Chapter Six

3.8K 186 105
                                    

Comments make me write faster. 

#TheUnluckyKiss

My phone rang while it vibrates, sino na naman bang tumatawag na 'to? Nasira ang focus ko sa pag-edit ng pictures na ipopost ko sa instagram, "What?" galit na tanong ko. I heard him chuckle on the other line. Ang sarap sarap ng pagkakahiga ko, e. Kaimbyerna!

"Rain was pouring hard, sobrang baha na papunta sa condo ko." Said Van. Napairap na lang ako, inakap ko ng mahigpit ang unan na nasa pagitan ng hita ko.

"And so what?"

"So you need to help me!" he answered.

"Anong gusto mong gawin ko? Higupin ko 'yung baha?" sarcastic na sagot ko sa kanya, "Van, pwede ba tigilan mo ko ngayon dahil busy ako. Marami akong ginagawa ngayon." Pero wala naman talaga.

"Just this night, okay? Let me stay with your house."

"No." I replied, "Maraming hotel jan! Bawal sa bahay ko."

"You're evil." He cajoled, "Kapag ako namatay, I'll haunt you." Binuksan ko ang TV at tumambad sa akin ang headline ng news. Marami daw stranded na sasakyan, magkakaroon pala ng bagyo in a day.

"Nasaan ka ba?" tanong ko sa kanya. Kung hindi lang talaga ako nakokosensya at hindi ko lang kaibigan 'to ay hindi ko talaga i-eentertain ang mga demands niya at rants.

"In front of your apartment." Napa-tanga na lang ako bigla. Sumilip kaagad ako sa bintana at nakita ko nga ang sasakyan niya na nakaparada. It's already eleven in the evening at sobrang lakas nga ng ulan. Binuksan niya pa ang headlight ng kotse niya, siguro para i-signal na nakita niya ako mula sa labas.

"Sira ka talaga! Kadadating dating mo pa lang ba?" tanong ko sa kanya. Isinuot ko ang slippers ko at bababain ko na siya.

"Two hours ago, Belle." he answered.

Kumuha ako ng payong na nasa cr ko dahil ayoko namang mabasa ang sahig ng apartment ko, "Bakit ngayon mo lang ako tinawagan?" tanong ko naman sa kanya.

"No reason," he simply shot back. Binuksan ko ang payong ko at nakipagdigmaan sa ulan na sobrang lakas kung pumatak. Ang lakas lakas pa ng hangin na tipong nababasa 'yung pajama na suot ko.

Ipinasok niya ang Ford Ranger na sasakyan niya na matte black ang kulay. Hinintay ko rin siyang makababa para hindi siya mabasa ng ulan. Hinampas ko kaagad siya sa balikat niya noong nakababa na siya, "Sira ka talaga! Bakit di mo ako tinawagan kaagad? E kung masuffocate ka jan sa kotse mo?" inirapan niya lang ako at siya pa mismo ang nag bukas ng pinto.

Nagpunta kaagad siya sa ref at tiningnan ang laman nito, "You're running out of stocks, Belle. We need to buy tomorrow." Sabi niya. Weekend na bukas kaya free naman ako. Pero may mali talaga, e.

"Van, di ko kailangan ng sermon mo tsaka wala akong time mag-grocery." Paliwanang ko.

"Kaya ang payat mo, hindi ka kasi kumakain." Bwelta niya sa akin. Inirapan ko naman at tinabihan siya. Naniningin pa rin siya ng pwedeng kainin. Kumakain kaya ako, hindi nga lang ako tumataba dahil mabilis ang metabolism ko.

"Perfect mo, e. Hiyang hiya ako sa'yo!"

"Nag-ref ka pa, wala rin namang laman."

"Anong tawag mo sa repolyo," hinawakan ko ito, "sa carrots! Sa itlog! Sa chocolates?! Hindi ba pagkain ang tawag diyan?" inis na sabi ko sa kanya.

"Ewan ko sa'yo, magugutom ako sa bahay mo." Isinara niya ang pinto ng ref at nagpunta naman sa mga cabinet ko sa kitchen. "Puro sardinas, wala bang tuna?" tanong niya pa sa akin. Napa-angat na lang talaga ang kilay ko.

The Unlucky KissKde žijí příběhy. Začni objevovat