagong gising." Pagdadagdag niya. Pilit kong kinakalma ang sarili ko dahil bwisit na bwisit pa rin ako kay Van. Dapat talaga ay hindi ko siya pinatulog dito. Ano na lang sasabihin ng mga magulang at kapatid ko sa akin?

"Nakitulog lang 'yun dito." Pagsagot ko sa mga sunod sunod nilang tanong.

"Tulog lang talaga?" muling pagtatanong ni Kuya Newton, "Alam mo baby girl, hindi naman kami magagalit kung sasabihin mong boyfriend mo 'yun, e. Pero sana naman hindi ka nagpapatulog dito sa apartment mo. Ang pangit tingnan."

"Ang pangit talaga." Ang grabeng maka-react na si Kuya Aris.

"Hindi ko nga po boyfriend 'yun, friend lang. Friend lang talaga, promise." Itinaas ko pa ang kamay ko at parang nanunumpa sa kanila. Pahamak talaga ang desisyon ko kagabi!

Ako lang ang naibang pangalan sa magkakapatid. Puro sikat na scientist o physicist ang pangalan ng kapatid ko. Gusto kasi ni Mama at Papa ang science at talagang nag-eexcel sila doon noong kabataan pa nila. Ako lang talaga ang naiba dahil nagkaroon daw ng aksidente si Mama dati noong pinagbubuntis niya ako. Naglalakad daw siya at pauwi na sa bahay noong hinimatay siya sa gitna ng kalsada, buti na lang talaga at may isang babaeng tumulong sa kanya, at Belle ang pangalan non. Dahil thankful si Mama at Papa sa babae, doon nila sinunod ang pangalan ko. Pero dapat talaga ay Marie ang name ko, isusunod dapat kay Marie Curie. Buti na lang talaga dahil kung hindi magiging tunog tinapay pa ang name ko.

Si Kuya Newton at Kuya Aris ay tapos ng mag-aral. Si Kuya Newton ay nagtapos ng Architecture, nagpapart-time din siyang magturo sa isang unibersidad sa Cebu. Sa tatlong kuya ko, siya ang mas masarap kausap. Siguro dahil mature na rin at tahimik lang. Hindi kagaya ng dalawang sumunod, si Kuya Aris ay tinapos ang kursong Tourism. Gwapo daw kasi siya kaya ayun daw ang bagay na course niya. Mapang-asar at isa siya sakit sa ulo ni Mama at Papa. Habang si Kuya Galilei naman ay kumukuha ng Medisina. Nag-cumlaude sa kursong B.S. Bio at kasalukuyang nag-aaral din. Isa pa rin siya sa mapang-asar! Kung ano lang ang kinaiinisan ko, tinatakot nila ang mga nanliligaw sa akin. Pare-pareho silang seloso kaya nagtataka ako kung bakit di nila tinatakot si Van.

"Hindi pa rin kami naniniwala." Pagsegunda naman ni Kuya Lei, o Galilei. Sabay sabay kaming pumasok sa loob at dumiretso sila papunta sa sala. Isa isa silang umupo doon at hindi ko pa rin talaga makalma ang sarili ko. Nagliliyab ang galit ko kay Van. Nasaan na nga ba ang lalaking 'yon?!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 19, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Unlucky KissWhere stories live. Discover now